◈ Nagkita muli ◈

6.2K 208 4
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Hindi ako maka paniwala sa sinabi niya! Hindi pala ito ang ritwal ng pagiging Zimbroo, ang ginagawa nila ngayon ay ritwal para mabuhay ang panginuon nila!

Biglang sumikip ang dibdib ko dahil dito. Humigpit ang kamay ni Gabriel sa akin at nagulat naman ako nung bigla niyang binitiwan ito at tumango kay Valdesis. Sumugod sila bigla at sumunod naman ako agad.

Binalot ko na ang mga katawan ng Zimbroo at inisip ang sakit, pinatay ko lahat ang ma dadaanan ko at gayun din ang mga kasamahan ko.

Hindi maaari to! Kaylangan namin sila pigilan! Kung totoo man ang pinagsasabi nila ay dapat ko ng tuldokan ito!

Bigla ulit lumindol at sa lakas nito bigla akong napa luhod, lumaki ulit ang pagbuka ng lupa at pansin kong hindi na pula ang kalahati ng buwan, kulay itim na ang kalahati nito.

Biglang uminit ang ulo ko dahil nakita ko ang mala demonyong ngiti ni Eliesa. Inilabas ko ang kapangyarihan ng spada at sumugod sa kanya. Pansin kong sumunod si Gabriel at sa isang iglap, bigla siyang napunta sa harapan ko at pinatay lahat ng Zimbroo para gumawa ng daan para sa akin.

Bigla siyang pumikit at may binubulong, ramdam ko ang lumalabas niyang kapangyarihan at nung malapit na ako, inilabas ko ang na mumuo kong kapangyarihan sa kanya at sa oras na pumunta ito sa kanya ay nagkaroon naman siya ng harang.

Dahil sa lakas ng kapangyarihan ko ay unti unti ng na bibiak ang harang na ginawa niya. Sa pagka wala ng kanyang harang ay tuloyan ng natamaan ang katawan niya, sumigaw siya sa sakit at pansin kong tumatakbo siya papunta kay Zander.

Hinabol ko siya at gayun din si Gabriel pero hirap parin kami maka habol dahil sa mga Zimbroong na dadaanan namin. Ginamit ko ulit ang kapangyarihang pwesa ko at napa tapon naman sila nito.

Tiniis ko ang pagkahina ko para maka punta lang sa tamang oras. Para kaming tumatakbo sa walang hanggang daanan!

Halo halong dugo na ang nasa katawan ko. Dugo ng mga Zimbroo at ang gintong dugo ko dahil sa mga sugat na natamo ko dahil sa rami nila. Ngayon ko lang na pansin na hinihila na pala ako si Gabriel dahil parang humihina na ang takbo ko.

"Kaibigan! Bigyan mo ako ng lakas!" Sabi ko sa isip ko. Lumiwanag ang kwintas ko at ramdaman ko ang dumadaloy na enerhiya sa katawan ko.

Biglang naging aktibo ang dugo ko, ito ba ang na raramdaman ng mga nilalang kung ginagamit nila ang enerhiya ng spada ko? Kaya pala parang kakaiba ang mga magagawa nila.

Ngayon ko lang na pansin na lumabas na pala ang marka ko sa buong katawan. Tumakbo ako ng mas mabilis at parang pantay na kami ni Gabriel sa bilis, ngayon ko lang na pansin na naging puti na pala ang mga mata niya at may na kikita akong puting liwanag sa kanyang likod.

Tumango ako sa kanya at inihanda ang sarili, biglang lumabas ang puting liwanag sa kamay niya at itinira ko naman ang na mumuong kapangyariha sa spada ko. Lahat ng natatawaan ng pinaghalong kapangyarihan namin ay na susunog at na wawala.

Dumeretso ito kay Zander at muli gumawa siya ng isang harang. Lumalakas na ang kapangyarihan niya dahil parang mas matagal ng na wasak ang harang niya. Ilang sandali nun ay biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog at napa tapon naman kaming lahat nun, at gayun din si Zander.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now