◈ Totoong Hari ◈

5.1K 235 10
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Napaka sarap ng simoy ng hangin pero ipinagkait ang kagandahan ng alapaap sa taas. Naka upo ako sa isang malaking bato na naka harap sa isang magandang talon, nasa gilid ko si Jake nililinis ang sandata niyang hawak hawak. Matapos ang ng yari kanina sa kaharian, na padpad na kami dito.

Ang lalim ng iniisip ko at ang tanging ginagawa ko lang ay pinaglalaroan ang kwintas kong suot.

Ang raming tanong na gusto kong malaman ang mga sagot! Isa na dito kung bakit bumalik ang pagbabala ng marka ko at pano ng yari yun?

Araw pa ba ang dadaan bago namin makita sila Gabriel? at kaylangan ko pa ba silang hintayin para sa isang piraso?

Ugh! ang sakit ng ulo ko!

Hindi talaga mawala sa isip ko ang kaligtasan nila. Saan kaya sila ngayon, nag-aalala na talaga ako. Baka kasi pupunta sila sa kahariang yun dahil pumasok sa isip nila na nandoon ako. Ano ba naman kasi yan!

"Humihingi ako ng tawad khul'Shalkrum." Rinig ko sa isip ko.

"Wag mong isipin na kasalanan mo, kaibigan. Dahil hindi ko iniisip yun."

"Khul'Shalkrum, pinag-aalala kita ngayon."

"Gaya nga sa sinabi ko, wag mong sisisihin ang sarili mo. Ayokong iisipin mo yun, at pakiusap wag ka ng humingi ng tawad. Hindi talaga pumasok sa utak ko na sinisisi kita, kaibigan kita at sa ng yari kanina ay hindi mo sinasadya."

"Masusunod Khul'Shalkrum. Ramdam ko ang puso mo, mahahanap rin tayo ng gabay mo. May tiwala ako sa anghel katulad sa tiwalang na raramdaman mo." Bigla nalang uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Alam nga niya pala ang na raramdaman ko, kakahiyaaaa!

"Uhmm, oo tama ka. May tiwala nga ako sa kanya. Kaibigan, ano ba ang maaari kong gawin ngayon? kikilos na ba ako?" Tanong ko.

"Maaaring pwede, maaaring hindi. Kaylangan mo parin ang gabay mo, ang kapangyarihan natin ngayon ay lumalakas na. Pwedeng pwede mong magawa ang lahat para sa misyon mo. Pero ang kapangyarihan ng Elfeeh ay sadyang mapanganib sa mga mortal, panibagong lakas ang nasa sayo Khul'Shalkrum kaylangan mo parin itong kontrolin."

Tama nga siya, haaaay. Ibig sabihin kaylangan ko muna silang makita para maka pagpatuloy na ako.

"Gagawin ko yun." Sabi ko at huminga ng malalim.

"Lun, dito lang ba tayo?" Biglang tanong ni Jake.

"Hindi, aalis rin tayo dito. Teka nga! Hindi mo pa pala sinasabi sa akin na pwede ka ng maging ibon! Tsk! ang rami mo ng nililihim ahh!" Bulyaw ko at napa taas naman ang dalawa niyang kamay.

"Oh teka teka! Grabe ka naman kung maka tanong, eh sa totoo lang ngayon ko lang yun na gawa ng tama." Sabi niya.

"Hu? anong ibig mong sabihin?"

"Shifter ako at mahigit dalawa ang pwedeng ibago sa anyo ko. Pero ang isa hindi ko pa na tutuklasan, malay natin ehh kung lalakas ako baka higit pa sa inaasahan ko." Paliwanag niya. "Na gawa ko lang to ng maayos nung nag-iinsayo ako sa palasyo, isang labanan ang ng yari pagitan ng mga kawal. Tradisyon daw ng palasyo sa mga bagong salta. Muntik na kasi akong matalo kaya yun, sinagip ako ng galit ko."

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon