◈ Buhay na ◈

16.4K 485 17
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Hindi ako maka paniwalang nasa harapan ko siya ngayon at tinawag pa niya ako ng Tinakda, katulad ng tinatawag niya sa panaginip ko. Pinilit ko ang sarili kong tumayo dahil hindi ako komportableng naka higa ako at naka tayo siya.

Bigla niya akong inalalayan. Kinagat ko ang labi ko dahil sa sakit. Alam kong marami na ang dugong nawala sa akin pero dapat akong maka labas. Kaylangan ko ng sapat na lakas para gamutin ang sarili ko, para hindi lumala ang sugat ko.

"Pwede mo ba akong ihatid sa labas?" Tanong ko. Mas madali kasi akong gumaling kapag nasa labas ako. Hindi sapat ang kapangyarihan ko para gamutin ang sarili ko, kaylangan ko ang tulong ng buwan. At kahit hindi pa gabi alam kong nasa langit lang ito at hindi ko lang na kikita. Nalaman ko ito nung isang taon dahil sa isang libro.

"Bakit naman? Hindi pa pwede ang sugat mo, dito ka muna."

"Kaya nga lalabas ako para ma wala na ang sugat ko."

"Ako ang Gabay mo kaya makakatulong ako."

Nagulat ako sa sinabi niya. Gabay?

(o_O) anong pinagsasabi nito?

"Malalaman mo yan mamaya. Hayaan mo muna akong gamutin ka Tinakda para hindi kana mahihirapan." Hindi ko alam pero sa boses niya mukhang nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero hindi ko parin siya maintindihan.

"Pwede ko bang hingin ang tiwala mo sa ngayon? Gagamutin kita pero kaylangan ko muna ang tiwala mo para magawa ko ito." Naka tingin lang ako sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamula at tumangon. Hindi ko pa man siya kilala pero alam ko sa sarili ko mapagkatiwalaan ko siya. Sinagip niya ang buhay ko at sapat na yun.

Ginaya ko siya, pumikit ako at naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at sa oras na yun, hinayaan kong lawakan ang isip ko. Hindi rin nagtagal may na ramdaman akong pumapasok na enerhiya sa katawan ko. Malamig ito, parang lahat ng sakit ko ay na wawala. Ramdam ko ang pagsira ng mga sugat ko sa kamay at braso ko.

Parang na dadagdagan ang enerhira ko para magamot ang sarili ko at matapos nitong mawala, dumaloy ulit ang malamig na enerhiya sa tiyan ko na parang inaalalayan ang enerhiya kong isara ang sugat sa tiyan ko.

Binabalot ng malamig na enerhiya ang sugat ko. At unti-unting na wawala ang sakit nito. Nung wala na akong ma ramdaman binuksan ko ang mga mata ko at sinalubong ako ng isang magandang asul na mga mata.

Nagulat ata siya dahil bumukas ang mga mata ko kaya bigla niyang iniwas ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang tiyan ko at naramdaman kong walang bakas ang sugat kanina. Tanging na iwan nalang ay ang napunit kong damit.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo tinakda?" Bigla siyang nagsalita. At hanggang ngayon hindi niya parin ako matingnan sa mga mata ko. May problema ba? Hindi ba siya komportable kung nasa paligid niya ako?

"Maayos na ako salamat. Pwede mo akong tawaging Luna, hindi kasi ako sanay na tawaging tinakda. Bumaba ka na baka gutom ka na. Mag bibihis muna ako." Sabi ko sa kanya sa medyo malamig na boses. Napansin niya yata ang boses ko kaya tumingin siya sa akin. Hindi ko siya masisisi dahil hindi niya ako kilala, sa panaginip lang parin kami magkakilala.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now