◈ Sa daan (part 1) ◈

7.3K 288 17
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Naka titig lang ako sa mapang nasa harapan ko, bakit parang, isa lang ang nakikita kong piraso ng spada ng langit?! Hindi ko maintindihan ang mapa, bakit walang pangalawa?

"Diba dapat, dalawa? Bakit isa lang ang nakikita ko dito?" Tanong ko.

"Hindi ko rin alam, tinakda." Sagot ni Gabriel na nasa kaliwa ko.

"Di kaya, isa lang talaga ang na padpad dito?" Sabi ni Sheena na kumakagat ng mansanas.

"Oo baka nga, at baka sa susunod na planetang pupuntahan natin ay may tatlong piraso ng spada mo, Luna." Singit ni Valdesis na naka upo sa malaking bato sa harap ko.

"Eh ang sabi ni Xion ay may tig dadalawa ang bawat planeta." Sabi ko.

"Baka nag kakamali lang siya, sa oras na nalaman niya ang impormasyong yun ay may deprensya ang tenga niya o di kaya hindi siya naglinis ng tenga sa mga oras na yun o di kaya-.. Aray!" Tinapunan ko nga ng bato sa ulo si Valdesis.

"Tsk! tumahimik ka! walang kwenta ang pinagsasabi mo! tsk!" Sabi ko.

"Ang mapa na mismo ang may sabi, Luna. Ang gagawin nalang natin ay kukunin ang piraso at ihahatid agad tayo sa susunod na mundo." Gabriel.

"Kung tigdadalawa talaga, baka parehong lokasyon ang mga ito." Napa tingin kaming lahat kay Sheena sa sinabi niya.

"Totoo bang sinabi niya talaga yun? tsk! bat di ko na isip yun?! Baka nga parehong lokasyon nila kaya wala tayong nakikitang pangalawa." Sabi naman ni Valdesis.

"Di malayong tama kayo, pero kaylangan parin nating maka sigurado." Ako.

"Tama ka, tinakda. Kaylangan muna nating mahanap ito." Sabi ni Gabriel sabay turo sa pulang marka sa malagintong mapa sa harapan namin.

"Eh san tayo unang pupunta? Ang lawak oh, parang wala akong nakikitang bayan o ano. Di ko nga matukoy kung san ang katimugan dito." Valdesis at tumayo.

"Ramdamin mo kaya, Luna. Baka matukoy mo kung san ang lokasyon." Sabi ni Gabriel.

Tama siya, ang lawak kasi ng paligid at tirik na tirik ang araw sa taas. Kaylangan na naming umalis sa lugar na to, dahil baka babalik ulit ang ipo-ipo sa lugar na to.

Pumikit na ako at inisip ang spada, di nagtagal lumantad siya sa harap ko.

Sheena's POV

Naghihintay lang kami kay Luna para sa lokasyon ng piraso ng spada niya, habang naghihintay sinusubukan ko lang umakyat sa malaking puno na sinisilungan namin dahil sa araw. May prutas kasing kakaiba na binigay si Luna kanina, at tumutubo ito sa malaking puno na to. Kakaiba ang lasa niya, parang di ko na mapigilang kumain pa.

Inilagay ko na ang kaliwang paa ko sa ugat nito at hinawakan ko ang malaking sanga sa taas. Hinila ko ang sarili ko pataas at kalahati pa lang ng katawan ko ang nakakaangat, na bitiwan ko na dahil di ko kaya. Tsk! tumataba na ba ako?!

"Tsk! tanga! mali yan, ano kaba! hahahaha!" May na rinig ako galing sa likod at nakita si Valdesis.

"Unang akyat ko to kaya wag ka nga! Kakainis!" Sabi ko at pinagpatuloy sa ginagawa ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon