◈ Unang piraso ◈

10K 385 7
  • Dedicated kay Jane Macion
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Ilang oras na rin kaming naghahampas ng sandata namin sa mga walang kwentang mga nilalang na ito. Na papagod na ako dahil rin sa sugat ko sa kamay. Isa lang nga ang gamit kong kamay dahil, baka dumilat nanaman ang sugat sa kamay ko.

Mabuti nalang at nandiyan si Gabriel, tinutulongan niya ako kapag hindi ko ma patay ang aatake sa akin. At yung isa naman abala rin sa pagpaslang sa mga nakakatakot na nilalang. Hindi ko na nga maintindihan ang lugar dahil parang na puno na ng dugo.

Ang rami na naming pinaslang pero wala paring katapusan ang paglabas nila. Parang may hindi tama sa ngyayari ngayon.

Napahinto ako nung may nakita akong apoy na parating sa akin. Sa oras na palapit ito bigla kong iniliko ang katawan ko patalikod. Nung dumaan na ang apoy, inayos ko ulit ang katawan ko.

"ISA NALANG PETER AT AKO NA PAPATAY SAYO!" Sigaw ko sa kanya.

"GANDA NG ILAG AHH! PERO MAGPASALAMAT KA." Ngumuso siya sa dereksyon ng likod ko. Tiningnan ko ito. Natahimik ako nung nakita kong may na susunog na kalaban namin.

Tumingin ulit ako kay Peter at nakita ko siyang kumindat. Tsk! Pasikat. Nagulat ako nung may biglang bumato ng bato sa ulo niya.

"Araaay!" Tiningnan niya ng masama si Gabriel.

Teka si Gabriel may kagagawan nun? Bakit naman?

Napahinto kaming lahat dahil sa isang malakas na sigaw. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na agad silang dalawa, pinagitnaan nila ako.

"Nan dito na siya." Bulong ni Peter.

"Sinong siya?" Tanong ko.

"Ang halimaw sa bundok na ito." Sagot niya.

Teka hindi pa pala ang mga to ang halimaw sa bundok na ito? Taktek! na papagod na ako!

Teka bat hindi ko to na isip!

"Isa lang tong patibong!" Naiinis kong sinabi.

"Oo tama si Luna. Isa lang nga itong patibong. Kung hindi pa sumigaw ang halimaw na yun hindi ko maisip to." Sabi ni Gabriel.

"Naiinis na talaga ako! Pipirasuhin ko talaga ang buto niya kung magpapakita siya!" Umiinit na ang dugo ko. Nilabas ko na ulit ang ginto kong mga mata para makakita ng maayos. Kapag ginagamit ko kasi ang kapangyarihan ko, parang na dadagdagan ang mga pandama ko, kagaya ng aking mga mata mas nakakakita ako ng malinaw at nakakakita rin ako ng mga malayong bagay.

Nagulat ako nung may biglang lumipad na palaso sa dereksyon ko. Biglang may humatak sa akin papalayo kaya ang na tamaan lang ay ang isang puno.

"Muntikan na yun." Bulong ko.

"Ayos ka lang Luna?" Tanong ng humatak sa akin. Lumingon ako para magpasalamat pero gulat ang sumalubong sa akin.

(O_O)

Ilang sentimetro nalang ang layo ng mukha namin ni Gabriel. Taktek! Ramdaman ko ang init sa mukha ko pero nagulat ako nung may batong tumama sa ulo ni Gabriel.

May na rinig akong sumisipol sa gilid ko at nakita ko si Peter. At na pansin ko ring tiningnan ni Gabriel si Peter ng masama. Tinaasan ko si Peter ng kilay.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon