◈ Tinakda? ◈

17.5K 561 9
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Kanina habang naghihintay ako kay Jake na bumalik, may nakita akong isang lalakeng naka itim. Puti ang buhok nito at may maskara ang mukha niya. Tumindig ang balahibo ko dahil naka harap siya sa dereksyon ko. Sino ba to?

Nakakatakot naman ang mga mata niya. Habang tinititigan niya ako, napansin kong biglang kumintab ang mga mata niya.

Parang kagaya lang sa akin pero puti ang kulay nito. Dahil sa nakita ko, agad nagkaroon ng kagustohan sa loob ko na lapitan siya pero tatayo na sana ako nung may biglang dumaan sa harapan niya at na wala nalang siya na parang bula. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo kung saan siya pero wala na siya. Ni walang bakas kung saan siya pumunta.

Lumingon lingon ako sa paligid baka sakaling makita ko siya. Isa kaya siya sa mga manlalalo sa arena? Pero sa kakaibang pananamit niya at ayos ay parang nagkakamali ako. Nakita ko na lahat ng tela sa kahariang ito pero hindi ko matukoy kung anong kasuotan ang gamit niya. Isa kaya siyang bisita sa kaharian? Mukha paring mamahalin ang suot niya.

Nung hindi ko na talaga siya mahanap napatigil ako sa isang lugar na walang tao. Hindi ko na malayan na nasa harapan ko na pala ang kagubatan. Bakit kaya hindi ko na pansin na nandito na pala ako.

Nagsimula na akong maglakad. Ewan ko ba pero gusto ko talaga siyang makita. Isang pakiramdam na hinihila ako para hanapin siya. Sa paglalakad ko, napahinto ako dahil sa tunog ng kwago. Medyo hindi na nasisikatan ng araw dito dahil sa malalaking mga puno. Wala naman akong na raramdamang panganib kaya hindi ako na bahala.

Pinagmasdan ko lang ang paligid baka sakaling makita ko siya ulit, pero wala. At ilang minutong paghahanap, bigla nalang akong napabuntong hininga. Nababaliw na ata ako. Ang pagpunta ko dito ay isang kabaliwan. Nagdesisyon akong bumalik na lang sa arena at baka hinahanap na ako ni Jake. Tumalikod na ako sa gubat at nagulat. Ang matagal ko ng hinahanap na lalake ay nasa harapan ko na ngayon. Napalunok naman ako nun at umatras.

Parang tumalon ang kaluluwa ko sa ginawa niya. Hindi ko napansing minuto na pala akong tumitingin sa kanya. Iniwas ko bigla ang tingin ko at nahiya sa ginawa ko.

"Tinakda." Sabi niya at bigla siyang yumuko sa harapan ko.

"Sino ka?" Tanong ko.

Umayos na siya at tiningnan niya ako sa mga mata. Ngayon ko lang na pansin na ang mga mata niya ay kulay pilak. Kahit ngayon lang ako nakakita ng matang katulad sa kanya, na gagandahan parin ako.

"Huhulaan ko. Wala pang nagsasabi sayo na ikaw ang tinakda. Tama ba?" Ang ganda ng boses niya kahit isa siyang lalake. Nakatingin lang ako sa kanya. Para na akong baliw kaya nilinaw ko muna ang boses ko bago ako nag salita.

"Nagkakamali ka ata ng pinagtatanungan. Hindi ako ang tinakda, ang pangalan ko ay-......"

"Luna. Alam ko." Inunahan niya na ako. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit niya ako kilala. Teka tinakda? Saan ko ba ito na rinig?

"Bakit mo alam ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa sinabi ko.

"Dahil ako ang inutusan ng diyos para buhayin ka. Tinakda".

"Teka. Bat tinatawag mo akong tinakda? Eh alam mo naman ang pangalan ko ah. At teka, Ikaw ang bumuhay sa akin?" Halata sa boses ko ang lito.

"Marami pang oras kaya hinay hinay lang sa mga tanong tinakda. Pagpaumanhin mo sana ang inasal ko ngayon. Ni hindi man lang ako nagpakilala sa harapan ng tinakda. Ang pangalan ay Xion, tagapangalaga ng buhay." Yumuko nanaman siya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Место, где живут истории. Откройте их для себя