◈ Halik ng kamatayan ◈

5K 188 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Gabriel's POV

Hindi ko alam kung bakit ang init ng katawan ko ngayon. Parang nagkaroon ng digmaan ang buong katawan ko para manatili lang sa pwesto ko. Ang nasa likod kasi nitong malaking bato ay si Luna, naliligo.

Ilang oras nalang at lalabas na ang araw, kakatapos lang rin naming mag-insayo kaya naghahanda na siya. Hindi ko naman pwedeng may maka kita sa kanya kaya bantay sarado ako dito. Pero parang kinakalaban ako ng sarili kong katawan.

"♪Lalalalalalalala♪" Rinig kong kanta niya at napa ngiti naman ako nun.

"Oh pangit, nandito ka pala. Teka, bat ang dumi dumi mo? ngayon lang natapos ang insayo niyo? mag-uumaga na ahh, baka inaabuso mo ang asawa ko niyan." Nanlaki naman ang mga mata ko nung biglang dumating si Valdesis.

"♪Lalalalalalala♪"

Bigla siyang nagmasid at bumuo ng isang ngiti.

"Wag mo ng ituloy." Sabi ko at nilabas ang spada ko.

"Tsk! panira talaga." Dahan dahan siyang tumalikod at iniwala ko na ang spada ko. Mabuti naman at aalis na siya..

"YAAAH!" Na gulat naman ako nung bigla siyang tumakbo at sa bilis niya, muntik ko ng hindi mahawakan ang braso niya.

Hinila ko siya at sa lakas niya binalot ko na ang mga braso ko sa kanya. Nagpupumiglas siya kaya hinigpitan ko naman ang mga braso ko.

"Ehem! uhmm nakakadistorbo ba ako?" Napa tingin ako sa gilid ko at nakita si Luna. Pansin kong tumaas ang kilay niya at napa bitiw naman ako sa unggoy.

Ngayon ko lang na pansin na parang nagyayakapan lang kami kaya pinagpagan ko ang sarili ko. Tsk! kadiri pala ang posisyon namin kanina, parang ewan. Tumindig bigla ang balahibo ko nung pumasok ito sa utak ko yun.

"Ang bango na ng hangin ahh." Sabi ni Valdesis sabay akbay kay Luna. Bigla namang kumulo ang dugo ko sa ginawa niya.

"Eh di naman nagbago ahh, ang baho parin, kaya maligo ka na! ang baho mo!" Luna at tinulak si Valdesis.

"Siguro mas maganda kung sasam-.." Di niya na tapos ang sinabi niya dahil nasa leeg niya na ang talim ng spada ko. Hinila ko si Luna at sinamaan ko naman ng tingin ang unggoy sa harapan.

"Magandang umaga." Biglang dumating si Sheena at nanlaki naman ang mga mata niya nung nakita niya ang talim ng spada ko.

"Luna!" May biglang sumigaw at napa tingin naman kaming lahat kung sino.

"Jake!" Biglang tumakbo si Luna sa kaibigan niya at nanigas naman ako nung bigla niyang niyakap ang tinakda.

"Tsk! tsk! tsk! iba ang pinili." Biglang umakbay si Valdesis at binigyan ko naman siya ng nakakamatay kong tingin kaya bumitiw siya.

Konting pahid lang naman ang ginawa ko para maging malinis ulit, nagbihis na ako at umalis.

Binuhat ko na ang mga gamit ni Luna at nilagay sa nilalang na sasakyan niya. Habang ginagawa ko yun, may biglang nasagap ang mga mata ko na nagsanhi ng paglaki ng butas sa ilong ko dahil sa galit.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now