◈ Hakbang sa digmaan ◈

4.7K 208 7
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Ang Zyrexis na tahimik noon ay napalitan ng magulong mundo. Imortal laban sa imortal ay na ganap sa mundong mortal.

Iisa lang naman ang nasa utak ng mga mortal ngayon, saan na ang panginoon sa mga oras na ito?

Hindi lang sa Zyrexis nagkaroon ng digmaan, sa labas ng kalawakan ay nagkakagulo rin. Ang panginoong Therina ay buhis buhay niyang pinotektahan ang apat pang mundo sa kalawakan. Milyong bayal at kampon ng kadiliman ay ang kalaban niya at kasama niya ang gintong hukbo sa kanyang kaharian.

Pilit nilang winawasak ang harang sa apat na mundo. Ang taga pangalaga ng kamatayan at ang mga sugo niya ay naiwan sa tabi ng panginoon, habang ang ibang sugo ng diyos ay abala sa mundong Zyrexis.

Umabot na nga ang panganib sa kapital ng mga pulang dragon. Ilan sa mga anghel ay bumaba na sa kalangitan para tulongan ang mga mortal. At di naman tumagal, ang gulo ay umabot hanggang sa mga itim na dragon.

Ang panibagong hari nila ngayon ay di naman nagdalawang isip na tumulong. Gising na ang araw pero parang walang hanggan ang gulo sa lugar. Pula at itim ay nagtulong tulong para puksain ang mga bayal at halimaw na nagtagumpay na maka pasok sa kapital.

Gulat ang nadakip ng pulang hari dahil sa nakita niya. Ilang taon rin silang nilulusob ng mga itim na dragon dahil sa anunsyo na digmaan ng itim na hari noon. Pero ngayon, tulong na ang inaalok nila.

Siradong bintana, pinto, at kahit anong bukasan ay kaylangan nilang isara para malayo sa mga mata ng mga bayal. May ilang bahay ay na sunog pero na agapan naman ito ng mga kaibigan ng pulang prinsipe.

Ngayong bukas na ang daanan, walang katapusang pagpasok ang ginawa ng mga kampon ng kadiliman. Walang katapusan rin ang away ng dalawang gintong dugo sa bundok ng Zuroos.

Mga damit nilay di na kagandahan dahil sa natamo nilang mga sugat. Humihilom ang mga sugat nila pero bakas parin ang mga dugo nila dahil sa tindi ng kanilang away.

Hingal na hingal ang tinakda habang naka luhod sa isang tuhod, at ang panginoong itim naman ay naka tayo habang naka suporta sa kanyang sandata. Hinahabol nila ang mga hininga nila dahil sa kawalan ng hangin.

Di rin naman maka lapit lapit ang gabay ng tinakda para tumulong. Dahil ang gustong mangyari ng tinakda ay siya mismo makakatalo sa panginoong itim.

Kasalukoyan rin nilang ginagamit ang Elfeeh ng mga diyos kaya parang wala silang balak tapusin ang labanan.

Naghintay ng naghintay ang mga sugo ng langit sa pagdating ng panginoon, pero sa sitwasyon sa kalawakan parang malabong mangyari yun. Parang pinagplanohan talaga ng panginoong itim ang lahat.

Simula sa pag-imbita sa tinakda sa isip nito at sa oras na sinubukan niyang kunin ang enerhiya ng piraso ay planado.

Ubos na ang enerhiya ng mga kaibigang mortal ng tinakda, tanging si Gabriel nalang ang lumalaban ngayon sa bundok habang hinahabol nila ang mga lakas nila.

Gamit na ngayon ng tinakda ang spada niya na may panibagong piraso. Winasak ng panginoong itim ang batong kristal na ginawa ng piraso para gawing lagusan, pero sa ngyari naging walang kwenta nalang ito ngayon.

Ang nakakagulat sa ngyari ay ang pagsali ng isang uri ng nilalang na matagal ng binura sa isip ng mga kaibigan ng tinakda. Nagsilabasan ang mga Zimbroo sa mga bukasan sa lupa na ikinagulat ng magkaibigan. Pilit nilang itayo ang sarili para depensa sa mga bisitang di naman nila inimbitahan.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon