◈ Zyrexis ◈

6.5K 268 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Alvamo's POV

Hindi pa sapat! Kaylangan pa ng katawan ko ng lakas! Alam kong malapit na ang labanan ng kalawakan, kaylangan kong malamangan ang Therina'ng yun! Sa oras na ma tatalo ko siya, makakasama ko na ang reyna ko.

Luna....

Luna...

Hindi talaga mawala sa utak ko ang reyna ko. Malapit ko na siyang makakasama at sigurado ako dun.

Hindi sapat ang pagiging Zimbroo para punan ang mga kaylangan ko, kaylangan ko ng mas malakas. Ngayong makakaapak na ako sa mundo ng mga mortal, makukuha ko na ang mga core ng bawat mundo. Pero bago mangyari yun, kaylangan ko ng sapat na lakas.

Maliit nalang na panahon at ma kokompleto na ang mga plano ko.

Naka upo lang ako dito sa trono ko sa palasyo, ang lugar na ito ay sakop ng kapangyarihan ko kaya walang ibang makakapasok. Hawak hawak ko ang isang kalis na may alak at sa kapangyarihan ko, nakikita ko ang imahe ni Luna sa alak.

"Panginoon." Bati ni Zander na naka yuko sa harapan ko.

"Bakit Zander?" Tanong ko.

"Nandito na po ang inutos ninyo, mahal na panginoon." Sabi niya at inangat ko naman ang kamay ko para ipapasok ito.

Bumukas na ang malaking pinto sa palasyo at hindi nagtagal pumasok ang dalawang Bayal na may hawak hawak na malaking kahon.

"Dalahin ninyo dito sa harapan ko at ipa tawag si Izhio ngayon din!" Sigaw ko at sinunod naman ito ng mga sugo kong mga Bayal.

Nung nasa harapan ko na ang kahon, agad naman itong binuksan ni Zander na naka yuko.

"Ibigay mo sa akin." Utos ko at agad niya naman itong sinunod.

Sa wakas tapos na ang bago kong sandata, pinabago ko ito para sa paghahanda sa labanan. Napa ngiti naman ako nung na hawakan ko na ito, ang sandatang ito ay ang tatapos ng lahat at ang sandatang ito ang siyang dahilan kung bakit ako ang magtatagumpay!

Pinalabas ko ang kapangyarihan ko at inilagay sa sandata ko, itinira ko ito sa isang Bayal na naka tayo at naging abo naman ito agad nung tumama sa kanya.

"HAHAHAHAHA! Sa wakas!" Sigaw ko at sumabay naman ang kulog at kidlat sa sigaw ko.

"Mahal na panginoon, nandito na po si Izhio." Biglang sabi ni Zander at sa isang iglap, nasa leeg niya na ang sandata ko.

"Papasukin mo." Sabi ko at napa lunok naman siya nun.

Umupo na ako sa trono ko at rinig ko ulit ang pagbukas ng pinto sa malaking bulwagan. May Bayal nanamang pumasok at kasunod naman nila si Izhio. Siya ang isa pang Oracle ng Diyos at nasa akin ang katapatan niya. Ang kapatid niya ay ang Oracle ng langit, si Izhia.

"Mahal na panginoon." Bati niyang naka yuko.

"Maligaya akong makita ka muli Izhio. Sabihin mo sa akin ang mangyayari." Sabi ko.

Hindi nagtagal naging puti na ang kulay ng mga mata niya.

"Wala paring nagbabago. Mapapasayo parin ang tinakda ng kalawakan, mahal na panginoon. Nakikita ko rin na nasa mga kamay na ng tinakda ang Zurook, pero hindi pa niya na bubuksan ito at may nakikita rin ako." Sabi niya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon