◈ Kagandahan ng kaharian ◈

5K 236 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Nahanap ko ang sarili ko na naka higa sa damohan. Sumasayaw ang mga dahon sa puno kasabay sa pagdaan ng masarap na hangin. Napaka linaw ng langit na nagsasabing, walang ulan ang wawasak sa kagandahan nito. Hindi ko maalala kung pano ako napunta dito, sa katunayan niyan, wala akong maalala ni isa sa buhay ko.

May na rinig akong mga apak ng paa at dahan dahan naman akong napa upo. Isang lalakeng naka itim ang naka tayo sa di kalayuan sa kinaruroonan ko.

Naka ngiti lang siya at parang nagbibigay ito ng magaan na pakiramdam sa puso ko. Ang mga itim niyang mga mata ay parang pamilyar ito sa akin, may na pansin rin akong isang itim na marka sa noo niya.

Ang gwapo niya! para siyang isang diyos na naka tayo sa harapan ko!

Nanigas naman ako nung nagpatuloy siyang naglakad papunta sa akin. Huminto siya sa harap ko at inalok ang kamay niya. Teka, di ko siya kilala, tatanggapin ko ba?

Wala naman sigurong masama, kaya kinuha ko ito at dahan dahan niya akong pinatayo. May na ramdaman akong kakaiba, parang isang kislap habang hawak hawak ko ang kamay niya.

Ang tangkad niya! parang naka tingala ako dahil sa taas niya.

"Luna." Naka ngiting sabi niya. Luna? sino yun? pangalan ko ba?

"Luna?" Tanong ko.

"Yan ang pangalan mo, diba mahal ko?"

⊙﹏⊙ mahal ko? pangalan ko?

Kasintahan ko ba ang lalakeng to? pero di ko lang maalala? Ano bang ngyayari sa akin?! Nagugulohan na ako.

"Matagal rin kitang di nabibisita, mahal ko. Hindi lang ako maka paghintay kaya binisita na kita ngayon. Isang napaka lakas na mahika ang kaylangang gamitin ko para makita lang kita, pero may isa itong kapalit. Pansamantala lang naman habang kausap kita, mahal ko." At muli ngumiti siya na gustong gusto ko. 

"Pwede mo bang sabihin kung sino ka?" Tanong kong na hihiya.

Ramdam ko ang hintuturo niya sa baba ko at inangat ito para salubongin ang mga mata niya. Ngayon ko lang na pansin na naka tingin pala ako sa mga labi niya, agad ko naman itong tinanggal para di niya mahalata.

"Alvamo." Bulong niya sa tenga ko at tumindig naman ang balahibo ko nung hinalikan niya ang tenga ko.

Teka, Alvamo? Narinig ko na ba ang pangalan na yan noon? Bakit parang matagal ko na itong na ririnig? Siguro dahil siya ang kabiyak ko kaya pamilyar ang pangalan niya.

Totoo nga bang nagmamahalan kami? sa na raramdaman ko parang, oo na ewan. Pero parang bawat sigundong dumadaan, para akong may tinatalikurang importanteng tao o nilalang.

Nakakalito.

"Bakit ba nila tayo pilit pinaghihiwalay? oo alam kong nagkasala ako sayo noon pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko yun pinagsisihan. Naka tali tayo sa isat isa at wala ng makakawasak pa nun. Pero bakit mo ako kinakalaban? Bakit mo nilalabanan ang kislap nating dalawa?" Bakit parang ang lungkot ng mga mata niya? parang na babasag ang boses niya sa lungkot.

Bakit parang na lulungkot rin ako pagnakikita siyang ganito? Hindi ko alam pero bigla kong naiangat ang kanang kamay ko para hawakan ang puso niya. Ramdam ko ang pagtibok ng puso niya at oo tama nga ako, parang bawat tibok nito ay may halong lungkot.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon