◈ Munting kasiyahan ◈

5.2K 197 9
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Sumigaw ng sumigaw ang dragong nasa likod ni Eliesa, tila na pukaw siya sa isang mahimbig na tulog at nagwawala. Ang sarap lang suntok suntokin ng pagmumukha ni Eliesa ngayon, may ngiti kasi siyang tagumpay. Tsk! para namang magkakatotoo ang munting pangarap niya.

t(-__-'')t KAININ NIYA MUNA TO!

Bat ba kasi tinapon ko ang spada ng langit kanina! kasalanan talaga ng bruhang to ang lahat! malakas ang paki ramdam kong mapapatay namin siya ngayon! ANG LAKAS RIN NG LOOB NIYANG GAWIN YUN KAY GABRIEL!

Sa inisip ko, nagsisimula ng maglaro ng itim na hamog sa paningin ko. Nakakainis talaga! di ko nga alam kung bakit ako nagagalit, basta gusto ko lang siya patayin sa ginawa niya! Bruhang malandi talaga!

Bumalik ako sa mundo dahil biglang bumuga ng itim na apoy ang dragon. Bigla akong hinila ni Gabriel at natumba kami sa lupa. Tumayo kami agad dahil parang bubuga pa siya ng apoy. Nanigas naman ako nung bumuga ang dragon ng pulang apoy sa dereksyon nila Sheena.

Bigla siyang gumawa ng yelong harang at sa lakas ng apoy ay parang napapaatras siya nito. Ngayon ko lang na alala, dalawang uri ng dugo pala ang dumadaloy sa dragong to. Kaya pula at itim na apoy ang kaya niyang ibuga.

"Sheena ayos ka lang?!" Tanong ko nung wala na ang apoy, tumango naman siya sa tanong ko.

"HAHAHAHAHA! ILAG MGA DAGA ILAG! HAHAHAHA!" Rinig ko kay Eliesa at sinuntok ko naman si Gabriel.

"Atupagin mo muna ang kasintahan mo! ako bahala sa spada ko!" Sigaw ko sakanya. Tatakbo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Gusto mo bang halikan kita kahit ang gulo ng sitwason ngayon?! Sa kahuli hulihan, di ko nga siya kasintahan!" Sigaw niya rin.

"Gung gung ka! manahimik ka nga! kung gusto mo kayo nalang dalawa! Tsk! bitawan mo nga ako!" Hinila ko ang braso ko at agad na tumakbo papunta sa kung saan ang spada ko.

Sa daan, may biglang lumipad sa taas ko at may humiwa nito. Napa lingon ako para mag pasalamat at nakita si Chris, ngumiti ako at nagpatuloy tumakbo. Parang bawat sigaw na ginagawa ng dragon ay nagsilabasan ang iba pang dragon. Parang naulit lang ang sitwason nung nasa itim na kaharian ako.

Umilag ako ng umilag sa iba pang dragon at sa apoy ng malaking dragon. Nung malapit na ako, bigla nalang sumulpot si Eliesa sa harapan ko. Sumugod siya ng suntok at agad ko naman tong inilagan.

"Di ka talaga marunong sumuko bruha no?" Sabi ko at sinipa ang tiyan niya.

"Di ko alam ang salitang suko kung humihinga pa ako!" Sumugod siya ulit at nagawa niyang suntokin ang pisngi ko.

"Pwes itigil na natin ang paghinga mo!" Sabi ko at dinura ang dugong na namuo sa bibig ko. Sumugod ako sa kanya at tinulak siya sa lupa. Sinakyan ko ang katawan niya at pinagsusuntok ang mukha niya.

Tinulak niya ako para gumulong, bumaliktad ang sitwasyo. Ako na ngayon ang pinagsusuntok niya. Ginamit ko ang tuhod ko para matamaan ang likod niya, sa lakas nito ay napahinto siya at agad naman ko siyang tinulak para maka tayo ako.

Dinura ko ulit ang dugo sa bibig ko at hinimas himas ang baba ko. Lecheng bruhang to!

Tiningnan ko ng masama si Eliesa at may napansin akong sumugod sa kanya. Agad niyang hinarang ang spada niya para sa spada ni Gabriel, nagkasagutan sila ng hampas sa spada. Umilag ako dahil sa bolang apoy na dumaan, hinanap ko naman si Valdesis at tiningnan siya ng masama.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora