◈ Elfeeh ng mga diyos ◈

9.4K 267 14
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°

Misteryosong nilalang's POV

Mahigit isang linggo na rin siyang na wawala. Nakakainis! Nung una ko siyang nakita alam ko na siya ang tinakdang sinasabi ng propesiya. Nasa mga kamay ko na siya noon pero ginamit niya ang kapangyarihan niya para takutin ako, hindi ko inaasahang malakas siya kahit nasa mortal siyang anyo. Kakaiba talaga.

Ang pangalawang oras na sinubokan ko siyang kunin, ay ang oras na nagpakita sa kanya ang taga pangalaga ng buhay, si Xion. Buong oras ng arena ay nakatutok lang ako sa kanya hanggang pinakita niya ang kapangyarihan niyang kakaiba. Kukunin ko na sana siya para sa panginoong itim pero dumating ang puting nilalang nayun!

Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila at dahil sa mortal kong anyo, hindi nila ako napansin. Ang halimaw na umatake sa kanila ng mortal niyang ama, ako ang may kagagawan. Malas lang nga dahil dumating ang anghel nayun. Pero matapos nung sinundan ko sila sa Sylvana, nawala nalang sila na parang bula.

Mabuti nalang at naka wala na ang panginoong itim, may trabaho na ulit ako. Nangdidiri na talaga ako sa walang kwentang mundong yun! Kaylangan ko pang maging ordinaryong Elementasium para maka pasok sa mundong Atheneysia, tsk!

At ngayong buhay at naka wala na ang panginoong itim, babalik na ang totoong kapangyarihan ko at sinisigurado kong matatagpuan ko na ang tinakda. Ngayong binigyan ako ng panginoon ng misyon, at yun ang kunin ang tinakdang si Luna.

Luna's POV

"Maraming salamat sa tulong mo, Luna." Sabi ng hari habang naka yuko sa harapan ko.

"Masaya akong nakakatulong." Sabi ko. Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Sheena at Khet. Bumabalik ulit ang pakiramdam ko kapag nagpapaalam, ang hirap! Kakaiyak!

Niyakap ko rin sila at nagsimula ng umiyak si Khet.

"Grabe ang drama mo! hahahaha! wag ka ngang umiyak! umiyak ka lang kapag na matay na ako." Pagbibiro ko at pansin kong umiyak siya lalo.

"Mamimis kita ate Luna!" Sabi ni Khet.

"Hahaha ate? Parang gusto ko ang salitang yun. Oh sige ate mo na rin ako, total wala naman akong kapatid." Ngumiti ako sa kanya at hinila hila ang pisngi niya.

"Mag-iingat kayo Luna." Sabi ni Sheena na namumula ang mga mata. Piningot ko ang ilong niya at natawa naman siya.

"Matatagalan man ang misyon ko, pero pinapangako ko na bibisita ako kapag maayos at tapos na ang lahat." Pangako ko sa kanila. Sana nga makakabisita pa ako dito ulit. Napaka ganda ng lugar nato parang hindi nakakasawa.

"Pangako?!" Tanong ni Khet na parang nagmamakaawa. Natawa ako dahil sa kabaliwan niya.

"Pangako." Sagot ko at ngumiti siya.

~T_T~ Nakakainis ang mga mukha nila! nakakahawa ang kalungkotan!

Kinagat ko ang labi ko dahil parang na iiyak na ako. Tumalikod na ako at lumangoy palapit kay Gabriel pero huminto ako at bumalik sa dalawa.

"HUHUHUHU! MAMIMIS KO KAYO!" Umiyak na ako sa yakap nila at gayun din sila.

"Kami rin!" Sabi ni Sheena.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang