◈ Pag-aaral sa dereksyon ◈

5K 221 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Gabriel POV

Na gising ako dahil sa sumasakit kong leeg.

&@$%#!

Ang sakit! Parang may kung anong nilalang ang kumagat nito dahil sa sakit.

May na alala ako bigla, parang napanaginipan ko si Luna na umiitim ang mga mata niya. Nagkaroon naman ng sariling digmaan ang katawan ko para mahawakan ko lang ang kamay niya.

Hindi ko nga maintindi dahil parang totoong na ramdaman ko ang kamay niya.

Papatayin ko talaga ang may pakana ng mga suliging tumama sa leeg ko, sa pagkakaalala ko, limang suligi ang tumama sa leeg ko at sa dami nito kahit ano ano nalang ang nakikita kong panaginip.

Kung malalaman ko kung sino yun, sasaksakin ko rin siya sa leeg gamit ng spada ko at ikakalat ko ang dugo niya hanggang maubos ito! Magbabayad talaga siya!

Hinanda ko ang sarili ko para bumangon, napa hibik naman ako dahil ang sakit lang ng katawan ko. ANO BA KASI ANG MERON SA SULIGING YUN?!

Nilagay ko nalang sa likod ng utak ko ang sakit at tumayo ako, di pwedeng magtagal ako sa lugar na ito. Kaylangan kong makita ang tinakda at baka kung ano na ang ngyari sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit na punta ako dito, baka isa itong patibong para hindi ko makita ang tinakda.

Kung kaylangan kong wasakin ang maliit na silid na ito, gagawin ko para maka labas lang. Nung nasa pinto na ako, nag taka naman ako nung hindi ito naka kandado. Habang papalabas ako, hinanda ko naman ang spada ko sa harapan.

Naka pagdasal na ako sa panginoong Therina na papatawarin niya ako sa pagpatay ng mga mortal dito kung kinakaylangan. Kung haharang sila sa harap ko para pigilang maka labas dito, hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang spada ko.

Na padpad ako sa isang pinto, pansin kong ito lang ang naka sara sa lahat ng nadaanan kong mga pinto. Sigurado akong naka kandado ito dahil sa matibay nitong pagkagawa, hinanda ko ang sarili ko at nung handa na ang lahat, sinipa ko ito ng malakas at napa tapon naman ito papasok. Pansin kong may na tamaan nito at nadikit sa pader ng silid, hindi ko ito pinansin at baka isa lang sa mga tao dito.

Siniyasat ko ang paligid at nagtaka naman ako nung nakita ko si Sheena at isang lalakeng di ko kilala, sa kabilang banda nakita ko ang mortal na kaibigan ni Luna. Teka! bat nandito siya?! Naglakbay ulit ang mga mata ko at nakita si.......... Luna.

(O__O) T-teka, anong ngyayari? Panaginip nanaman ba ito?

Para akong naka tingin sa salamin dahil sa parehong gulat na nasa mga mukha namin. Ang katahimikan ay na sira dahil bumagsak bigla ang pintuang naka dikit sa pader kanina, at nakita ko si Valdesis na parang isang nadiing nilalang sa pader.

"Gabriel....." Napa tingin ako kung sino ang nagsalita at sinalubong naman ako ng mga berde niyang mga mata.

Teka! na guguluhan ako! panaginip ba ulit ito?

Bigla siyang tumakbo papunta sa akin at nung malapit na siya, na gulat naman ako nung bigla siyang tumalon at niyakap ako. Dahil sa gulat, na bitiwan ko naman ang spada kong dala. Bakit parang, totoo ito? Ramdam ko ang init ng katawan niya at napa higpit naman ang yakap ko dahil dun.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon