◈ Liwanag ◈

5.2K 219 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Ilang basong kape na ang ininom ko para manatili akong gising, oras nalang at magpapakita na ang araw. Naka upo ako ngayon at kasama ko si Sheena, Jake at Gabriel, hawak hawak ko ang mapang bigay ni Chris kanina.

Parang di rin siya na tulog dahil sa mapang to, tapos ngayon naghahanda na siya para sa paghatid sa lugar na pupuntahan namin.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong nilalagyan ni Sheena ang kape niya ng pulang buhangin. Napa taas naman ang kilay ko habang minamasdan siya.

Ang wirdo talaga niya pagdating sa buhanging yan!

Masaya naman siyang iniinom ito, tila isang batang umiinom ng masarap na tsokolate. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Valdesis na daladala ang kanyang gamit.

"Wow! kape." Biglang sabi niya at kinuha ang kape ni Sheena. Napa lunok naman ako dahil sa ginawa niya.

Tumingin siya sa akin at kinindatan ako bago ininum. Bigla nalang na mula ang mukha niya tila uminom siya ng dugo at ilang sigundo ay sasabog ito.

Biglang nagtago si Gabriel sa likod ko at nanlaki naman ang mga mata ko nung biglang binuga ni Valdesis ang kape niyang ininum at may kasabay pa itong apoy! Napa pikit ako dahil sa inis, natalsikan ako sa mukha at agad ko naman tong pinunasan.

~(=__=)~ Kadiri!

"ANO BA ANG NASA KAPENG YAN?! BAKIT ANG ALAT?! PARANG TUBIG DAGAT!!" Sigaw ni Valdesis.

"AT BAKIT KA NA NGUNGUHA NG DI SAYO?!" Sigaw rin ni Sheena.

Sa ngyari ngayon, alam ko nang nakakamatay pala ang buhanging yun. Kinuha ko ang maliit na kotsara at tinapon kay Valdesis dahil sa ginawa niya. Kadiri talaga ang lalakeng to!

Binatukan ko naman si Gabriel dahil di parin siya tapos magtago, ngumiti siya sa akin at sinamaan ko naman ng tingin.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko, panira talaga ang tatlong to.

Sa paglabas ko, sinalubong agad ako ng isang lalake. Tinitigan ko ito at si Chris pala ito. Pansin kong dala dala niya na ang mga kagamitan niya. Di ko agad siya na kilala dahil sa suot niyang ordinaryo lang, parang naninibago ako sa nakita ko.

"Magandang umaga sa magandang binibini." Bati niya at ngumiti lang naman ako.

"Magandang umaga rin."

"Kaylangan mo ba ng tulong sa mga gamit mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Paki usap sabihin mong di tayo maglalakad." Sabi ko habang naglalakad.

"Di tayo maglalakad." Sabi niya at nagulat naman ako nung may nakita akong kakaibang mga nilalang na naka tali sa labas. Parang pareho nung sinasakyan niya nung unang kita namin.

Parang kabayo pero kakaiba ang kulay nila, ibat ibang kulay ang pumuno sa katawan niya na ngayon ko lang nakita sa isang hayop. At ang tenga nito ay napaka haba na parang aabot ito sa likod niya. Pansin kong anim ang paa nito kaya na mangha ako lalo.

 Pansin kong anim ang paa nito kaya na mangha ako lalo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon