◈ Paghahanda sa misyon ◈

11.7K 411 10
  • Dedicated to Rolan Mae Ang Luna
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

"Pwede ba akong humingi ng halik?"

(O_O)

''A-ano?'' Sinabi ba niyang gusto niyang humingi ng halik?

''Sa pisngi lang na man Luna. Oyyyyy! ninerbyos siya hahahahaha! Nirerespeto naman kita. At sa pagbalik ko at nagbago ang isip mo, baka alam mo na.. Hahaha!'' Natawa ako sa sinabi niya.

Nilapit niya ang mukha niya sa pisngi ko at hinalikan ito. Ngumiti siya sa akin at may kinuha siyang bagay sa bulsa niya. Nakita kong may isang maliit na kahon at inabot niya ito sa akin.

''Ano to Jake?'' Tanong ko habang inaalog-alog ito. Pero bakit parang may na raramdaman akong kakaiba? o baka guni-guni ko lang yun. Nilagay ko nalang ito sa likod ng utak ko.

''Regalo ko sana yan sa kaarawan mo pero hindi ko naibigay sayo dahil umalis agad ako. Kaya ngayon ko nalang ibibigay.'' Sabi niya habang naka ngiti.

''Maraming salamat Jake. Pero akala ko itong duyan at lamesa ang regalo mo. Pero salamat.'' Niyakap ko siya bigla. Ramdam kong bigla siyang nanigas na gulat ata, eh masaya ako eh.

Bakit kaya hindi ko kayang mahalin siya, mabait naman si Jake, alam kong mamahalin niya ako ng tapat. Pero kung gagawin ko yun nagsisinungaling lang ako sa sarili ko, at masasaktan ko ang damdamin niya. Hanggang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko.

''Salamat Jake.'' Bulong ko sa kanya.

''Kahit ano para sayo Lun.''

Humiwalay na ako sa yakap namin at ako nanaman ang may kinuha sa bulsa ko. Napatingin siya sa iniabot kong isang maliit na lalagyan.

''Ibibigay ko sana sa kaarawan mo pero parang malabong mangyari yun dahil aalis ka. Kaya ibibigay ko nalang sayo ngayon. Hahahaha.. gaya gaya lang (^_^)V ''

Tinitigan niya lang ako. At ilang sigundo ang lumipas ngumiti siya. Kinuha niya ang regalo ko at sinimulan na niyang buksan ito. Lumaki ang mga mata niya nung nakita niya na ang regalo ko.

''Isang kwintas, Luna... Ito yung...''

''Oo alam ko. Pero mahalaga ka sa akin kaya binili ko yan. Parati mo kasi siyang tinitingnan kaya binili ko. Wala na kasi akong maisip na ireregalo sayo. At ako mismo gumawa ng tali niya, pinaghirapan ko yan. Ayos ba?'' Tinaas baba ko ang mga kilay ko. Kaya maslumaki ang ngiti niya.

''Luna ang ganda. Halika nga dito. Hahahaha nahiya naman ako sa regalo ko...'' Niyakap niya ako ulit kaya napangiti ako.

Kinuha ko ang regalo niya at bubuksan ko na sana nung pinigilan niya ako. Napa tingin ako sa kanya.

''Wag mo munang buksan, sa pag-uwi mo nalang.''

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Wala lang. Basta pangako mo wag muna ngayon. Hahahaha."

Tumango lang ako.

Kwentuhan kami ulit pagkatapos nun. Tawa kami ng tawa. Pero bigla nalang may na rinig kaming tunog ng kampana.

''Teka ano yun?'' Tanong ko.

''Lun masakit mang sabihin pero kaylangan ko ng umalis.''

''T-teka bakit naman?'' Biglang sumikip ang dibdib ko. Ayoko pang umalis siya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now