◈ Aquiryana ◈

9.5K 338 5
                                    


ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

''Ano? mag titinginan nalang ba kayo? MGA BAKLA BA KAYO?!'' Naiinis kong tanong. Eh mukhang oras na ata ang lumipas dahil sa LETCHENG TITIGAN na yan!

Ang kina gulat ko nung biglang hinawakan ni Valdesis ang kaliwang braso ko at hinila rin ni Gabriel ang kanang braso ko.

~T_T~ ano bang ng yayari sa kanila.

''Bitiwan mo siya. Wala kang karapatang hawakan ang tinakda ng ganya!'' Galit na sabi ni Gabriel.

''Tsk! ikaw ang lumugar. Bantay ka lang at hindi mo siya pag-aari.'' Inis na sabi ni Valdisis.

Ang rami ng oras na nasayang! Hindi ko na ito ma titiis! Importante itong misyon sa akin at sasayangin lang nila?

Hinawakan ko silang dalawa at inisip ang sakit. Sabay silang namula at lumabas na rin ang mga ugat sa noo nila. Pinalipas ko to ng minuto dahil na iinis ako sa mga pinaggagawa nila.

Nung na kontento na ako inalis ko na ang kamay ko at kinuha ang susing hawak ni Valdiisis.

"Ipag patuloy niyo lang yan. Masaya yan eh. Aalis na ako at may misyon pa akong tapusin." Sabi ko sabay alis.

Hindi rin nagtagal napansin ko silang sumunod. Hinawakan ko ang kwintas na nasa leeg ko at niramdam ang paligid, malapit lang ang piraso ng spada.

"Kaylangan nating dumaan sa daanan ng mga alipin. Maraming kawal na dumadaan sa malaking daanan, maraming makakakita sa atin dun." Paliwanag ni Valdisis na nasa likod ko.

''Yun! Dun tayo dadaan.'' Turo ko sa isang maliit na daanan na nilabasan ng isang babaeng alipin.

Habang naglalakad kami papunta dun, bati na man ng bati ang mga bisita dito sa palasyo sa dalawang kasama ko. Nung nasa gilid na namin ang pinto, sinigurado namin na walang makakakita bago kami pumasok.

Tumatakbo na kami ngayon at huminto kami bigla nung may na kita kaming isang kawal na nagpapatrol. Agad naman kaming nagtago. Sinilip ko ulit para makita siya pero nandun parin siya at nakita niya ako. TAKTEK!

Tumakbo siya papunta sa amin at nanigas naman ako. Tsk! Anong gagawin namin.

''Anong ginagawa ninyo dito?'' Nagtatakang tanong ng kawal.

Sasagot na sana ako nang hinampas ni Valdisis ang kawal sa ulo gamit ng isang matigas na kahoy.

"Eh wala ng oras eh. Tulongan niyo nalang akong itago to."

"Tsk! ewan ko sayo!" Sabi ko.

Binuhat na namin siya at nilagay sa isang silid na puno ng mga walis. Nagpatuloy kaming tumakbo papunta sa taas hanggang napahinto kami sa isang malaking pinto na parang gawa sa ginto.

Hinawakan ko ito at ramdam ko ang piraso ng spada ng langit sa likod ng malaking pinto nato. Kinuha ko na ang susi ng pinto at hinawakan ito ng mahigpit. Makikita ko na ang daanan at sa oras na papasok na kami, wala na ako sa mundong ito.

May biglang humawak sa balikat ko at nakita ko ang kamay ni Gabriel. Ngumiti siya. Tumingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang na raramdaman ko ngayon.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon