◈ Para sa tagumpay ◈

5K 218 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Nagpatuloy ang lahat sa kasiyahan hanggang bigla itong natahimik. Isang babaeng naka itim ang dahan dahang naglalakad papunta sa gitna ng bulwagan, at lahat sila ay naka tingin dito. Naka yuko lang ang tinakda at sa pag-ayos niya, agad naman niyang nadakip ang mga mata ng hari. Pansin ng tinakda ang mainit na titig ng hari at wala naman siyang paki alam nun. Biglang dumating sila Valdesis sa bandang likod at nadagdagan naman ang mga matang naka titig sa tinakda.

Lahat ng nakakaalam sa plano ay ngayoy nalito dahil sa ginawa ng tinakda, pero ang mahigpit niyang mga kamao ay nagpahiwatig na may ibang pa siyang gagawin.

"Ito na ba ang sinyales?" Bulong ni Jake pero walang sumagot. Di rin nila alam.

Tumayo ang hari at sumunod naman si Chris na may pag-aalala sa mga mata. Alam na alam niya ang ugali ng hari kaya na babalaka agad siya kapag may kakaiba siyang kinikilos.

"Sasayawan mo ba kami, Zyrian?" Naka ngiting tanong ng hari. Biglang umabante si Gabriel at agad naman nila itong pinigilan.

"Kahilingan ba ito ng hari?" Tanong ng tinakda pero naka tingin siya sa mga mata ni Chris.

"Kahilingan? mas tatawagin ko itong gusto." Sabi ulit ng hari at ininom ang alak na nasa kamay niya.

"Gusto." Bulong ng tinakda.

Kinaladkad namang ng tinakda ang sarili para yumuko, labag mang yumuko sa maling tao, kaylangan parin ito para sa tagumpay ng plano. Nadakip niya ulit ang mga mata ni Chris at tumango nung di naka tingin ang hari. Binigay na ng tinakda ang sinyales at agad naman itong kumalat sa mga kasamahan nila.

Tumalikod ang tinakda at dinikit ang mga kamay sa taas habang naka angat ng konti ang baywang niya. Sa di kalayuan, nakita niya si Gabriel at parang ang init lang ng tingin niya. Biglang napataas ang kilay ni Jake dahil sa porma ng tinakda ngayon, mukhang alam niya ang pormang to. Ito ang tradisyong sayaw ng kahariang Herlina. Pinag-aralan ng mga kababaihan ito sa paaralan nila, at sa lahat ng sumayaw ang tinakda lang ang numingning.

Nagsimula ng gumalaw ang mga kamay ng tinakda, at para itong sumasayaw na mga ahas. Gumalaw na ang katawan niya at parang bawat galaw ng tinakda ay parang may minsahe itong dala. Mukhang nakalimutan ng lahat ang plano dahil sa abala nilang mga mata.

May isang bagay silang di napansin, lalong lalo na sa tinakdang sumasayaw. Ang mga lutang nilang mga utak ay di na napansin ang paglabas ng aura ng tinakda. Bawat hampas ng baywang niya sa sayaw ay iba ang epekto sa mga mortal, lalong lalo na sa kanyang gabay.

"Dalian mo Zyrian! dalian mo!" Masayang sigaw ng hari at sumunod naman ang tinakda. Naging mabilis ang mga tambol at sinabayan naman ito ng tinakda, pero kahit pinagpapawisan na siya at naka dama na ng pagod, perpekto parin niya itong sinayaw.

Ilang minuto nun ay patapos na ang sayaw, at ni isa walang nagtangkang kunin ang mga mata nila. Ang iba nga ay may madilim na isip para sa tinakda, lalong lalo na ang haring pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

Biglang nagpaikot ikot ang tinakda at sa huling galaw niya ay ang kinagulat ng lahat.

Bigla siyang nagpalipad ng patalim sa dereksyon ng hari, pero tumama ito sa pader na nasa likod nito. Sa pagkatapon niyang to ay parang planado na di niya ito ipapatama sa mukha ng hari, dahil sa kakaiba niyang ngiti. Tahimik lang ang lahat at agad naman naghanda ng mga armas ang mga kasama ng tinakda.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now