◈ Arena ◈

21K 925 34
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Jake's POV

Tatlong taon ang naka lipas

''DALIAN MO NA LUNA! MAHUHULI NA TAYO!'' Sigaw ko dito sa bahay nila. Kanina pa kasi ako nandito para sunduin siya.

Sa mga taong lumipas, marami rin kaming ginawa. Naka sali nga kami sa isang arena, ay hindi pala, ako lang pala, tanging mga lalake lang ang pwede sa arena sa kaharian. Oo hindi pa kami matanda pero malakas naman kami. Ikaw pa namang may kaibigang parang imortal. Na pansin ko nga ang pag-iba ng itsura niya pero si Luna parin siya para sa akin.

Mahirap man aminin pero mas malakas pa siya sa akin. Eh babae siya eh! kaya mahirap aminin. Hindi dahil sa malakas siya kaya kinaibigan ko siya, ewan ko ba pero parang may tumutolak sa akin para kaibiganin siya npon at nagpapasalamat naman ako na tinuloy ko ito. Ngayon para na kaming magkapatid sabi ng kanyang itay, tumawa lang naman ako sa sinabi niya.

(-_-) Eh kumirot eh, ewan ko ba.

Na diskobre na rin namin na pwede niyang gamutin ang sarili niya kahit wala ang buwan. Hindi ko alam kung pano niya ginawa yun, tanongin niyo nalang sa kanya mamaya.

Nakita ko na rin kung pano niya gamotin ang iba. Galing nga eh. Ang pinaka gusto ko ay kung pano nababalot ng kulay ginto ang mga berde niyang mga mata. Ang ganda niya tingnan, at ang mga ginto niyang marka sa mukha, nag mukha tuloy siyang dyosa. Oo dyosa, kulang nalang nga may pakpak siya na parang paro paro para magtugma ang mga sinasabi ko.

Naglakad ako papunta sa kanilang kusina. Grabe ang linis, iba talaga kapag may babae sa isang bahay. Kahit hindi malaki ang bahay nila malinis naman ito. Oo nga pala kaarawan niya pala sa susunod na araw, muntik ko ng makalimotan. May surpresa pa naman ako sa kanya. Hahaha! mag hintay talaga siya sa supresa ko. Titingnan ko talaga ang pagmumukha niya sa araw na yun.

"WOOOY!" Sigaw sa likod ko. Ako naman parang tumalon lang ang kaluluwa sa katawan ko.

(-_-) Letche talaga to, hilig manggulat.

Tumawa lang siya ng tumawa hanggang naka upo na siya sa sahig sa kakatawa, nagawa pa niyang hawakan ang tiyan niya dahil masakit na ata.

(-__-) Kung hindi lang to babae, kanina ko na to binatokan.

"Mukha mo! hahahhaha! Grabe! hahahaha. Mukha mo talaga! hahahaha." Pangasar niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng nakakaloko. Lumaki ang mga mata niya kasi alam niya kung ano ang pumapasok sa utak ko. Lumapit ako sa kanya, siya naman humahakbang patalikod. Dahan dahan namang na wala ang mga tawa niya. Hahahah ako nanaman ngayon.

"Jake biro lang naman yun. Tama na yan! Alam mo naman na ayaw ko niyan. Naj! Ano ba." Natatakot na talaga ang mukha niya. Eh, siya ang nauna kaya tatapusin ko lang. Tinaas ko ang mga kamay ko malapit lang sa mukha ko. Pinakita ko ang mga daliri kong gumagalaw. Ngayon mas lalo na siyang na mula. Pinipigilan talaga niyang tumawa. Hanggang paatras siya at abante ako, inatake ko agad siya..... ng kiliti!

"Hahahahaha. Jake- ta-hahahha tama n-na hahaha. Ayaw k-ko hahahhaha n-na hahahaha." Putol putol na talaga ang pagsasalita niya. Nakakatawa talaga ang mukha niya basta kinikiliti siya. Pinapalo palo niya na ang braso ko kaya huminto na ako. Tawa parin siya ng tawa, nagawa pa niyang punasan ang luhang nasa mata niya dahil sa kakatawa.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now