◈ Away ng mga mata ◈

10K 375 16
  • Dedicated kay Sheena Lee
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

BAKIT ANG MALAS MALAS KO?! UGHH!

Pano ba naman kasi kanina habang na liligo ako! huhuhu nakakahiya talaga!

Binaon ko ang mukha ko sa unan dito sa kwartong pinahiram ni Valdesis. Sa oras na binaon ko ito sumigaw ako. Namumula na ako TAKTEK TALAGA!

Parang nagtataka na kayo kung bakit ako nagkakaganito, sige balikan natin ang kaninang ng yari!!

•○● BALIK TANAW ●○•

Maaga akong nagising dahil ngayong araw na ito ang araw na pupunta kami sa palasyo. Iniinat-inat ko ang katawan ko bago ako naghanap ng masusuot.

Hinukay ko na ang dala kong lalagyan ng gamit at hinanap ang sinuot ko nung isang araw, ehh nilabhan ko naman to kaya ayos lang kung gamitin ulit at kaylangan ko ring ibalik yun dahil ang init kaya ng panahon maging itim pa ako ng di oras.

Naglakad na ako pababa dahil dun ang palikuran sa bahay ni Valdesis. Ang ganda ng bahay niya, simple man pero tahimik. Hindi nga halata sa mukha ng lalakeng yun.

Inilagay ko na sa gilid ang gamit ko para hindi ma basa. Tinanggal ko na rin ang damit ko, ang sarap ng malamig na tubig na dumadaloy sa balat ko, parang unti unti ng nawawala ang pagod ko sa katawan.

Lalalalala~ Sabon dito sabon doon Wooooh! ang sarap talagang maligo basta libre ang tubig. Iniisa-isa ko na ata ang buhok ko para malinis talaga.

Sumayaw sayaw ako habang nililinis ko ang mukha ko, ehh masaya ako kaya wag niyong basagin ang trip ko.

Nung tapos na ako, pinatay ko na ang tubig at kinuha ang tuwalya, pinunasan ko ang katawan ko at mukha ko. Habang pinupunasan ko ang buhok ko may na kita akong butas sa pader, bakit naman kaya may butas ito? Nilapit ko ang mukha ko at may biglang lumabas na butiki, hindi lang isang butiki kundi ISANG MALAKING BUTIKI!

''AHHHHHHH!'' Napasigaw ako sa gulat.

Hindi ko alam pero parang tumalon talaga ang puso ko. KAKATAKOT KAYA SILA! Hindi rin nagtagal at bumukas ang pinto at nag-aalalang Gabriel ang nakita ko, bigla niyang pinalupot ang isang kamay niya sa akin at ang isa ay nakahawak ng spada.

''Luna bakit!?''

''G-gabriel m-may malaking butiki. Higanteng ulo ng butiki!'' Tinuro ko ang butas. Nakikita ko parin ang ulo ng butiki kaya na nginginig parin ako, tsk! katakot. Pinalo palo ng mahina ni Gabriel ang butas kaya umalis na ang butiki. Naka hinga naman ako ng maayos.

Humarap si Gabriel sa akin para tingnan kung ayos lang ba ako pero na pansin kong biglang lumaki ang mga mata niya. Teka anong problema nito, pansin kong bumaba ang mga mata niya at mas lumaki ang mata niya. Sinundan ko naman ito at...

(O_O) @&#$*!!!!

Tinakpan ko naman agad ang katawan ko. At nakita kong naka tingin parin siya sa akin. Agad ko namang tinapon ang suklay na dala ko.

''WAG KA NGANG TUMINGIN! BASTOS KA TALAGA GABRIEL! UMALIS KA! UMALIS KAAA!'' Tinapon ko na ang mga nakikita kong gamit dito sa banyo kaya ilag naman siya ng ilag.

''Luna patawad! Hindi ko alam wala kapa palang damit, patawad talaga!''

''Ayst! UMALIS KA NA AT BAKA MAPATAY PA KITA!'' Ang huling tinapon ko ay ang maliit na banga at na tamaan ang ulo niya. Agad ko namang sinara ang pinto at dun ko lang na laman na ang tanga tanga ko pala dahil hindi ko na lagyan ng kandado ito.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon