◈ Sa daan (Part 2) ◈

6.4K 274 4
                                    


ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

ANG PAGPAPATULOY...

"Nagsimula itong lahat sa bayan namin, ang bayan ng Khaatal. Ang bayan namin ay isa sa mga mayaman sa babae dahil kakaunti lang ang bilang ng lalake sa amin. May tinatawag kaming Jekalto, isa itong uri ng relehiyon na hindi na niniwala sa panginoong Rethishaa."

"Rethishaa?" Bulong ko.

"Ito ang tawag nila sa panginoong Therina." Nagulat ako nung biglang bumulong si Gabriel sa tenga ko. Teka, binulong ko lang yun ahh. Ang lakas talaga ng pandinig niya.

(-_-")

"Simula pa nung una, kaming magkakapatid ay hindi na gusto ang relehiyon nayun. Nung nabubuhay pa ang lolo namin, parati kaming nagsisimba at na nanalangin sa panginoong Rethishaa. Hindi sang-ayon sila tatay nito dahil iba ang sinasamba nila, pero wala silang magagawa dahil makapangyarihang Huricaah ang lolo ko. Pero nung dumating ang araw na namatay ang lolo namin, parang naging impyerno ang buhay naming magkakapatid." Sabi ng babae.

"Ang mga magulang na namin ang na susunod sa lahat at bawat pagsuway naming magkakapatid ay may kaparusahan. Bawat gabi na nagiging pula ang buwan ay isang espesyal na gabi sa mga Jekalto, ito ang gabi na puro dasal at sakripisyo. Dinala kami ng mga magulang namin sa Rajah ang lugar kung saan nila ginagawa ang ritwal, takot na takot kami nun dahil wala kaming ibang na kikita kundi dugo at mga kandila lang. Ng matapos ang lahat ng yun, nagtangka kaming tumakas. Si ate Eredeel ang panganay namin ang unang lumabas at sumunod si ate Alees pero bago pa sila maka labas ng tuloyan, na huli sila ni inay at dinala sa altar ng Rajah at kaylan man hindi na namin sila nakita. Ilang pulang buwan ang naka lipas, may isang mesteryosong babaylan ang nagpakilala sa ritwal sa Rajah at sabi niya ang lahat ng nagawa nilang sakripisyo para sa panginoong Alveemer ay bibigyan niya ng kapalit." Sabi na ngayon ng batang lalake.

"Alveemer? ito ba ang tawag ninyo sa panginoong itim?" Tanong ko at tumango naman sila.

"Oo yan ang tawag namin sa kanya dito sa mundong Huricana. Sabi ng babaylan na sa mga ritwal nilang ginagawa ay nagbibigay ito ng lakas sa panginoon, ang kaylangan raw ay mag-alay ng kaluluwa para sa isang kapalit. Bawat buhay na inaalay ay isang pangalawang buhay na matatanggap." Sabi ng babae.

"Teka na lilito ako, nagpapalit sila ng kaluluwa kaya magkakaroon sila ng pangalawang buhay? tama ba?" Tanong ko ulit.

"Mali tinakda, ang Zimbroo ay isang nilalang na walang kaluluwa. Sa pamamagitan ng pag-alay sa kanilang kaluluwa, bibigyan sila ng buhay na hindi na kaylangan ng kaluluwa, kung gusto ng nilalang na hahaba ang tali ng kanyang buhay ay kaylangan nilang pumatay ng isang babae upang ganting palaan nanaman sila ng buhay." Sagot ni Gabriel.

"Bakit alam mo ang mga to dayo!?" Tanong ng batang lalake.

"Hindi baliktad ang mundo mortal kaya wala ka sa lugar para magtanong!" Sabi ni Gabriel.

Napa hilamos ako sa mukha ko gamit ng mga kamay ko dahil sa kalituhan. LINTIK NAMAN OH! ANG TAGAL PUMASOK SA UTAK KO!

"Parang mga bampira? yun ba? wala silang kaluluwa diba at na bubuhay parin sila?" Tanong ni Valdesis.

"Bampira?" Nalilitong tanong ni Sheena.

"Tsk! san mo nanaman yan napulot? Eh kwento lang naman yan sa libro ang mga bampira ahh. Teka, totoo ba sila?" Ako.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon