◈ Unang halik ◈

18.9K 630 17
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

*BAHAY*

Dumating ako sa bahay pero wala pa dito si itay, siguro nasa tindahan ni lolo Mario. Bago ko tiningnan ang buong bahay at na sigurado kong hindi pa nga siya naka uwi, tumakbo agad ako papunta sa kwarto. Naligo muna ako para matanggal ang dumi sa katawan ko at para mapalitan na ang damit kong mukhang basahan.

(-___-)

Sayang naman to, wala na nga akong magagandang damit ma babawasan pa ang mga maayos kong damit. Taktek talaga! Kasalaman ito ng kalbo! Pero tinuroan ko naman siya ng leksyon kaya ayos na. Hindi ko lubos maisip na nakaya kong maglakad na ganitong itsura ko, punit punit na damit at nagpapasang mga kamay. Nung nasa silid ligoan na ako at naka babad na ako sa masarap na tubig, unti-unti ng huminahon ang mga sugat at pasa ko sa katawan.

Naisip ko ulit ang ng yari kanina. Ang lalakeng naka puti. Kung alam niya na may alam ang tatay ko ibig sabihin magkakilala na sila noon pa. At hindi ko rin maintindihan kung bakit niya tinawag akong Tinakda. May itinakda ba sa akin o ano. Nako naman oh. Pero pamilyar ang tawag niya, hindi ko lang maturo kung saan ko yun na rinig. Lumipat ang isip ko sa pangyayari sa arena. Ang kapangyarihan na ginamit ko, ngayon ko lang ito nailabas ng maayos. Ang lakas nito na hindi ko maipaliwanag.

Inangat ko ang kaliwang kamay ko upang makita ang aking palad. Nilabas ko ulit ang kapangyarihang ginamit ko. Sa lakas ng liwang, lumiwanag ang buong silid. Tiningnan ko kung pano dumadaloy sa braso ko ang gintong marka, at sa oras na nasa palad ko na ito bigla nalang nagkaroon ng isang bolang ginto at parang nagkaroon ng maliit na araw sa loob ng banyo.

(O_O)

''Anak ng...'' Bulong ko na parang ma wawalan na ng hangin sa baga.

Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko. Pinatay ko naman agad ito nung may na rinig akong ingay sa baba. Siguro dumating na si itay. Nagmadali naman akong taposin ang pagliligo ko, nag bihis ako ng pambahay at nag suklay. Agad naman akong bumaba. Hindi ko nakita si itay sa sala kaya pumunta agad ako sa kusina. Tama nga ako nasa kusina nga siya, nag titimpla ng tsaa.

''Tay!''

''Oh anak. Gutom ka na ba? Teka ipagluluto kita.'' Tumayo siya at naghanap ng maluluto. Umupo nalang ako at tinulongan siyang magbalat ng mga gulay. Kaylangan kong malaman kahit konti lang.

''Tay kung magtatanong po ba ako sa nakaraan, magagalit ka?'' Sabi ko habang naka tingin sa kanya. Si itay naman napahinto sa kanyang ginagawa, nagulat ata.

''Bakit mo naman gustong tanongin anak?''

''Pwede niyo po bang ikwento lahat ng nangyari noon? Malaki na po ako, gusto ko po kasing malaman lahat.'' Habang sinasabi ko ito nagpupumigil akong maiyak, dahil kita sa mga mata ni itay ang sakit at lungkot sa tanong ko.

Oo alam kong hindi maganda ang nakaraan namin dahil minsan niya ng na kwento, pero wala siyang nabanggit tungkol kung sino pumatay kay inay at tungkol sa tinakda. Noon bago pa ako maka tanong ulit bigla nalang siyang tumalikod at umakyat sa kanyang silid.

''Bakit mo na-'' hindi ko na siya pinatapos dahil alam kong magdadahilan nanaman siya.

''Tay naman. Oo alam kong masakit sa inyong pag-usapan si inay pero anak niya po ako at gusto kong malaman ito. At gusto ko rin pong malaman kung bakit tinatawag nila akong tinakda.''

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now