◈ Iisa ang puso't isip ◈

14K 423 7
  • Dedicated to Sean Gabrielle Taporco Luna
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Naka higa ako ngayon sa kama ko. Hawak hawak ko parin ang kristal na hawakan. Na alala ko bigla ang mga sinabi ng spada.

•○● BALIKTANAW ●○•

Sa oras na hinawakan ko ang kristal na ito. May na ramdaman akong kakaiba, para bang gumaan ang pakiramdam ko. Parang napupunan ang mga blangko kong pagkatao.

Parang nabuhayan ang katawan ko. Naging aktibo ang dugo ko na parang sumasayaw. Ang lakas ng tibok ng puso ko, parang galing lang ako sa takbo. Napamulat ako nung may biblang lumiwanag.

Ang liwanag ay nanggagaling sa hawakhawak ko. Ramdam ko ang kapangyarihang pumapasok sa katawan ko. Ang ganda sa pakiramdam kaya napa ngiti ako.

Parang binabalot ako ng sarili kong kapangyarihan. Pinapadama nila sa akin na gustong gusto nila kapag ginagamit ko sila. Pero lumaki bigla ang mga mata ko nung biglang nagkaroon ng pulso ang kristal tila parang buhay, ramdam ko ang bawat tibok nito.

Hindi ko maintindihan pero parang sumasabay ang pulso niya sa tibok ng puso ko.

''Khul'Shalkrum?''

(O_O) N-nagsalita?

Guni-guni ko lang ba to o totoong nag salita ang kristal na ito?.

''Khul'Shalkrum?''

Nagsasalita nga! Tumingin ako sa hawak kong spada tapos kay Gabriel. Alam niya ba na nagsasalita ito kaya gusto niyang ipahawak to kanina?

Kristal-Gabriel-Kristal-Gabriel

''N-nagsalita siya..'' Sa sinabi ko lumaki rin ang mga mata niya. Hindi niya ba alam? Na lilito na ako. O talagang nababaliw na ako.

''Nagsasalita ang bagay nato Gabriel.'' Bigla siyang ngumiti. Ibig sabihin totoo nga.

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, parang gumagamit siya ng sinaunang salita na ewan.

"huh? Khul'Shal... ano?" Tanong ko sa sarili ko.

"khul'Shalkrum.... Tagapangalaga ng mahiwagang spada." Narinig ko ang bulong ni Gabriel.

Tagapangalaga ng mahiwagang spada? ano ibig sabihin dun?

"Tagapangalaga, tinatawag ka niya Luna.." Napa tingin naman ako sa kanya.

Bakit parang sinasabi ng isip ko na dapat kong ipikit ang mga mata ko.

Sa umpisa nagdadalawang isip ako baka nagkakamali ako, magmukha pa akong baliw. Pero wala naman sigurong masama kapagsusubokan ko, diba?.

Pinikit ko ang mga mata ko. Sa oras na ginawa ko yun para akong nasa isang lugar na walang ilaw, parang naka tayo ako mismo sa isang madilim na lugar. Wala akong makita dahil ang dilim. Pero sa kadilimang yun may na pansin akong isang maliit na liwanag at sa oras na nakita ko to bigla nalang lumapit ang paningin ko sa liwanag na yun. Habang lumalaki ito parang nakikita ko ang ditalye na kung ano ito. Hindi rin nagtagal naging malinaw na ang bagay.

 Hindi rin nagtagal naging malinaw na ang bagay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now