◈ Panaginip pa ba ito? ◈

17.8K 606 16
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Misteryosong Lalake's POV

Ilang taon din akong naka kulong dito sa kadilimang ito. Kaylangan ko ng maka wala para maghiganti sa isang babaeng pakialamera.

Maghanda siya kung makakalabas ako dito. Hindi niya alam na gumagawa na ng hakbang ang mga alagad ko.

Tingnan natin kung mananalo pa ba siya sa susunod naming pagkikita. Simula nung may na ramdaman akong kakaibang kapangyarihan na mulat ako sa isang mahimbing na pagkatulog. Kung sino man may-ari nun maaari ko siyang gamiti para alas ngayon sa susunod na labad ng kalawakan.

Lalo na ang anghel na nagkulong sa akin, pipira-pirasuhin ko ang pakpak niya at ipapakain ko siya sa mga alaga kong bayal.

Nararamdaman kong na gigising na ang mga alagad ko at simula na ng isang buhay na puno ng kadiliman sa mundo.

Ipapakita ko sa kanila na mali ang kinalaban nila, ngayoy lumalakas na ang kapangyarihan ko isa-isahin ko sila at sisiguraduhin kong ako na ang mamuno sa buong kalawakan.

Maghintay sila dahil, ang mga bangungutot nila ay magkakatotoo na.

Jake's POV

Nandito ako ngayon sa bayan naghahanap ng ireregalo ko kay Luna bukas. Kung hindi sa kanya hindi ma tutupad ang pangarap kong maging isang kawal sa palasyo. Oo kahapon sa labanan ay nanalo ako kaya kinausap ako ng Hari para sa pagkapanalo ko.

Hindi ko nga rin siya maintindihan kasi parati niyang tinatanong ang tungkol kay Luna. Kanino ba siya interesado? sa panalo ko o kay Luna?

(_ _") Sigurado kay Luna. Nabighani ata.

Kaya iniiba ko agad ang pag-uusapan namin, at siguro nahalata niya ang ginawa ni Luna. Pero pinakita niya talaga. Haaaayyy ano naman kaya inisip niya ng mga oras na yun. Pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya kung ano talaga si Luna. Kaya tikom parin ang bibig ko.

Sinabi rin ng Hari na magsisimula na ang insayo ko ng pagiging kawal dalawang araw matapos ang kaarawan ni Luna. Matutuwa talaga yun dahil natupad na rin ang pangarap ko. Masakit mang iwanan siya pero ginagawa ko rin naman ito para maging akin siya.

Oo mas malakas siya sa akin dahil sa kapangyarihan niya. Kaya ko ginagawa ito dahil gusto ko ring ipakita sa kanya na kaya ko rin siyang protektahan. Kung magiging kataas tasang ranggo na ako, hihingin ko ang kamay niya para magsama na kami habang buhay.

(-__-) Taas ng pangarap eh no? Gusto ko siya eh.

Tiisin ko ang kalungkutan na wala siya para sa gagawin ko balang araw. Kaylangan ko lang siyang pangakuan ng isang bagay para may babalikan pa ako. Alam kong maraming magpatayan para sa kamay niya kaya uunahan ko na sila.

Makasarili na kung makasarili pero mahal ko siya. Hindi ko man alam kung anong na raramdaman niya para sa akin pero handa akong maghintay nito. Pero bago yun kaylangan ko munang sabihin sa kanya ang na raramdaman ko at ihanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya.

Pero hindi ko dapat siya pilitin. At baka yun ang ikakasira ng pagkakaibigan namin.

(-__-) Ang hirap.

Isang oras din akong naglilibot dito pero kahit isa wala akong nagustohan. Tatalikod na sana ako para pumunta sa kabilang baryo nung may na pansin akong isang tindahan ng mga kwintas. Agad naman akong pumunta dun para tingnan ito.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now