◈ Unang pagkikita ◈

15K 470 17
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Gabriel's POV

Ilang araw na ako nagpapatrol sa palasyo ng panginoon, dahil sa nabalitaang may nakalabas na mga Bayal. Labing walong taon ng nakakalipas bago namin sila ikinulong sa Tartarus pero may iba parin sa kanilang naka labas, lumalakas na ang kapangyarihan ng panginoong itim. Kami ng mga kasamahan ko ay isa sa mga kataastaasang Gabay sa buong kalangitan.

Ako ang Heneral ng mga anghel sa langit at ang pangalawang sugo ng diyos. Hindi ko alam kung bakit kami ang pinadala ng diyos dito pero tanging sinabi lang niya na kaylangan kung hintayin at siguraduhing ligtas ang Oracle na pinatawag niya, at susundin ko ang utos ng panginoon. Ilang oras ang naka lipas, may isang liwanag na parating sa pintuan ng palasyo.

''Ikaw ba ang oracle ng diyos?'' Tanong ko sa nilalang na nasa harapan ko. Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil naka suot siya ng isang kapa at may takip rin siya sa mukha.

''Magsalita ka nilalang at ipakita mo ang mukha mo.'' Sa sinabi ko, tinanggal niya ang takip sa mukha niya at tumingin sa mga mata ko. Isang babaeng may puting mga mata, kayumangi ang balat at may maikling buhok.

''Ako ang oracle ng panginoon, pinatawag ako ng diyos.'' Kahit maganda ang nilalang sa harapan ko, kabaliktaran naman ang boses niya.

''Papasukin siya! Buksan ang pintuan!'' Agad namang sumunod ang mga kawal sa sinabi ko.''Sumunod ka sa akin.''

Naglakad kami sa loob ng palasyo, lahat ng madaanan kong kawal o mga anghel ay yumuyuko bilang bigay galang sa akin.

Gusto ko talaga ang pakiramdam ng pagiging kanang kamay ko, at hindi biro ang mga dinaanan ko para makuha ang posisyong to.

''Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang dakilang anghel ng langit, tama ba ako?'' Tanong ng babae sa akin, pero habang papalapit kami sa trono ng panginoon nagiging normal ang boses niya.

''Oo, ako nga.'' Maikling sagot ko. Wala akong oras para makipag-usap ng matagal sa nilalang na ito.

''May marami kang pagsubok na dadaanan pero pagmamahal naman ang kapalit ng lahat, ginoong Heneral.''

Napatingin ako sa kanya.

Ano bang pinagsasabi ng nilalang na to. Pagmamahal? Kahit kaylan hindi ko pa naranasan ang pagmamahal. At kahit sa mga magulang ko na anghel, hindi ko naramdaman ang salitang yun.

Matagal ko ng alam na kung ano ang lalabas sa bibig ng isang oracle ay totoo, kaya hindi ko mapigilang magtanong sa kaya.

''Anong ibig mong sabihin?''

''Malalaman mo yan ngayon. Maghintay ka anghel.'' Ang tanging sagot niya sa tanong ko. Sigurado ako tungkol ito sa tinakda ng langit, pero hindi gaano sinasabi ng pangino on kung ano ang ibigsabihin nito. Kahit kanang kamay niya ako, may kaylangan rin akong hindi malaman pagdating sa pulong ng mga monghe ng langit. Hindi na rin ako nagtanong kung ano, kung malalaman ko rin naman mamaya.

Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Posible nga ba na maka dama ako ng pagmamahal? Itong matigas kong puso at tanging ang boses lang ng panginoon ang pinakikinggan, ay makakadama nun? Kung totoo man, hindi na ako makapag hintay.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon