◈ Panibagong lihim ◈

9.8K 271 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°

Luna's POV

Naka tayo ako sa isang madilim na lugar, lumingon lingon ako at baka may makita akong liwanag. Sa likod ko may isang ilaw na dilaw at sa liit nito maliit lang ang na sasakupan ng liwanag nito. Napalingon naman ako ulit sa likod nung may narinig akong pagbukas ng ilaw, at nakita ko ang puting ilaw.

Nagulat ako nung nagsabay sabay pa ang apat na ilaw at parang pinapalibutan ako. Hinawakan ko ang bewang ko kung saan ko nilalagay ang spada ko pero...... wala.

Nagsimula na akong matakot, dahil hindi ko alam ang lugar nato at kung bakit may anim na ilaw naka palibot sa akin.

"Luna..." Rinig ko sa likod ko kaya agad naman akong napalingon...

⊙﹏⊙ Si.... si Jake!

Naka tayo siya sa dilaw na ilaw at hindi ko mabasa ang mukha niya.

Pupuntahan ko na sana siya pero parang naka dikit ang mga paa ko sa sahig.

"Jake! anong ginagawa mo dito?!" Pag-alalang tanong ko. Bat ba napunta siya dito. Pansin kong ngumiti siya ng bahagya.

"Luna." May tumawag ulit sa akin sa likod kaya napalingon ako.

⊙﹏⊙ Si itay!

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.. SHOOT! bumabalik ulit ang takot ko nung nagpakita ang panginoong itim sa akin.

"TAY!" Sigaw ko habang pinipilit kong ihakbang ang mga paa ko.

"CHAKS! ANO BANG NGYAYARI?!" Napa sigaw ako sa galit dahil hindi ko kayang igalaw ang mga paa ko.

"Luna." Rinig ko sa gilid ko at nakita si Gabriel..

"Luna." May tumawag ulit at sa paglingon ko si Valdesis.

"Luna." Rinig ko sa kabila at nakita si Sheena.

@#&%$! PWEDE BANG IPALIWANAG SA AKIN ANG NG YAYARI?!

Bigla kong naigalaw ang mga paa ko, tatakbo na sana ako papunta kay itay pero bumalik ang mga paa ko sa date. Pansin kong may naiwang ilaw sa kanan ko at walang naka tayo dito.

"Mahal kong si Luna." Biglang may bumulong sa tenga ko.

Alam ko ang boses na yan!

Ang panginoong itim.

"Nagkita tayo muli, mahal ko." Bulong niya ulit. Nagpupumiglas na ako dahil ramdam ko ang katawan niya sa likod ko.

"Anong kaylangan mo?!" Matigas kong tanong at bigla niya akong niyakap mula sa likod.

".... ikaw." Bulong niya ulit at ngayon hindi ko na kayang galawin ang katawan ko. Parang may sariling utak ang katawan ko dahil biglang gumalaw ang ulo ko para tumingin sa taas.

Nagsimula ng tumayo ang mga balahibo ko dahil hinahalikan niya na ang leeg ko, at parang gumagalaw ulit ang ulo ko para makita ng maayos ang leeg ko. Pinilit kong igalaw ang mga mata ko at tumingin sa gilid ko, tiningnan ko si Gabriel at parang malungkot ang mga mata niya.

Pinilit kong igalaw ang kamay ko at parang may kaaway ako para magalaw lang ito, ang hirap. Pansin kong pababa na ang mga halik niya dahil parang papunta na siya sa balikat ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now