◈ Katapusan ng lihim ◈

8.2K 256 7
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°


Luna's POV

Napahigpit ang mga kamay ko sa spada dahil sa bigat naming apat, para kaming lumilipad sa kalawakan pero hindi masayang lumilipad dahil sa bilis nito na parang na iiwan ang kaluluwa ko sa likod.

Muntik ko na ngang mabitiwan ang spada dahil sa gulat ko, sa oras na binuksan ko ang mga mata ko lumantad ang napakalawak na kalawakan. Kitang kita ko ang limang planeta na pumapalibot sa araw, grabe ang ganda lang nilang tingnan! Hindi ako maka paniwalang nakikita ko ang mga to sa sarili kong mga mata!

Sa nakikita ko ngayon parang may bakas na pinagmamalaki ko ang panginoon sa maganda niyang likhain, na intindihan ko na kung bakit nagkaroon ng digmaan noon. Buhay ang naka salalay dito at di lang isa kundi LIMANG planeta! Alam kong di lang ito ang habol ng panginoong itim, isa na rito ang trono ng langit upang mamuno na sa kalawakan.

At nandito ako ngayon upang pigilan siya! Magbabayad talaga ang lalakeng yun sa ginawa niya nung huli naming pagkikita! Tsk! walangyah talaga!

Parang dudugo na ata ang tenga ko dahil sa kasisigaw ni Sheena, pero di ko rin siya masisisi. Nakakatakot talaga ang sitwasyon namin ngayon. Di ko alam kung san kami pupulotin kung mabibitawan ko ang spada, iisipin ko lang nga na ma kulong sa kalawakan, naiiyak na ako.

~T_T~

"Bumitiw na kayo!" Sigaw ni Gabriel.

"BALIW KA BA?!" Sigaw rin ni Valdesis.

"Nandito na tayo! tanga!" Gabriel.

Sa sinabi niya tumingin ako sa harap at nakita ang isang malaking palasyo na lumulotang. Napaka raming ulap na parang naka patong ito sa taas nito. Malayo man pero ang ganda lang tingnan.

"BUMITIW NA NGA KAYO! MAY SASALO SA INYO KAYA WAG KAYONG MAG-ALALA!" Sigaw ulit ni Gabriel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"BUMITIW NA NGA KAYO! MAY SASALO SA INYO KAYA WAG KAYONG MAG-ALALA!" Sigaw ulit ni Gabriel.

Nagtinginan sina Sheena at si Valdesis at di nagtagal bumitiw si Sheena na sumisigaw. May nakita akong lalakeng sumalo sa kanya at laking gulat ko nung nakita ko ang mga pakpak niya. Sumunod si Valdesis at gayun din may sumalo sa kanya, tumingin ako kay Gabriel at naka ngiti siya sa akin.

Pansin kong bumabagal ang lipad namin at sa oras na huminto na talaga kami may biglang lumabas na pakpak sa likod ni Gabriel. Lumaki ang mga mata ko dahil sa biglaang paglabas nito, ito ang pangalawang oras ko na nakita ko ang pakpak niya, muntik ko ng makalimutan na isa nga pala siyang anghel sa kaharian ng panginoong Therina.

"Oh bat na gulat ka? Nakalimutan mo na ba kung ano ako, tinakda?" Bulong niya sa tenga ko at parang uminit bigla ang mukha ko. Sinuntok ko siya ng mahina at natawa naman siya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now