◈ Pumukaw sa bangungot ◈

9.5K 369 6
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Napakaganda talaga ng mundong Aquiryana, wala na akong masabi dahil sa mala perpektong kagandahan nito. Lahat atang na dadaanan kong mga bahay ng mga isda ay pinupuri ko.

Wala eh, ignorante ako ngayon.

Nakakatuwa talaga dahil ang ibang mga isda, umiikot sa akin na parang naglalaro. Para na ata akong baliw dahil pinaglalaroan rin sila.

May nakita akong isang matabang isda at sinundan ito. Na pansin niya ata ako kaya lumangoy siya paalis.

Tsk! hindi ka makakawala!

Lumangoy ako ng lumangoy para habulin siya at ngayon ko lang na pansin na paikot ikot lang pala ako sa mga kasamahan ko. Napa kamot naman ako sa ulo nung umalis na ang isdang hinahabol ko.

Haaay...

Kanina pa kami naka alis ng palasyo, matapos naming kumain at kadramahan sa kapatid ni Sheena. Tumatak sana sa utak ng babaeng yun kung ano ako, hmpf! kainis ang ugali grabe.

"Oh bat na busangot ka bigla?" Tanong ni Valdesis na tumabi sa akin.

"Umalis na kasi ang isda kanina. Tsk! haaay." Sabi ko habang naka yuko.

"Psf! HAHAHAHA! Baliw ka rin paminsan minsan eh no?" Ginulo niya naman ang buhok ko kaya binelatan ko kaya natawa lalo.

"Wag ka nga! Aist! Gulohin mo buhok mo, wag sa akin! Tsk!" Sabay gulo din sa buhok niya.

"HAHAHA! Teka Luna, seryoso. May tanong kasi ako." Napatingin naman ako sa kanya, mukhang seryoso talaga siya.

"Ano naman ang itatanong mo?" Sabi ko. Hmmm, ngayon ko lang to nakita ang seryoso niyang mukha ahh.

"Kanina pa talaga akong gulong gulo nito. Ewan ko, wala talaga akong maisip na tamang sagot sa tanong ko. Tsk!"

"Ehh ano nga kasi yun?"

"Kasi ganito yun...." Lumapit ang mukha niya at nilapit ko rin ang sa akin. Tinakpan niya ang bibig niya sa kaliwang kamay niya para kami lang makakarinig. "Saan lumalabas ang dumi ng mga serena?" Sabi niya ng mahina.

.

.

.

.

.

.

.

.

"WAHAHAHAHAHAHA! LAKAS NG TOPAK MO! HAHAHAHA! ABAY MALAY KO!" Hinawakan ko na talaga ang tiyan ko dahil sa halakhak ko.

Mga kalokohan ng lalakeng to!

Umakbay na ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang lumangoy dahil sa halakhak ko. Hindi nagtagal sumabay na rin siyang tumawa at hinihila ako para hindi kami ma iwan ng mga kasamahan namin.

"Patola ka talaga unggoy ka! HAHAHA!" Hindi pa rin na mamatay ang tawa ko.

"Hindi mo rin ako sinagot kamote ka! Tsk tsk! Hahaha!"

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now