◈ Isang Elementasium ◈

10.2K 366 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Peter's POV

Ewan ko ba kung bakit ako sumasabay sa mga lalakeng to, dahil siguro wala ng iba. Mga walang kwenta naman itong mga to, pinagtitiisan ko lang.

Nagtawanan sila at nagbibiroan na wala namang nakakatawa. Mga baliw talaga. Ito ring mga babaeng inaakbayan ko nagtawanan, eh hindi ko naman talaga sila gusto sadyang mahilig lang talaga akong umakbay at nasa dugo ko na rin ang pagiging babaero. Eh mga katawan lang naman ang gusto ko sa kanila, masisi mo ba ako? Lalake eh.

Napahinto silang lahat sa pagtatawa dahil may lumapit sa aming isang lalake. Mataas, parehong laki sa katawan ko at parang may na raramdaman akong kakaiba sa kanya. Hindi ko alam pero kakaiba talaga. Ngayon ko lang din siya nakita dahil hindi pamilyar ang mukha niya.

''Anong kaylangan mo bata?'' Tanong ni Roy ang higante sa mesang to.

''Gusto kong maka usap si Peter.'' Simpleng sagot niya.

Teka bakit kilala niya ako?

Bat na gulat ako eh sikat naman talaga ako sa kahariang ito. Pero anong kaylangan niya?

''Anong kaylangan mo sa kanya bata?'' Tanong ulit ni Roy.

''Hindi ikaw ang kaylangan kong maka usap.'' Muntik na akong tumawa sa sinabi niya, mabuti nalang at napigilan ko ito.

Muntikan ng matapon ang mga alak sa mesa nung biglang tumayo si Roy. Sira ulo ba to? Gumastos ako nito!

''Kilala mo ba ang kinakausap mo?! Tarantado ka ahh!'' Sigaw niya.

''Huminahon ka nga Roy! Bata, ano ba ang kaylangan mo kay Peter?'' Tanong naman ngayon ni Boy, kapatid niya.

May napansin akong babae na dumating sa gilid niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa takip ng kapa niya. Sa suot niyang corset nakikita kong maganda rin ang hugis ng katawan niya.

''Gusto kong ihatid niya kami sa bundok ng Makharta.''

''Psf! HAHAHAHAHAHA!'' Nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Alam niya bang delekado dun? Magpapakamatay ba sila?

''Magpapakamatay ka ba bata? HAHAHAHA. Kung magpapakatamay ka iiwan mo nalang yang kasama mo at para mapakinabangan namin.'' Natatawang sabi ni Roy.

''Anong sinabi mo?!'' Galit na sabi ng lalake.

''Huminahon ka Gabriel.'' Bulong ng babae. Pero bakit parati siyang naka tingin sa baba? May na hulog bang pera o ano?

''Peter pwede mo ba kaming tulongan? May importante kaming kunin dun at kaylangan namin ang tulong mo.'' Seryosong tanong ng lalake.

Kinuha ko ang takip sa ulo ko para makita ko ng maayos ang paligid. Napansin kong nagulat ang babaeng nasa gilid niya. Hindi nga pala sila taga rito.

''Huminahon nga muna kayo. Hahahaha! Nakakatawa ka pare! Bakit ko naman gagawin yan? ha? At teka magkano bang kapalit nito?'' Tanong ko.

Nalito ata siya sa tanong ko, bakit akala ba niya gagawin ko to ng libre? Huh! Pwet niya!

''Wala kang pera tama ba? Pwes makakaalis kana.'' Simpleng sabi ko at umupo. Inakbayan ko agad ang mga babaeng katabi ko. Gusto ko talaga ang buhay ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now