◈ Kaibigan ◈

31.5K 1.1K 51
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Labing limang taon ang nakalipas.


Luna's POV

Simula na ng unang klase ko. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Ilang buwan na rin akong nagpupumilit kay itay na papapasukin ako sa paaralan dito sa kaharian. Kahapon lang siya pumayag at sobrang saya ko. Na intindihan ko naman si itay kung bakit nagdadalawang isip siya. Ikaw pa na mang may anak na may kakaibang kapangyarihan. Isang hindi normal ito, lalo na't na papalibotan rin ako ng mga taong walang mga kapangyarihan sa kaharian.

Ayaw lang talaga niya akong masaktan kung sakaling malaman ng iba na may kakaibang kapangyarihan ako. Kaya kong gamutin ang may sakit at sugat, unti unti naring lumalakas ang kapangyarihan ko. Nagawa ko ngang buhayin ang namatay na hayop.

Hindi ko pa naman na subokan na buhayin ang taong patay na dahil nga ayaw ipa alam ni itay. Bilang lang ang may kapangyarihan sa mundo, isa na rito ang mga babaylan at ang hari't reyna sa buong mundo. May mga nilalang na kumokontrol ng isang Elemento at marami pang iba.

Kaya ko ring kontrolin ang emosyon ng isang tao sa isang hawak ko lang pero gayun pa man, hindi parin ito isang normal pagdating sa mundong ito.

Palagi ko itong na gagamit kung malungkot at pagod si itay sa trabaho. Sa taong nandito ako sa kahariang ito, hindi ko parin alam kung ano ang tawag sa kapangyarihang meron ako. Sa panahong na laman ko kung anong kaya kong gawin, hindi mawala sa utak ko na baka hindi ako tao o mas tinatawag na mortal. Pero anak ako ni itay, dito ko lang hinuhugot ang lakas ng loob para maramdamang isa parin akong normal.

Maliban kay itay may isa pang nakakaalam ng secreto ko. Si lolo Mario, ang matandang tumulong sa amin ni itay. Siya ang nag bigay ng trabo kay itay. Nalaman lang niya ang secreto ko dahil ginamot ko ang sugat sa kamay niya, sa takot ko hindi ko na pigilan ang sarili ko kaya ginamot ko ito. Na ngako naman siya na wala siyang pagsasabihan, ayaw din niya akung mapahamak. Isang apo na nga ang turing niya sa akin kaya mahal na mahal ko rin siya.

Bumangon na ako sa kama para maligo, ayaw kong mahuli sa una kong klase. Hindi na ako maka paghintay magkaroon ng kaibigan, kahit kaylan hindi pa ako nag karoon ng kaibigan. Dahil natatakot ang puso ko sa oras na tatalikoran nila ako dahil sa pagkatao ko.

Nung limang taong gulang palang ako, na pansin ko na madaling bumabago ang anyo ko. Madali lang tumaas ang buhok ko at parang pumopula lalo ang kulay nito. Sa unang araw na nalaman kong umiiba ang mukha ko, umiyak ako. Baka isipin ng ibang tao ay isa akong baliw.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. 

Na pansin kong may nag bago nanaman sa mukha ko. Ngayon hindi na tuwid ang buhok ko, unti unti na siyang nagkakaroon ng malalaking kulot at mas mahaba na ito kumpara nung nakaraang araw. Mas lalong lumiwanag ang berdeng mga mata ko, mas lalong kuminis ang balat ko at pumoti, para akung uminom ng dugo dahil sa labi kong pula, at medyo tumangkad rin ako.

"Ano bang nangyayari sa akin. Baka isang araw sa pagmulat ko isa na akung matandang babae dahil ang bilis kong lumaki." Nagbuntong hininga nalang ako sa sinabi ko at naghanda na para bumaba. "Magandang umaga tay!"

Naka luto na pala si itay at ang sarap pa. Itlog, gulay, tinapay, at malamig na gatas.

"Ang rami naman po ata nito itay? may fiesta ba ngayon?" Na tatawang tanong ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon