◈ Iniisip kahit sa huli ◈

14.1K 552 11
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•


Luna's POV

Hindi ko alam kung oras na ba ang naka lipas dahil iyak ako ng iyak sa yakap ni Jake. Hindi ko talaga mapigilan. Nung wala na talaga akong mailuha, umupo ako sa damohan at gayun din ang ginawa niya, minasdan ko ang mga halaman na tumotubo sa inuopuan ko. Dahan dahan akong humiga at tumingin sa taas para makita ang magandang puno sa itaas. Bakit parang nararamdaman kong ito na ang huling beses na makikita ko ito.

Minamasdan ko lang ang mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin. Tuwing lulusot ang araw sa mga dahon, para akong nasa paraiso na ayaw ko ng layuan pa.

"Luna mahal kita." Biglang sabi ni Jake.

...........................................?

"A-ano?"

"Sabi ko. Mahal kita."

(O_O) Mahal niya ako? Pero bakit? Kaibigan lang kami diba?

"B-bakit?"

"Anong bakit? May dahilan ba para hindi ka mahalin?"

"Jake naman. Wag ka ngang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro Luna. Mahal kita." Seryosong sabi niya.

"Jake naman ohh. Kaibigan kita, ayokong masaktan ka alam mo yun diba. M-mahal? sa kaibigan diba?" Nalilito na talaga ako ngayon. Pano ng yari yun?

"Matagal na kitang gusto. Hindi lang kita mahal sa pagiging kaibigan natin pero mahal kita bilang isang babae, sinisinta kita, gusto kitang maging parte ng buhay ko, habang buhay." Umupo na siya para tingnan niya ako sa mga mata. Ako naman umupo na rin pero hindi ko parin siya kayang tingnan dahil nga hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niya.

"Matagal ko na sanang sabihin sayo pero na duwag ako. At Luna may sasabihin pa ako." Huminga muna siya ng malalim at nagsalita ulit. "Gusto kitang pakasalan kung darating ang araw na magiging isang heneral ako sa palasyo. Gusto kitang maka sama habang buhay Luna. At handa akong maghintay para sa kamay mo."

"Jake." Nagulat na talaga ako. Si Jake na kaibigan ko ay may gusto sa akin? Pero akala ko kaibigan lang talaga ang na raramdaman niya.

"Aalis na kasi ako sa susunod na araw dahil magsisimula na ang insayo ng mga bagong kawal. Sinasabi ko ito ngayon dahil gusto kong malaman na may babalikan pa ba ako kung aalis ako."

Tumulo na ang mga luha ko. Bakit ngayon lang niya sinabi ito? Oo alam kong pangarap niya yan pero biglaan naman ata.

"Jake naman oh. Hindi naman ako mawawala, kaibigan naman kita eh." Naiiyak na sabi ko.

"Kaibigan? Luna gusto kong malaman kung mahal mo ba ako. Gusto kung marinig yun para alam kong may babalikan pa ako." Namumuo na ang luha sa mga mata niya. Bakit ba ganito?

"Jake masaya akong naging kaibigan kita pero ang pagmamahal mo, hindi ko masuklian. Malaking bagay ang binibigay mo sa akin Jake. Oo mahal kita pero hanggang kaibigan lang Jake." Nilagay ko na ang mga palad ko sa mukha ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko kayang mahalin siya katulad sa pagmamahal niya sa akin.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon