◈ God within ◈

19.2K 567 12
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Naka upo ako ngayon kung saan naka upo ang mga kalahok. Hindi ako maka paniwalang dininig ng hari ang hiling ko. Hindi ko talaga palalagpasin ang ginawa ng mga mokong na to. Sinaktan nila ang kaibigan ko. Suot ko parin ang kapang kinuha ko kanina at kahit hindi ko makita ang paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang sahig, alam kong tumitingin sa akin si Jake.

Ramdam ko at parati ko atang na raramdaman yun.

"Ayos na ba ang paa mo?" Tanong ko. Inangat ko kaunti ang ulo ko para makita ko siya. Halatang na gulat siya sa sinabi ko. "Oh bat parang na gulat ka?"

"Eh bigla ka nalang nagsalita eh. Luna pwede ka pa namang umurong, ako na bahala sa mga yun. Wag ka lang sumali."

"Jake naman. Eh kung gawin nila sa iba yun dahil tingin nila sa lahat ay mahina. Alam kong kaya mo silang lahat pero sana maintindihan mong hindi ko nagustohan ang ginawa nila. Kung hindi ko gusto eh ayaw ko talaga." Ewan ko ba pero minsan kung di ko talaga na gustohan ang isang masamang bagay, hindi ko mapigilan ang sarili ko at ayosin ito sa tama. Minsan nga ay pakiramdam ko kaya kong itama ang lahat, sobrang lakas ng pakirandam ko na sa tingin ko wala ng makakapigil sa akin sa lahat.

(-__-'') Napakataas nga ng tingin ko sa sarili pero bakit may malalim pa itong kahulogan sa akin?

Kinamumuhian ko ang may sala. Umiinit ang dugo ko sa gumagawa ng kamalian. Kaya ngayon na nasa mga kamay ko na ang may sala, ramdam ko sa sarili ko na hindi ko ito palalagpasin. Pero unahin ko muna ang pangako ko kay Jake na wala akong papatayin sa kanila.

Hindi kamatayan ang sulosyon ng lahat.

Nakita kong ginagalaw ni Jake ang paa niya. Umiepekto na ang gamot na binigay ng mga doktor dito sa palaro.

"Mabuti naman at ayos na yan. Patawad kung sumali pa ako dito Jake pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko eh. Minsa nga parang hindi ko na maintindihan ang sarili ko." Pagpapaliwanag ko.

"Alam ko Luna. Naintindihan kita. At alam ko naman na hindi ka matatalo ngayon. Ang hina kaya nila." Nagtawanan kaming dalawa nun. Oo tama siya, medyo mahina nga sila. Pero hindi parin ako kampante sa mga salita ko dahil pansin ko rin kung pano nila hinahawakan ang isang sandata. Alam kong may malalim pa itong kahulogan, kaylangan ko lang maging maingat. Bigla nalang kaming na pahinto nung may na rinig kaming nagsalita.

"Kung siniswerte ka nga naman, nandito pa ang mga paburito kong studyante. Ang ganda ng eksena ninyo kanina ahh. Hanganghanga ako sa inyo. Ngayon lang kita makikitang makipaglaban Luna kaya parang masaya to." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Kung hindi din naman ang pinaka paborito kong guro, Ginoong Reyessar. Ano ba ang ginagawa ninyo dito at wala ka sa paaralan?"

"Na raramdaman ko kasing may kakaibang mangyayari dito sa paligsahang ito. At tama nga ako. Meron nga, di bale alam ko namang mananalo ka dito Luna. Isang malaking pusta ang ipapatong ko sayo." Tiningnan niya ako sa mga mata na may kakaibang ngiti at umalis na kaagad.

"Anong nangyari dun? Baliw ba yun?" Natawa ako sa sinabi ni Jake. Napatigil kami bigla dahil na rinig ko ang pangalan ko. Tinatawag na ako sa intablado.

"Tinatawag na ako. Pangako walang mamamatay. hahahaha"

"Loko ka talaga! Ingat ka Luna. Pakitaan mo sila ng magandang laban." Sabi niya habang kumakaway.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon