◈ Panibagong kaalaman. Panibagong kalaban ◈

8.2K 252 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°• ENJOY •°

Luna's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, bakit parang ang dilim?

⊙﹏⊙

Napa tayo agad ako at naghanda, parang nagwawala na ang puso ko. Panaginip nanaman ba ito? Hindi naman sana...

Pansin kong buntot parin ang mga paa ko. Anong ibig sabihin nito? Magpapakita nanaman ba siya?!

Nagsimula na akong matakot dahil sa iniisip ko, hindi ko siya gustong makita. Ayukong paglaroan nanaman niya ako, alam kong masaya siya kapag natatakot ako. Tsk!

Parang tatalon ang puso ko nung may biglang humawak sa balikat ko at sa gulat ko inilabas ko agad ang pwesa ko at itinira sa kanya.

"Ugh!" Rinig ko galing sa tinamaan ko, hindi ko parin siya nakikita dahil ang dilim parin.

Bat ko nagagamit ang kapangyarihan ko? Panaginip nga ba ito?! Tsk nagugulohan na ako!

"L-Luna? Bat g-ginawa mo yun?" Boses ni........

⊙﹏⊙ Gabriel.

Agad kong pinalabas ang kapangyarihan ko para mag mistolang liwanag, sa di kalayuan nakita ko si Gabriel na naka upo sa may malaking bato na hawak hawak niya ang tiyan niya.

Mabilis akong pumunta sa gilid niya.

"Gabriel patawad! Eh kasi naman, bat ka ba nananakot? Hindi ka man lang nagsalita!" Sabi ko habang ginagamot siya.

"Ang nerbyosa mo kasi!" Natahimik ako bigla, masisisi niya ba ako? Eh takot na takot na akong mag-isa sa kadiliman, dagdag pa tong puso kong nagwawala. Takot na nga akong matulog simula nung napa ginipan ko ang panginoong itim!

Alam kong mga ilusyon ang ginagawa niya pero ang kaisipang na mamatay ang mga mahal ko, ayoko ng ganun. Hindi ko alam na may lumabas na luha sa kaliwang mata ko at agad naman itong nawala dahil sa tubig ng paligid, masisisi niyo ba ako?! Tsk!

Agad ko naman tong pinunasan na parang may luha pang na kikita at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko kaya napa tingin ako sa kanya.

"Luna." Sabi niya, alam kong nagtataka siya kung bakit lumabas bigla ang luha ko. "Bakit?"

"Ayoko ng kadiliman Gabriel, kaya patawad kung nagulat ako at na saktan ka." Sabi ko at tinanggal ang kamay ko sa pagkahawak niya. Tumayo ako at tumalikod, aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Humigpit bigla ang pagkayakap niya na parang ewan.

"Di ko sinasadya, patawad tinakda." Bulong niya sa tenga ko at napa hinga naman ako ng malalim. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Napa ngiti naman ako, sana ganito nalang palagi. Teka! bat ba ako nag-iisip ng ganyan?! Eh alam ko namang hindi niya ako gusto. Tsk!

-_-" Saklap naman.

Tinulak ko siya ng mahina at tumawa ng bahagya.

"Haha, uhmm oo nga pala. San na tayo? Bat tayo nan dito?" Tanong ko. Pansin ko kasing parang nasa kweba kami. Inilabas ko ang kapangyarihan ko at nagkaroon nanaman ng dilaw na ilaw ang paligid. Ang huling naalala ko kasi ay sa mabatong lugar at ang mga batong nagliliparan.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now