◈ Secretong lugar ◈

21.5K 762 15
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Nasa isang hardin ako ngayon, naka upo sa isang magandang kumot. Sa sobrang ganda ng langit at sarap ng hangin, humiga ako para ramdamin ang magandang panahon ngayon. Maraming ibong lumilipad at ang simoy ng hangin ay wala ng kasing presko pa sa lahat. Pwede na akong mabuhay ng ganito.

Sa kalagitnaan ng aking mapayapang pahinga, may na rinig akong isang umiiyak na tuta. Bumangon ako at tiningnan ang paligid ko. Tanging bulaklak lang ang aking nakikita at matataas na puno. Tumayo ako at nag simula ng maglakad at sinundan ko ang tunog ng tuta.

Napatigil ako sa maraming puno, iniisip ko kung itutuloy ko ba o hindi. Hindi ko kasi alam kung anong nasa likod ng mga punong ito. Pero ang kaisipang may na ngangailangan ng tulong ang tumulak sa akin para pumasok ako.

Ngayon ko lang na pansin ang suot ko. Isang maganda at eleganteng damit ang naka kapit sa katawan ko, at sa taas nito ay na tatakpan ang aking mga paa. Tiningnan ko ang aking mga paa at nagulat nung nakita ko ang napaka gandang sapatos. Isang kristal na sapatos ang nagpahulog sa baba ko at pansin ko ang pagkislap nito kapag na tatamaan ng araw.

Napa hinto ako nung narinig ko ulit ang tuta, nagpatuloy akong maglakad para hanapin ito.

Habang naglalakad ako, napahinto ako nung naririnig ko na sa malapitan ang tawag ng tuta. Sinundan ko ito at hinanap, ilang minutong paghahanap nasilayan ko siya sa isang maliit na halaman, umiiyak dahil sa sugat niya.

Sino naman ang gumawa nito? Hindi man lang na awa, na bali pa ata ang buto nito. Hinawakan ko ito at nag-isip agad ng paggaling. Alam ko sa mga oras na ito, lumabas na ang gintong mga mata ko. Na ramdaman ko rin ang kapangyarihan ko na dumadaloy papunta sa sugat ng tuta.

Nung na tapos na ako, ngumiti ako sa ginawa ko. Maayos na ang tuta at natutulog na siya ngayon. Kinuha ko siya at nilagay sa aking hita. Pero sa kabila ng katahimikan ng paligid, isang boses ang nagpatalon ng kaluluwa ko.

"Lumalakas kana Luna. Na raramdaman ko."

(O__O)

Isang lalake ang nagsalita. Isang matangkad at gwapong lalake!

Oo aaminin ko para siyang isang anghel na bumaba dito sa lupa. May magandang mga mata na kulay asul, magandang mga labi, mataas na ilong, at malaki ang kanyang pangangatawan. Hindi ko mapigilang tumitig sa kanyang mga mata, parang ang sarap lang titigan buong araw at hindi ako magsasawa nito.

Ngayon ko lang na pansin na may naka tali palang spada sa kanyang baywang. Naka suot siya ng puting damit, para siyang isang prinsipe at sa mga oras na ito iniisip ko na ako ang kanyang prinsesang naka suot ng eleganteng puting damit. Hindi ko alam pero habang tinititigan ko siya, umiinit nalang bigla ang buong katawan ko, lalong lalo na ang mukha ko.

"Ayos ka lang ba Luna? Na mumula ka ata." Sabi niyang naka ngiti.

Bigla akong napa ayos sa pag-upo. Hindi ko alam pero kinakabahan na ako sa kanya, parang sa mga mata niya ay matutunaw ka na. Teka ano ba tong iniisip ko?! Baliw na ata ako!

T-teka! bakit parang lumalapit siya?!

(O__O) LUMALAPIT NGA SIYA!!!

"S-sino ka?" Na uutal kong tanong. Ano bang ng yayari sa akin? Siguro dahil ito sa kapangyarihang meron siya na nararamdaman ko. Kaylangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa gwapong nilalang na ito! Hinarang ko ang aking mga kamay, handa na akong ipakita kung anong meron ako kung may gagawin nga siya.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now