◈ Sa likod ng gintong buntot ◈

9.6K 369 10
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Naka upo parin kami ngayon sa parehong lugar, nagpaplano para sa pagkuha ng piraso at sa halamang kaylangan ni Sheena.

Sa tingin ko mahihirapan kami nito dahil magaganap ang laban sa ilalim ng karagatan. Pano ba naman kasi, ehh nakalimutan ko ng lumangoy. Mabuti kung may sirena akong dugo, ehh wala! Haaay...

Naghihintay rin kami sa pagdating ng mga alaga ni Sheena, hindi ko pa alam kung ano ang magagawa ng halaman nayun dahil hindi pa naipaliwanag ni Sheena sa amin kung anong magagawa nun. Siguro kaya ng halamang yun na maka hinga kami sa ilalim ng tubig, galing siguro nun. O di kaya maging isda kami ⊙﹏⊙ wag na man sana.

"Luna, nakikinig kaba?" Tapatingin ako bigla kay Gabriel.

"Huh? tawag mo ako?" Tanong ko.

"Ay hindi, tinawag ko ang lumot nayun." Sagot niya.

 ̄ˍ ̄ Ganda ng sagot ehh no.

"Tsk! pilosopo."

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, ehh hindi ka man lang sumagot. Ano ba yang iniisip mo at parang mas importante pa yan sa misyong to." Teka anong problema nito? Bakit parang galit to makasalita sa akin.

"Oo na oo na, patawad PO!" Inikot ko pa ang mga mata ko. Nandiyan nanaman yang ugali niyang pabosing.

Hinilamos niya muna ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha na parang nainis. Tsk! ewan ko sayo.

"Sa sinabi ko kanina, dapat tayong gumawa ng dalawang grupo. Kasama ko si Luna para sa piraso at ikaw Sheela at Valdesis ang kukuha ng halaman." Sabi ni Gabriel.

"Sheena, Gabriel hindi Sheela ano kaba." Bulong ko.

"Teka, bat ikaw sasama kay Luna. Para paraan ka naman diyan! Ayoko! ako sasama kay Luna para sa piraso." Valdesis.

"Ako ang gabay kaya ako ang sasama. TAPOS!" May galit ang mga mata niya habang sinasabi niya ito. Mga baliw talaga ang mga to, parang mga bata.

"Kaya ko rin siyang protektahan!" Bulyaw rin ni Valdesis.

"Tumigil nga kayo!" Inis na sabi ko.

"Protektahan? Na hihibang ka na ba mortal? O gusto mo idadaan nalang natin to sa spada. Kung sinong manalo ay siyang sasama kay Luna." Tumayo na si Gabriel at sumunod si Valdesis.

"Walang problema." Seryosong sagot ni Valdesis.

Tumayo na ako at pinagitnaan ko ang sarili ko sa kanila.

"Tumigil nga kayo! Bakit niyo ba inaawayan ang maliit na bagay na yan! Puputok na ang tenga ko sa mga away na yan. Hindi ba kayo na papagod?! Magtulongan nalang kaya tayo. Para walang away! Kami ni Sheena ang magkasama!''

"HINDI! AKO!" Gabriel/Valdesis.

Binatukan ko nga ang dalawa. Mga sira ulo! Pag-uumpogin ko mga ulo nito ngayon. Ako pa talaga ininis nila. Mga mokong talaga!

"Tatahimik kayo o pakakainin ko kayo ng buhangin. Alam niyo bang GUTOM NA AKO?! tapos idadagdag niyo pa yang away ninyo! GUSTO NIYO KAYO LULUTOIN KO?!" Sumigaw na talaga ako.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Where stories live. Discover now