◈ Ilalim ng pulang buwan ◈

6.9K 257 17
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

•○● ENJOY ●○•

Luna's POV

Naka upo lang kami at naghihintay sa tagong lugar na nahanap nila Gabriel. Nagsisimula ng magwala ng puso ko dahil alam ko pagkatapos ng paghihintay na ito, simula na sa totoong laban.

Hawak hawak ko ang spada ng langit at parang pumuputi na ang palad ko dahil sa higpit ng pagkahawak ko nito. Hindi ko maipaliwanag ang na raramdaman ko, ewan ko pero bigla akong napa tingin sa langit at napa pikit.

Alam kong alam niya ang ngyayari ngayon, ayun nga sa sinabi ni Gabriel, may mga paraan siya. Mahirap man sabihin pero ina ko parin siya, hindi ko parin maiwasang mag-isip ng kung ano ano dahil ang kalawakan ay isang bukas na lugar, at isa pa kasama ko si Gabriel ang kanyang kanang kamay at pinuno ng kanyang mga kawal para lang maging bantay ko.

Kung may paraan ang panginoong Therina, hindi rin malayong may mga paraan rin ang kapatid niya kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng mga ganitong posibilidad. Na alala ko ang sinabi ni Alvamo, sasakyan niya ang laro ng panginoon at sa paraang yun mapapasakanya na ako at hindi ako papayag nun.

Sa ngayon, uubusin ko muna ang mga sumusunod sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka paniwala na isang sugo sa kadiliman ang guro kong nakakainis, kaya pala alam niya ang mga bagay noon na wala pang nakakaalam. Napaka bulag ko naman noon, ilang taon ko siyang nakakasama sa iisang paaralan pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi siya gumawa ng mga hakbang?

Bumalik ako sa mundo dahil may biglang humawak sa balikat ko at nakita si Gabriel.

"Na kikinig ka ba, Luna?" Tanong niya. Oo nga pala, nagpaplano nga pala kami at hindi ako nakinig. Napa kamot nalang ako dahil wala akong masabing dahilan.

"Nasa ibang mundo nanaman ang utak mo, ano?" Bulong ni Sheena at inirapan ko naman.

"Kaylangan ko nanamang ulitin." Sabi ni Gabriel at hinihilot hilot ang noo niya. "Ayon nga sa sinabi ko, hindi pwede ang mga batang to sa magaganap sa bayan ng Khaatal. Sobrang dilikado para sa kanila, na isip kong dito nalang sila at si Sheena at Valdesis ang poprotekta sa kanila."

"Sabi ko nga diba na sasama ako?!" Inis na sabi ni Valdesis.

"Hindi nga pwede diba?! Walang poprotekta sa kanila Valdesis!" Galit na sabi rin ni Gabriel.

"Tumigil na nga kayo! walang patutungohan ang away ninyong yan! pakiusap Valdesis, hindi pwedeng si Sheena lang ang gagawa nito. Grupo tayo diba?" Sabi ko at napa tayo naman si Valdesis nito tila na inis sa sinabi ko.

"Gusto ko ring tumulong. Nasa mga kamay nila ang kapatid ko!" Singit ni Denielle sa usapan at napa tingin naman kaming lahat sa kanya.

"Hindi pwede mortal! wag ka ng dumagdag! Kami na bahala sa bagay na yun!" Sabi ni Gabriel at hinawakan ko naman ang braso niya para huminahon siya.

"Tama siya Denielle, di pwedeng basta basta nalang tayong lahat pumunta dun. Hindi sila ordinaryong mga Zimbroo lang kung yan ang iniisip ninyo, nasa panig nila ang panginoong itim at iilan nalang kayo ang kumakapit sa panginoon ng langit." Sabi ko at napa yuko naman siya sa kawalan ng sagot.

Tumingin ako kay Valdesis pero parang nagkakaroon pa siya ng sarili niyang digmaan, pero ilang sigundo nun tumingin na siya sa akin at tumango.

"Sa-.. AHHH!" Sigaw ko.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon