◈ Elfeeh laban sa Elfeeh ◈

5.3K 203 3
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°


Luna's POV

Poot ang na ngunguna sa isip ko. Kung hindi ko mapapalabas ito, baka magagamit ko ang kapangyarihan ng Elfeeh dahil sa galit na umaakyat sa akin ngayon.

Una, biglaang lalabas ang mukha niya sa isip ko at pilit akong itulak sa lecheng kadiliman na yan!

Pangalawa, kung pipigilan ko naman ito parang umiiba ng dereksyon ang pag-ikot ng dugo ko sa katawan kaya lumalabas bigla sa ilong ko!

Pangatlo, nangungulit na sa utak ko ang itim na hamog at parang isang salita ko nalang sa utak ko parang tuloyan ng lalabas ang Elfeeh'ng sinasabi ni Gabriel!

Pang-apat, kumukulo lalo ang dugo ko dahil naiwan ako dito sa baba habang nag-aaway ang dalawa sa ere!

Hindi man ako pamilyar sa mga bayal na ito pero ito lang ang masasabi ko sa kanila.

MUKHA SILANG PALAKA!

May mga malalaki silang mga mata at parang ang tataas lang ng dila nila. Ang pagbuka ng lupa sa di kalayuan ay naging labasan nila kaya lalo akong nainis. Na sulyap ng mga mata ko sila Sheena pero hindi naman nagtagal na wala ito dahil sa mga mukhang palakang to!

Sana ayos lang si Gabriel, kung hindi lang sana niya ako iniwan para harapin si Alvamo, baka maipalabas ko na ang galit na namumuo sa akin. Para silang mga kidlat kung nakikipag-away, ang bilis nila! pero hindi parin ma wala sa akin ang ngamba baka mapano si Gabriel. Isang diyos ang kalaban niya! @#&%$¿! pero ang hindi ko maintindihan, parang may pangamba rin ako para sa lecheng Alvamong yun!

UGHHH! ╰_╯

Sa galit ko, na putol ko lahat ng ulong malapit sa akin. Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko! sa isip ko, gustong gusto kong patayin siya pero kinakalaban ako ng puso ko! ano ba ang ibig sabihin nito?!

Isang pagsabog ang lumabas at napatapon naman ako dahil dun. Muntik na akong na hulog sa malaking pagbuka ng lupa, mabuti nalang at may humawak sa kamay ko.

Muntik na akong maiyak nung nakita ko ang mukha ng sumagip sa akin. Hinila niya ako pataas at agad ko naman siyang niyakap.

"XION!"

"Maligaya rin akong makita ka, tinakda." Sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nung may napansin akong itim na kidlat na papunta sa dereksyon namin. Agad kong tinulak si Xion para hindi kami matamaan. Napa tingin ako sa taas at nakita si Alvamo'ng naka kunot ang noo. Tiningnan ko rin siya ng masama pero naputol ito dahil sinuntok siya sa mukha ni Gabriel.

"Ilang sandali nalang at darating na ang panginoon." Napa tingin naman ako kay Xion sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihing darating siya?"

"Bukas na ang daan tinakda, na buksan ito dahil sa digmaan sa kalawakan. Darating ang panginoon ngayon para sayo tinakda, kaylangan mo paring makuha ang piraso."

Digmaan sa kalawakan?! bakit hindi ko alam to?! Bakit ba biglaang magsilabasan ang mga balita na nakakagulat?!

"Si Ereest?"

"Pinauna muna niya ako, tinakda. Darating na rin yun kasama ng mga sugo niya." Napa tango naman ako nun. "Anong utos ang ibibigay mo, tinakda?"

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon