◈ Kondisyon ◈

5K 185 9
                                    

ⓒ All rights reserved for Sword Seeker (God's child). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

°•○ ENJOY ○•°

Luna's POV

Walang away, walang namamatay, walang na sasaktan. Mapayapa at tahimik lang ang lahat. Sinong hindi tatalon ng bangin para makamit lang ang mga to. Sa totoo lang gagawin ko ang bagay na ito para lang sa mga salitang yun.

Ewan ko ba, baliw na ata ako. Nakikita ko kasi sa isip ko ang mga bagay na imposible. Kagaya ng magkasama kami ni Gabriel sa isang hardin at magkahawak kamay lang, yung tipong walang problema.

Naka higa kami at walang ibang ginagawa kundi magbiruan at iisipin ang kinabukasan. Ang layo lang talaga sa katotohanan, kakaiyak.

Isang tahimik na bahay, may mga rosas sa maliit na hardin, naka ngiting ama, nagtutulongan na magkaibigan para maipatayo ang pangarap na lugar, at isang lalakeng dapat lang mahalin. Ang kagandahan ng buhay sa kalangitan ay biniyaya rin ng isang ina, hindi ko man alam kung kaylan ang normal na mga araw para sa aming dalawa pero handa akong harapin yun at magsimula ng panibagong buhay na kasama siya.

Walang hanggang kasiyahan, kapayapaan, pagmamahal, at iba pa. Ipupusta ko ang kaluluwa ko para makuha kahit isa lang sa mga yun. Kung pwede lang talaga maging maka sarili, ay gagawin ko na. Pero ang kaligtasan ng nakakarami at ang kaligtasan ng ama ko ay naka salalay sa mga kamay ko.

Kung pwede lang talaga tumakbo kami ni Gabriel para takasan ang lahat, gagawin ko. Isasama ko si itay at ipapatikim ko sa kanya kung gaano ka ganda ang buhay sa labas ng mapait na digmaan na ito.

Pero ang lahat ng to ay imahinasyon ko lang. Tumatakbong kasama sila ay imahinasyon ko lang, diba ang pait lang ng buhay buhay ko?

Hanggang pangarap at pag-iimahinasyon sa mga bagay na imposible ay ang pinaka malaking salang nagawa ko.

Napa balik ako sa kasalukoyan dahil sa isang malakas na suntok sa mukha. Oo, sa mukha! Mga walangyah talaga sila! Pwede namang sa katawan ah, bat sa mukha ko pa talaga. Dahil sa inis, pinutol ko ang ulo ng sumuntok sa akin. Sinipa ko pa ang katawan niya para mahulog sa bukasan ng lupa, para masunog sa walang hangang init ng apoy sa baba.

Nakita ko si Sheena sa di kalayun, mukhang sa mga oras na ito, parang di ko maisip na isa pala siyang prinsesa. Ang kinulayan niyang buhok ay nagkaruon na ng ibang kulay dahil sa mga dugo ng mga Zimbroo. Mga damit niyang bagong bili galing sa mundong ito ay parang naging basahan dahil sa dumi nito. Ang pangit niya na ngayon.

Ehh ano nalang kaya ako ngayon? para na akong si Alfonso, yung baliw sa kaharian namin nuon. UHGG!

Ang planong naisip ko ay gumana. Lahat ng mga bayal, Zimbroo, at iba pang mga sugo ng kadiliman ay nasa bundok kung saan nagsimula ang lahat. Nakikita ko na ang pagliit ng bilang nila dahil pinagitnaan ng mga tagalangit ang kalahatan nila. Nasa taas parin ang dalawang diyos at di pa tapos sa away nila.

Nakakainis nga dahil parang isang oras ko lang naka harap sa labanan ang panginoong itim. Na ngangati na ang mga kamay ko para labanan siya ulit. Gusto ko ng taposin ang lahat ng ito dahil sa kutob na may mangyayaring masama dahil sa naisip kong posibilidad sa mga salita ni Eliesa nuon.

Di ko pa talaga alam kung ano ang dapat kong pipiliin, sasama ba ako sa langit o magpapatuloy nalang sa misyon. Pero sa kaisipang may mga tanong akong gustong masagutan ay parang hinihila ako ng unang pagpilian.

Sword Seeker #1 (God's Child) COMPLETE!!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz