Chapter 3: The Secret Stalker 2

37.5K 1K 7
                                    


"Louis POV"

Grabe sobrang natatakot ako ngayon dahil sa may sumusunod sakin buti naka-isip ako ng paraan para matakasan sya.

Nagmadali akong maglakad ,at nagkaroon ako ng time para takasan sya.. Nagtago ako sa mga kotseng nakaparada dito sa paking lot ng school. At mukhang nagtagumpay naman ako dahil wala na ang sumusunod sakin kanina.

Lumabas ako kung saan ako nagtatago ng may biglang humawak sa braso ko.. Paglingon ko yung lalaking sumusunod sakin. Pinilit kong kumawala sa hawak nya sakin pero hindi ko magawa dahil malakas sya.

"Bitawan mo ako" Malambing na sabi ko at nag-puppy eyes.. Please gumana ka ngayon

"Wag mo akong idaan jan sa pag-papacute mo" inis na sabi nya

"Ano bang problema mo? At sino ka?" Galit na sabi ko

Hindi nya ako sinagot at bigla na lang akong hinila sa kung saan man pero dito parin naman sa school.

"Hoy Mr.Who you are!! Saan mo ako dadalhin" pagkasabi ko,huminto sya at humarap sakin. Ang akala ko sasagutin nya ang tanong ko pero ang ginawa nya ay ngumiti lang

"Hoy hindi ako nakikipagbiruan san mo nga ak—" hindi ko na natapoa ang sasabihin ko ng makita ko ang sobrang gandang garden dito sa school hindi ko alam to ah.

"Wow" pabulong na sabi ko

Tinignan ko yung lalaking hinatak ako papunta dito nakatitig lang sya sakin. Pero nung tumingin ako sakanya bigla nyang iniwas ang tingin nya sakin.

"Hoy ano bang problema mo at dinala mo ako dito?" Tanong ko

"Wala lang gusto lang kitang pagtripan" sabay tawa nya ng mahina at nakatingin parin somewhere. Pero anong sabi nya 'Gusto lang akong pagtripan'

"Excuse me,wala ako sa mood makibiruan sayo" Tumalikod na ako at akmang aalis na, nang biglang hawakan nanaman nya ang braso.

"At bakit nanaman?" Tanong ko na nakataas ang kilay sakanya.

Bigla naman syang tumawa "Aalis ka? Hindi jan ang daan" tinuro nya sakin ang daanan palabas.. Hay naku Louis anong nangyayari sayo.

"Ano ka ba naman mali ang dadaanan mo,siguro nahumaling ka sa kapogian ko no" sabay taas baba pa ng kilay nya sakin.. Hindi ko naman maitatangi na gwapo sya, pero ang yabang

"Hahaha excuse me lang ha. Ikaw gwapo saan banda? Makaalis na nga sobrang hangin eh" hinila ko na ang braso ko at umalis na.

********************

"Miguel's POV"

Papunta na sana ako sa kotse ko nang may nakita akong anino sa likod ng isang kotse at alam kong si Louis yun kaya nung paglabas nya kung saan sya nagtatago bigla kong hinawakan ang braso nya. At pagharap nya sakin,nagulat ako sobrang ganda nya. Ang ganda ng brown eyes nya,ang kinis ng balat nya,bagay na bagay sakanya yung buhok nyang blonde at straight pa ito.

Sobrang ingay nya kaya hinila ko sya secret garden dito sa school na nirequest ko kila mom na palagyan nito at ako lang ang makakapunta dito.

Pagkadating namin dito sa secret garden bigla na lang syang natahimik at nagsabi pa ng 'Wow' kahit pabulong lang yun ay narinig ko parin at nakatitig lang ako sa napaka-ganda nyang mukha.

Nabigla akong humarap sya sakin kaya napa-iwas ako ng tingin sakanya. Nagsalita lang sya, tumalikod din kasi naasar na pero bago sya maglakad palayo.

Hinawakan ko nanaman ang braso nya dahil mali ang dadaan nya hindi naman dun ang daan palabas ng garden eh. Kaya tinuro ko sakanya at inasar sya bago sya umalis na naiinis pa.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora