Chapter 8: First Kiss

26.4K 719 50
                                    


"Miguel POV"

Nakauwi rin si Louis kahapon ng gabi. Pinuntahan siya doon ng kuya niya,kaya siya na ang naguwi kay Louis.

*Flashback*

"Shhhhh... Dont cry" niyakap ko siya ng mahigpit at lalo lng siyang umiyak. Hinayaan ko lang siya umiiyak para mailabas niya ang hinanakit niya.

"Ehem" nagulat ako nandyan na pala si Yelena. Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Louis at kinuha ang pagkain na hawak niya para maayos na ito.

"Ate louis ayos ka na ba? Ano patayin ko na ba yung Three Bitches na mga yun?" Naiinis na sabi ni Yelana.

"W-wag na,pabayaan mo na sila" pahikbi na sagot ni Louis at pinunasan ang luha niya. Kahit kailan talaga si Louis,inaapi na siya ganyan parin siya ang bait parin niya.

"Eh pero ate" naiirita na si Yelena alam kong gusto na makapatay nito.

"Hayaan mo na" kinuha niya ang phone niya at may tinawagan.

"Hello kuya"kuya niya lang pala ang tinawagan niya

"K-kuya pumunta ka dito sa Grace Hospital malapit sa school namin. Please" sabi ni Louis at umiyak nanaman siya at binaba na ang phone niya.

Pagkatapos niyang tawagan ang kuya niya binigyan ko na siya ng pagkain at kumain na siya. Maya-maya lang ay may nagbukas ng pinto pumasok yung lalaki dumiretso ito sa kama ni Louis at niyakap ito.

"K-kuya buti dumating ka" naiiyak nanaman siya

"Ano ba kasing nangyari baby girl?"

" Wala po kuya nahimatay lang po ako kanina" pagsisinungaling niya,bakit kailangan niyang magsinungaling?

"Magsabi ka ng totoo"

"K-kasi kuya wag ka magalit sakin please hindi ko naman sinasadya na mangyari 'yun. Nadala lang naman ako ng galit at lungkot." Umiiyak na sabi niya. Tapos sinabi niya na sa kuya niya ang nangyari. Nagpasalamat na samin ang kuya ni Louis at sinabihan na rin ng doktor na pwede na siyang umalis at wag masyadong magpapagod.

*End of Flashback"

Nagmamaneho ako ngayon papunta sa school ng makita ko si Louis papunta na siya sa school.

"Louis tara sabay ka na sakin" nakangiting sabi ko habang nakatigil sa gilid ng kalsada.

"Wag na ayos lang malapit naman na yung school. Thank you nalang. Thank you din pala kahapon" tapos umalis na siya. Sinundan ko lang siya,huminto ako sa harap niya at lumabas ng kotse tapos hinila siya papasok ng kotse ko. Hindi na siya makapalag malakas ako.

Nakapunta na kami sa school pinagtitinginan nanaman kami ng mga estudyante. Nakapunta na kami sa classroom namin nakatingin parin sila samin ano bang problema.

*****

"Ok class dismiss" yan ang favorite line ko sa mga dean namin. Break time na namin.

"Ate,Kuya sabay-sabay na tayong kumain" natutuwang sabi ni Yelena.

"Sige, pero mauna na kayo ni Miguel pupunta lang ako sa locker ko" lumabas na si Louis at naisipan kong sundan siya.

"Ahm Baby Yelena,mauna ka na sa canteen susunod ako may pupuntahan lang ako" lumabas na ako at nakita ko si Yelena na naka-pout. Sinundan ko na si Louis sa locker niya,nagtago lang ako sa hindi niya makikita. Sinarado niya na ang locker niya at paalis na sana,bigla na lang akong lumabas kung saan ako nagtatago at tinulak siya sa mga locker kaya napasandal siya doon.

"Anong ginagawa mo dito Miguel?"hindi ako sumagot at hinawakan ang magkabilang braso niya. Tinitigan ko lang ang mga mata niya.

"Akala ko ba nauna na kayo? Tara na nga nagugutom na ak--" bigla ko na lang siyang hinalikan. Dama ko ang mga labi niyang malalambot at mapula sa labi ko. Kumawala na ako sa pagkakahalik ko sakanya at tinignan siya.

*SLAPPPP*

Bigla na lang niya akong sinampal,well deserve ko naman yun.

"Ano bang ginagawa mo? Alam mo bang first kiss ko yun" naiiyak na sabi niya.

"Gusto ko kapag may kumuha ng first kiss ko yung mahal ako at mahal ko. Bakit mo kinuha ng ganun-ganun lang" umiiyak na siya. Magsasalita na sana ako pero tumakbo na siya,pinilit kong mahabol siya pero hindi ko na siya nahabol. Hindi naman yun yung first time na makiss ko siya. Nung nasa hospital kahapon.

******

"Louis POV"

Nakuha na ang first kiss ko. Wala na nakuha na. Bwiset ka Miguel. Nakakainis siya bigla niya na lng akong hinalikan. Grrrrr*---*

Tumakbo na lang ako palabas ng building namin at pumunta sa gymnasium sa school wala namang tao dito.

"Arghhhhh nakakainis ka Miguel. Nakakainis ka, nakakainis" sobrang nagugutom na ako kaya naiisipan ko na lang na pumunta ng canteen kahit ayaw kong makita si Miguel.

Nandito na ako sa canteen nagtatago lang ako kila Yelena.

"ATE LOUIS" kakasabi ko pa lang. Lumingon na lang ako kay Yelena palapit siya sakin.

"Ate bakit ang tagal mo naman sa locker mo?"

"W-wla may ginawa lang ako dun"

"Tara na ate kain na tayo"

"Bibibili muna ako ng pagkain ko,mauna ka na" palusot ko

"Hindi na ate wag na binili ka na ni kuya ng food mo" ako bibilihan niya ng pagkain ano to suhol pagkatapos niyang gawin 'yun sakin. First kiss ko yun eh. Nagulat na lang ako ng pinaupi na ako ni Yelena,nakarating na kami sa table namin at ang daming pagkain akin ba lahat to. May fries,coke float,burger,spaghetti.

"Akin ba lahat to? Ang dami hindi ko mauubos yan"tumingin ako kay Yelena

"Oo sayo lahat yan. Magpakabusog ka" tapos umalis na siya ano yun lang yun pagkatapos niyang kunin yung first kiss ko. Grrrr nakakainis


A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now