Chapter 25: Sick

15.6K 445 3
                                    


Louis POV

Simula nung manalo kami sa coocking competition ni Miguel lagi na siyang nandito sa bahay. Lagi niyang dahilan dinadalaw lang daw niya si Dianna pero inaasar naman ako dahil sa pagtawag niya sakin ng 'HON' ang corny niya nakakaasar. Talagang tinotoo niya,may endearment pang nalalaman.

Nandito kami ngayon sa mall kaming tatlo lang nila Dianna kasama si Miguel. Nagyaya kasi si Miguel kanina tapos eto namang si Dianna pumayag hindi sana ako sasama pero pinilit ako ni Dianna hindi ko naman matanggihan.

"Mommy look that dress oh" sabay turo niya sa dress sa loob ng isang botique. Karga ko siya ngayon habang si Miguel eto pisil ng pisil sa pisngi ni Dianna.

"That's cute baby. Pang mommy atsaka pang baby. Parehas pa ng design"

"Pwede bilhin po natin para parehas tayo?"

"Hep hindi pwede. Paano naman si Daddy" singit naman ni Miguel at kinuha sakin si Dianna. Hindi sinasadya na napadikit sa braso ko yung leeg niya maiinit siya.

"Miguel may sakit ka ba?" Tanong ko sakanya at kinapa ulit yung leeg niya pati noo niya. Mainit nga siya

"Wala ah. Tara na maghahanap ako ng damit para sating tatlo na pare-parehas" medyo namumutla si Miguel ngayon ko lang napansin na namumutla siya. Hala baka may sakit siya.

Sinundan ko lang sila ni Dianna kung san sila pupunta. Pumunta sila sa family section dito sa department store. May tinitignan si Miguel na t-shirts tapos sinusukat niya samin ni Dianna.

"Hon anong maganda dito sa dalawa" sabi niya sabay taas ng dalawang damit. Ung isa captain america yung style tapos ung isa naman may nakalagay na King tapos crown.

"Tigilan mo na nga yang hon na yan. Mas maganda yung King" sabi ko sabay irap. Kumuha siya ng dalawang t-shirt tapos sinukat niya samin ni Dianna.

"Ok na to. Tara bayaran na natin" hawak niya parin yung damit kaya hindi ko nakita yung design. Nung nabayaran niya na pumunta kami ng cr kasi sabi niya isuot na daw namin pati din siya susuotin niya na din daw.

Nung sinuot namin ni Dianna yung damit ang nakalagay sa damit ko Queen tapos kay Dianna naman Princess. Tapos kagaya nung kay Miguel may crown din. Lumabas na kami at nakita namin si Miguel na nakasandal sa pader.

"Daddy" sigaw ni Dianna patakbo kay Miguel.

"Baby Dianna bagay sayo yung damit. Pati din sayo hon" sabay tingin sakin.

"Tara na hon mamasyal muna tayo dito tapos uuwi na tayo" sabi niya at hinawakan ang kamay ko habang karga niya si Dianna. Pagkahawak niya sa kamay ko ang initng kamay niya.

"Hoy Miguel may sakit ka ba? Magsabi ka nga para makauwi na tayo"

"Wala nga ito. Wag mo na akong intindihin basta bonding muna tayo"

"Daddy ang init mo" sabi ni Dianna habang kinakapa yung leeg ni Miguel.

"Dont worry baby im fin--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalitana ako.

"Miguel bakit ba ang kulit mo. Tara na uuwi na tayo. Ako na ang magmamaneho" hinili ko na lang siya papunta sa parking.

Pagdating namin sa parkinh sabi niya siya na daw ang magmamaneho pero nagpumilit ako na kaya ako ang nasunod umupo lang siya sa passengers seat si Dianna nasa back seat. Nagmaneho lang ako pero tingin ako ng tingin kay Miguel dahil nanginginig siya sa lamig. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng isang drug store at bumili ng paracetamol then botteled water. Pagbalik ko sa kotse nakita kong tulog si Miguel.

"Miguel wake up. Uminom ka muna ng gamot tapos iuuwi na kita" agad naman siyang nagisng kaya inabot ko na sakanya yung gamot then ininum niya agad. Ako naman nagmaneho ulit. Binilisan ko na nga magmaneho para makapagpahinga na si Miguel.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now