Chapter 55: LQ

12.1K 300 52
                                    


Louis POV

Nagb-breakfast ako ngayon with family. May pasok ako ngayon kaya minamadali ko ang pagkain ko. Buti nalang at nauna ang time ni Dianna kaya wala na siya dito aa bahay nauna na siya sa school.

"Good morning po tita, tito" sabi ni Miguel ng makapasok siya sa kusina. Ang aga naman nito.

"Good morning hijo" sabi ni daddy

"Good morning Miguel. Tara hijo mag-breakfast ka muna" sabi ni Mommy

"Wag na po, kumain na po ako sa bahay, susunduin ko lang po sana si Louis"

"Ah ganun ba. Anak bilisan mo na at nandyan na ang sundo"

"Opo mommy eto na nga po oh nagmamadali ng kumain" sabi ko habang subo ng subo. Pagtapos kong kumain ininum ko agad ang gatas ko at nag-tooth brush.

Paglabas ko nandoon na si Miguel naka-harap sa kotse niya at may kausap. Kakalabitin ko sana siya pero may narinig akong sinabi niya na nakapagpa-galit saakin.

"Yes baby Mica susunduin kita... I love you and i miss you"

Binaba niya ang tawag at saka humarap sa likod niya. Ngayon niya lang akong napansin masyado kasing busy sa Mica niya.

"H-hon kanina k-ka pa?" Nauutal na sabi ni Miguel

"Hindi naman. Pero narinig ko lang naman yung 'yes baby Mica susunduin kita at i love and i miss you'. Yan lang naman mga narinig ko"

"Let me ex--"

"I don't need your explanation. Mauna ka na sa school may pupuntahan lang ako" umalis ako at pumunta sa garahe para kunin ang kotse ko. Ayoko sumabay sakanya baka marinig ko ulit ang 'i love you and i miss you' niya kay Mica.

Medyo maaga pa para sa first class ko. Mamaya na ako papasok kailangan ki ng hangin. Nagagalit ako kay Miguel. Hindi pa kami nakakatagal niloloko niya na ako paano pa kaya kung matagal na kami. Sino kaya yung Mica na yun may baby-baby pang nalalaman. May HON na siya may BABY pa ibang klase.

Pinaharurot ko ang kotse ko ng makalabas ako ng garahe. Napansin ko sa rear view mirror ko na sinusundan ako ni Miguel. Kay lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko. Wala na akong pakialam kung may mabunggo ako basta ang gusto ko ay makalayo kay Miguel.

Manloloko! Two timer!

Medyo malayo-layo na yung nalakbay ko hindi ko na ito napansin dahil naka-focus lang ako sa daanan. Napansin kong nasa tabing dagat na lang naka-park ang kotse ko. Pinagmasdan ko ang lugar at sobrang ganda dito. Bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko. Pinunasan ko ito pero ayaw mawala ng mga luha ko patuloy lang ito sa pagpatak. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial ng number. Kailangan ko ng makakausap. Hindi ko na alam kung sino ang tinawagan ko.

Nakakatatlong ring palang ng may sumagot na.

[Hello Mica papunta na akong airport. Wait lang sorry may ginawa lang ako.]

Sabi ng nasa kabilang linya si Miguel pala ang natawagan ko. Hindi ko pinatay ang tawag at pinakinggan ko lang ang mga sinasabi niya. Kinagat ki ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-hikbi ko.

[Hey baby, are you there? Nasaan ka ba? Hintayin mo ako sa airport malapit na ako]

Mas inuna niya pa talaga ang Mica na yun bago sakanya. Sino ba yung babaeng 'yun?

[Hello baby. Are you still there? Hello kausapin mo ako]

"S-sorry pero hindi 'to si Mica" sabi ko na medyo naghahabol pa ng hininga

[L-louis?]

"Yeah ako nga. Sorry kung tinawagan kita. Sige ingat ka papunta sa baby mo"

[Louis, let me expl--]

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil puro kasinungalingan lang naman niya ang maririnig ko.

Nagpalipas ako dito hanggang gabi hindi na ako nakapasok dahil sakanya. Nakatulala lang ako sa dagat habang naka-upo sa buhangin ng mag-ring ang phone ko na nasa bulsa ko.

Kinuha ko 'to at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko ang pangalan ni Mommy sa screen ng cellphone ko agad ko naman itong sinagot.

[Hello anak. Nasaan ka ba? Gabi na kanina pa kami nag-aalala sayo. Hindi ka din daw pumasok kanina? Nasaan ka ba?]

Sunod-sunod na tanong ni mommg sa kabilang linya. Huminga ako ng malalim at tinignan muna ang wrist watch ko. Gabi na pala mukhang napatagal ako dito.

"Don't worry mom, i'm fine. Pauwi na ako"

[Sige mag-ingat ka. Hihintayin ka namin ng daddy mo. Mag-usap tayo]

"Ok po. Bye mommy i love you"

Tumayo na ako at pumunta sa kotse ko. Nagmaneho na ako pa-uwi at pagdating ko sa bahay naabutan ko sila mommy sa sala mukhang hinihintay ako. Magmama-daling araw na ng makauwi ako malayo-layo rin pala ang narating ko. Ngayon ko lang napansin na hindi pa ako kumakain ng lunch at dinner. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom.

"Mom,Dad"

"Anak" " Princess" sabay na sabi nila mommy at lumapit saakin para yakapin ako.

"Saan ka ba galing?"

"Mom pwede mamaya na lang po kayo magtanong? Kasi po nagugutom na ako wala pa po akong kinakain simula kaninang lunch pati ngayong dinner"

"Kumain ka muna" sabi ni Daddy at inaayos ang hapag-kainan para makakain na ako. Tulog na kasi si Manang.

Grabe pala ang impact saakin ng LQ namin ngayon. Hindi pa nga kami nagtatagal ganito agad. Hay!

Pagtapos kong kumain pumunta kami nila mommy sa sala para makapag-usap.

"Anak what happened? Late ka ng umuwi ng bahay tapos hindi ka pumasok kanina sa school. Saan ka ba galing? Nagaalala kami sayo kahit ang kuya mo nagaalala sayo"

"Mom, i'm sorry. Sorry kung pinag-alala ko kayo"

"Anong bang nangyare sayo, Princess?" Tanong ni Daddy

Kinuwento ko sakanila ang nangyare simula hanggang huli wala akong iniwan kahit anong detalye.

"Napakinggan mo na ba ang explanation niya?" Tanong ni mommy

"For what pa po? Puro kasinungalingan lang naman ang sasabihin niya"

"Paano mo naman nasabi na puro kasinungalingan lang ang sinasabi niya kung hindi mo pinakinggan ang side niya" sabi ni daddy.

Daddy is right, hindi ko muna kasi pinakinggan ang explanation niya bago ako nagdrama. Nilamon nanaman ako ng selos.

"Anak, huwag mong hayaan na lamunin ka ng selos. Tignan mo nangyare nagpadala ka sa selos mo ayan nag-away kayo at hindi mo manlang narinig ang paliwanag niya. Dapat sa relasyon pakinggan niya ang side ng isa't-isa para magkaintindihan kayo at para mas maging matatag kayo. Listen to his explanation anak. Kung hindi naman kapani-paniwala ang reason niya then kausapin mo kami. Kami ng daddy mo ang bahala para magka-ayos kayo. Nandito lang kami para sayo. Basta ang advice namin ng daddy mo. Listen his side and his explanation nang magkalinawan kayo" mahabang sabi ni Mommy

Swerte ko dahil may ganito akong parents.

"Thank you mom" sabi ko kay mommy at humalik sa pisngi niya.

"Thank you too daddy" at hinalikan dkn siya sa pisngi.

"Good night princess" sabi ni Daddy ay naglakad na sila ni mommy paakyat sa kwarto nila.

Tama sila mommy dapat pinakinggan ko muna ang explanation niya. Kakausapin ko na siya bukas. Para maayos nanamin ito.


A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now