Chapter 46: Kalimutan ang isa't-isa

13.4K 344 20
                                    

Louis POV

After one month.......

After one month ng paghihirap ko sa Hong Kong. Buti at naka-survive ako sa kamatayan ko. Near death experience.

Pauwi na kami ng Pilipinas ngayon. Na-miss ko din ang nature sa Pilipinas.

Si Miguel nauna na siyang umuwi ng Pilipinas pagka-gising ko nung nasa hospital pa ako agad na din siyang nagpaalam saakin.

Pero bago siya umalis may bad news siyang sinabi saakin.

"Louis nakalaya kasi sila"

Tinanong ko kung bakit sila nakalaya sabi binyaran daw yung pulis para palayain sila pati daw yung judge para sa hearing bayad din. Ang sama nila pagkatapos nila akong patayin tapos lalaya lang sila.

Ayokong gumanti kahit yung lang ang solusyon para naman matahimik na sila kaso nga lang hindi tinuro saakin ni mommy at daddy yun. Hahayaan ko na lang na bumalik sakanila lahat ng ginawa nila saakin. Maka-karma din sila. Coming soon wait lang kayo.

"Anak nandito na tayo" sabi sakin ni Mommy habang inaayos ang gamit niya paramakababa na kami ng eroplano.

Tumango lang ako at nag-ayos na din ng gamit namin ni Dianna. Si Dianna kasi na'kay daddy natutulog.

Matapos kaming mag-ayos bumaba na kami. Pagbaba ko ng eroplano agad na sumalunong saakin ang preskong hangin napapikit na lang ako at dinamdam ang hangin.

"Na-miss ng anak ko ang Pilipinas" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Mommy.

"Syempre naman mommy dito na ako lumaki. Kahit two months lang naman ang nakalipas simula nung umalis tayo miss ko na din to"

"Philippines ba talaga na-miss mo?" Mapang-asar na tanong ni Daddy na bigla-bigla na lang sisingit aa usapan namin ni Mommy.

"Daddy naman eh"

Nagtawanan lang kami habang hinihintay si Kuya Luigi.

Habang naghihintay kami sa waiting area ng airport napapatingin ako sa mga tao. Bakit parang ang daming umaalis at umuuwi ng bansa ngayon?

Ayyy oo nga pala pasko na. I mean malapit na ang pasko. Two weeks na lang. Ganun ba ako katagal nawala?

Kaya pala ang lamig ng hangin kahit tirik na tirik ang araw.

Christmas Season

Sana naman ngayon masaya na ang maging pasko ko. Hindi naman sa sinasabi ko na hindu masaya ang naging pasko ko nung last year ang ibig ko lang sabihin ay mas sumaya sana ngayon.

Gusto ko kasama ko siya ngayong pasko pero hindi na yata mangyayari yun kasi syempre kasama niya yung fiance niya. Pero umaasa parin ako na sana kasama ko siya.

"Baby let's go" napapitlag ako sa biglang pagsasalita ni mommy.

Ang lalim ng iniisip ah!

Tumayi na ako at sumunod kay mommy kung saan yung van.

Pagdating namin sa bahay agad akong sinalubong ni manang Noeime. Pati narin ang aso ko na si Misha. Namiss ko 'to.

"Anak pumunta ka ng school bukas may pasok pa kayo pero huwag ka na muna pumasok magpakita ka lang sa school para alam na ng mga teacher mo na nakauwi ka na. Hindi maasikaso ng kuya mo" sabi sakin ni daddy

"Yes dad. Akyat lang po ako" sabi ko at umakyat na habang karga si Dianna.

*Kinabukasan*

Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Ngayon pala ang punta ko sa school.

Dumiretso na ako sa cr at ginawa ang routine ko. Bet ko mag-uniform pupunta naman ako doon bakit hindi na lang ako pumasok.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon