Chapter 4: The Secret Garden

35.9K 948 11
                                    

"Louis POV"

Ughhhhh.... Nakakaasar,nakakainis. Sino ba kasi yung lalaking yun. Nakakainis sya sobra bigla ba naman akong hilahin eh hindi ko nga sya kilala.

Pero infairness ah maganda pala yung garden dun sa school namin. Makwento nga minsan kay Yelena para mapuntahan namin. Alam ko pa naman kung saan ang daan papunta dun eh.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko,nakahiga lang sa kama ko at wala akong magawa. Iniisip ko parin kung sino yung lalaki na yun pero pogi ah.. Ahahahaha

Habang nakahiga ako naisip ko na mag-online sa fb accout ko. Pag-open ko may nakita akong nag-friend request sakin. 'Miguel Morales added you as a friend'

Miguel Morales?? Ahh sya pala yung nangungulit sakin sa chat.. Accept ko ba nor ignore?? Bigla na lang gumalaw ang daliri ko at naclick ang accept kaya yan.... Friends na kami sa fb eh hindi ko naman to kilala. Haystttt *______*

*********

"Miguel's POV"

Hahahahahaha hindi parin ako maka-move on sa itsura nya kanina nung nagkamali sya ng daan.

Habang todo ako sa pagtawa dito,biglang tumunog ang notification ko sa fb.. At nakita ko na 'LOUIS KRISHA LEE is now accepted your friend request' nahinto na lang ako bigla sa pagtawa ng mabasa ko yan.. Sobrang saya ko hindi ko alam kung bakit.. At the same time nakaramdam ako ng antok agad akong humiga sa kama ko at natulog ng masaya...

**********

"Louis POV"

Excited na ako bukas na ikwento lahat ng nangyari kanina kay Yelena for sure matutuwa yun kasi may bago na kaming tambayan.

Habang nagfa-facebook ako may biglang sumagi sa isip ko....

Alam kaya ni kuya ang tungkol sa garden sa school,kasi dun sya nagaral dati as i remember... I ask him nalang tomorrow. Inaantok na ako.

*Kinabukasan*

It's already 4:50 in the morning pero nagising na ako para magayos na.. Pagkabangon ko dumeretso ako sa CR para maligo at magayos ng sarili ko.. Pagkatapos maayos ng lahat bumaba na ako. Then nakita ko si kuya na kumakain na.

"Good morning baby louis." bati sakin ni kuya habang ngumunguya pa.

"Good morning din kuya." I kiss him on his cheek.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng nagtanong ako kay kuya.

"Ahmmm kuya. Diba dun ka nagaral sa Darwin Academy dati?" Tanong ko habang nakatingin sa pagkain.

"Yes baby,bakit?" Tumingin sya sakin ng saglit at bumalik ulit sa pagkain.

"Kasi kuya magtatanong lang ako. Alam mo bang may garden dun sa school na iyon?"

Biglang nabilaukan si kuya sa tanong ko. Anong meron dun?  "Ahh yun ba baby louis yung tungkol sa garden. Oo alam ko yun,pero bakit mo alam? Nakapasok ka na ba doon?"

"Opo kuya,sobrang ganda doon at ang daming paru-paro" sabi ko na may halong pagtataka. Bigla naman nanlaki ang mata ni kuya sa sinabi ko at biglang tumayo palapit sakin. Anong masama sa sinabi ko?

"Ano baby may sugat ka ba,may pasa,may masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong ni kuya pero hindi ko sya maintindihan.

"Kuya bakit ganyan ka maka-react? Ano po bang meron dun?" Binitawan na ako kuya at bumalik sa kanyang upuan.

"Kasi baby pano ka nakapasok dun? Walang sinuman ang nakakapasok pa doon sa garden na yun atsaka napansin mo bang tago ang garden na iyon?" Oo nga tago ang garden na yun ano bang meron dun.

"Kuya please sabihin mo na ano ba kasing problema dun sa garden na iyon?"

"Kasi baby louis ganito 'yon.. Ang garden na 'yon ay tinatawag na Secret Garden dahil walang nakakaalam ng garden na iyon maliban sa X-Black. Ang X-Black ang nagpatayo ng Secret Garden nilagay nila ito sa hindi masyadong mapapansin ng mga estudyante sa university. At kung sino man ang magtangkang pumasok doon ay bubugbugin ng X-Black" ah alam ko na kung bakit ganun makareact si kuya.

"Pero kuya ano yung X-Black na yun? Ano dance troop ba yon?"

"Baby hindi mo pa ba alam ang tungkol sakanila? Ang X-Black ay isang grupo ng gangster sa university kung saan ka nagaaral. Binubuo sila ng limang miyembro. Si Miguel Morales ang leader ng grupo, Si Hunter Gonzales ang cassanova sa grupo, Si Aqualyne Go ang pinaka kuya sakanilang lahat, Si Janwin Ocampo ang siga sa grupo, at ang pinaka huli ay si Lanzar  Ferrer,ang pinaka-cute sakanilang lahat,parang bata pero kapag nagalit yan hindi ka na sisikatan ng araw." Teka sinabi ba ni kuya na MIGUEL?

"Kuya sinabi mo ba yung pangalang Miguel as in Miguel Morales?" Gulat na tanong ko kay kuya.

"Oo baby louis sya ang leader ng gang nila ang X-Black,bakit parang gulat na gulat naman ang baby ko?"

"Ahh... Ehhh... Wala kuya. Sige po una na ako. Bye po" i kiss him on his cheek tsaka lumabas ng bahay

Pagkadating ko sa room nakita ko si Yelena sa upuan nya nata-tingin lang sa malayo. Tumabi na ako sakanya hindi niya yata ako napansin kaya....

" Ohy Yelena" sabay biglang hawak ko sa braso nya

"Ay kalabaw"  may gulat effect pa nya yan

"Bakit ka ba kasi nakatulala? Eh hindi mo nga ako napansin na tumabi na sayo"

"A..a.. Ate i..kaw pala"  nauutal na sabi niya

"Ano bang nangyayari sayo ha?" Nagaalalang tanong ko.

"Wala to ate. Gutom lang ako" pilit nyang ngiti sakin

"Ay naku tara sa canteen kumain ka muna maaga pa naman" she nodded kaya tumayo na ako at tumayo na din sya

"Ate anong kakainin nat---" hindi nya na natuloy ang  sasabihin nya ng bigla na lang syang mahimatay. Dinala ko sya sa clinic.

Sabi ng nurse pagod,puyat at gutom lang daw. Hay pasaway na bata pinapabayaan sarili niya.

Pagkagising nya nagkwentuhan lang kami ng konti at bigla na lang akong nasabi sakanya

"Ahmm Yelena maiba tayo, gusto mo sumama sakin mamaya para naman mabawasan yang pagod mo"  masayang sabi ko

"Saan naman ate?" Nagtatakang tanong nya.

"Sa secret garden, sobrang ganda dun promise" masayang sabi ko at nag-promise sign pa

Biglang nanlaki ang mata nya sa sinabi ko "Ate dun tayo sa secret garden? Pano ka nakapasok dun? Bawal dun ah. Ate may masakit ba sayo may nangyari bang masama sayo" nagaalalang sabi niya.

Hindi na ako matataka kung bakit ganun ang reaksyon nya tungkol sa secret garden pati nga si kuya ganyan reaksyon. "Yelena ano ka ba ayos lang ako,wag kang magalala sakin. Kaya ako nakapasok dun. Kasi pauwi na sana ako kahapon ng may maramdaman akong sumusunod sakin sa parking lot,kaya wala akong maisip na dahilan para makatakas sakanya kaya nagmadali ako ng lakad ko ng maka-chamba nagtago ako sa likod ng mga kotse nung naramdaman kong wala na ang presence nya kaya lumabas na ako kung saan ako nagtago pero bigla nya na lang akong hinila sa kung saan man dito sa school ng makarating kami kung saan nya ako dinala dun na ako na-amaze,nawala yung galit ko sakanya dahil sobrang ganda dun sa secret garden"

"Pero ate sino yung lalaking nanghila sayo dun?"

"Hindi ko na natanong sa sobrang ganda ng garden"

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now