Chapter 15: Poster

18.8K 527 9
                                    

Louis POV

Ano bang nangyayare sa buhay ko simula nung malipat ako sa school na 'yun at makilala si Miguel?

Siya lang naman ang alam kong dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sakin.

Kesho malandi daw ako,nilandi ko daw si Miguel. Kung alam lang nila na si Miguel ang unang lumapit sakin.

"Baby Louis ayos ka lang ba?" halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Kuya.

"O-opo kuya" nauutal na sabi ko dahil hindi parin ako maka get over sa gulat ko.

"Sigurado ka ba? Bakit umiiyak ang baby namin?"biglang singit naman ni Mommy na papunta sa kama katabi si Kuya.

"Ako M-mommy umiiyak? Wala po kaya" sabay pahid sa mga mukha ko na lumuluha nga at sabay ngiti sakanilang dalawa. Buti wala dito sa kwarto si Daddy kasi kung nandito siya baka mapatay niya ang kung sino man ang nagpaiyak sakin.

"Ikaw Baby Louis ah wag mo kami lolokohin ni Mom alam namin na may problema ka" sambit ni kuya na halatang nagaalala.

"W-wala nga po. Sige na labas na po kayo at magaayos na ako dahil may pasok pa ang baby niyo" sabi ko at pinagtutulakan sila sa labas ng kwarto ko.

"Sige bilisan mo at ihahatid kita"sabi ni Kuya at bumaba na kasama si Mommy agad ko naman sinarado ang pinto at humagulgol na dahil kanina ko pa pinipigilan ang aking pagiyak.

Nang dahil kay Miguel nagkandaletse-letse ang buhay kong tahimik.

Nakaligo at nakakain ako ng wala sa sarili dahil kakaisip sa mga nangyari sakin nung mga nakaraamg araw at kahapon.

"Baby Louis andito na tayo" sabi ni kuya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse. Sa sobrang lutang ng isip ko hindi ko na namalayan na nandito na kami sa school.

Bumaba na ako at nagpaalam na kay Kuya. Pagkapasok ko palang ng gate ng school lahat ng estudyante nakatingin sakin. Well ano pa bang aasahan ko? Lagi naman silang ganyan.

Habang naglalakad ako papunta sa room nakarinig ako ng bulungan ng mga babae sa gilid ko pakiramdam ko dalawa lang sila.

"Beshie diba siya yung nasa poster?"sabi nung isa na para bang naninigurado na ako talaga yung nasa poster na sinasabi nila. Anong poster?

"Oo nga beshie totoo nga yung sinasabi sa buong Campus na malandi siya" sabi nung isa na mukhang clown na sa sobrang kapal ng make-up.

Hindi ako nakatiis at lumapit na sakanila. Ayoko talaga na sinasabihan akong malandi. Habang papalapit ako bigla namang napatakip yung babae na unang nagsalita sakanila kanina yung nagsabi tungkol sa poster 'daw'

"Hi girls. Sinabi niyo bang malandi ako?"nakangiting bati ko sakanila

"Oo bakit totoo naman diba na MALANDI KA" at talagang pinagdiinan niya pa ang huli niyang sinabi. Nakakapikon na sila. My hand turn into fist sa sobrang inis ko. Kinagat ko ng kaunti ang labi ko para makapag-pigil.

"Ah ganun ba. Tandaan niyo to HINDI AKO SALAMIN PARA MAKITA NIYO ANG SARILI NIYO SAAKIN. PWEDE BA TIGILAN NIYO NA ANG PAGPAPANGGAP NA HINDI MAARTE DAHIL SA ITSURA NIYO PA LANG HALATA NA SOBRANG LANDI NIYO" sabay hawak ko sa mukha nung may makapal na make-up pero hinawi niya lang ang kamay ko at ngumisi lang ako. Tumalikod na ako sakanila pero bago ako makalayo.

"At isa pa pala,HINDI AKO PUMAPATOL SA MGA WALANG PINAGARALAN" at tuluyan ng umalis ng medyo makalayo na ako sakanila sinulyapan ko ang mga mukha nila na naiinis ng sobra. Papunta na sana ako ng room ko ng makita ang mga estudyante na nagkukumpulan sa harap ng bulletin board. Nakisiksik ako sa mga estudyante para makita kung ano ang nasa bulletin baka kasi announcement lang.

Nang makapunta ako sa harap ng bulletin board nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakalagay sa bulletin.

THIS GIRL IS BITCH.

Yan ang nakalagay sa headline ng bulletin at nasa ibaba ang picture ko na magkasama kami ni Miguel sa mall. Yung picture namin na niyakap niya ako sa locker room dahil sa death treath sakin. At yung hinila ako ni Hunter papunta noon sa SG (Secret Garden)

"SINO ANG GUMAWA NITO?" pasigaw na tanong ko dahil naghahalo ang aking emosyon. Nagagalit ako dahil sa gumawa nito,naiiyak ako dahil sakanya nagkagulo ang buhay ko,nahihiya ako dahil ngayon ko lang napansin na marami pala ang nakakalat na mga nakadikit na picture sa buong school.

Wala na akong nagawa kung hindi tumakbo na lang palabas ng school dahil sa kahihiyan. Takbo lang ako ng takbo habang tumutulo ang mga luha ko hindi ko namalayan na may paparating na bus saakin pero hindi ko ito pinansin at humito sa gitna para magpasagasa.

Wala rin naman kwenta ang buhay ko,kailangan ko ng mamatay. Busina lang ng busina ang bus hindi na rin siya makakapreno dahil sa sobrang bilis niyang magmaneho.

Naramdaman ko ang lakas ng impact ng pagbunggo sakin ng bus at tumalsik ako. Nakapikit na lang ako at nakaramdam ako ng yumuyugyog sa katawan ko at tinatawag ang pangalan ko.

"LOUIS GUMISING KA. PLEASE WAG KA MUNA MATUTULOG DADALHIN KITA SA HOSPITAL." alam ko kung kanino ang boses na iyon nakaramdam ako ng tumulo sa mga mukha ko na luha mula sa nagbubuhat sakin.

"M-miguel h-haya..an m-mo n...a a....kong m....ma...mata...y" sabi ko kahit hirap na akong magsalita.

"HINDI LOUIS. HINDI KA MAMATAY"

"P---plea...se M-miguel p--paki...sa...sa...bi k--ay k-uya a..t p---arents k-ko m-mahal ko si..la" sabi ko at ipinikit ang aking mga mata para makapagpahinga na sa lahat ng mga problema ko. Pero bago ako makatulog ng habang buhay. Narinig ko pang nagsalita si Miguel at napangiti ako ng bahagya.

"LOUIS PLEASE GUMISING KA. LUMABAN KA M-MAHAL KITA LOUIS PLEASE LUMABAN KA." pagkatapos kong marinig iyon ay natulog na ako ng mahimbing na habang buhay na hindi magigising.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon