Chapter 26: Representative

15K 419 11
                                    


******
A/N: Thanks po sa readers dahil po sainyo may inspiration po ako sa pagsulat. Sorry po kung medyo natatagalan ang UD kasi po busy sa school. So yun po thanks po sa lahat ng readers at yung ibang nagcomment. Paki-follow din po ako. Thank you po.
And sorry din po sa mga typographical errors and wrong spellings. I hope you'll understand.

*********

Louis POV

Papunta na ako ng room ngayon lahat ng estudyante nakatingin nanaman sakin. Ano bang problema nila? Pagdating ko sa tapat ng room bubuksan ko na sana yung pinto ng pigilan ako ng isa kong blockmate.

"Louis wag muna"

"Bakit? Ano bang ginagawa mo Allan?"

"Kasi... Ahhh... Ehhh... Basta wag mo muna buksan" sabay kamot niya sa batok niya. Ano bang problema neto at ayaw ipabukas ang pinto.

"Bahala ka nga jan" hahawakan ko na sana yung door knob ng pinto pero hinarangan niya ako.

"Wag nga muna Louis. Ang kulit talaga"

"Bakit nga kasi"

"Basta" pagkasabi niya nun biglang tumunog ang cellphone niya may nagtext siguro. Nilagay niya yung cellphone niya sa bulsa niya at nagulat ako sa ginawa niya dahil piniringan niya ako.

"Hoy allan ano ba yang ginagawa mo"

"Basta. Tara... Sige lakad aalalayan kita" nagkalad lang ako habang hawak niya yung braso ko.

"Ready ka na ba?" tanong sakin ni Allan

"Ano ba kasi to" nagtatakang tanong ko at tinanggal niya na ang piring ko.

"SURPRISE" sigaw ng mga ka-blockmates ko. Anong meron? Natutuwa naman ako kahit hindi ko alam kung anong meron.

"Anong meron?" Tanong ko sakanila. Bigla naman may inangat yung mga kaklase ko na malaking papel.

Congrats Louis for being Representavie from our department

Yan yung nakasulat sa papel. Anong representative? Representative ng ano?

"Representative?" Takang tanong ko

"Oo representative Louis. Ikaw ang napili ng mga Prof natin bilang representative ng department natin sa darating na pageant para sa Campus Princess" paliwanag ni Apple blockmate ko.

"Campus Princess?"

"Oo naalala mo nung time na pinatawag ka ni Prof Aileen. Yun yung time na kinausap kami ng mga prof natin para dito. Kasabwat namin si Prof Aileen para hindi mo muna malaman ang plano" dagdag pa ni Jasmine blockmate ko din. Kaya pala ako pinatawag noon ni Prof Aileen pero wala naman siyang inutos o pinagawa sakin ang ginawa lang namin sinama niya ako sa mall. Sabi ko pa nga sakanya noon na babalik na ako sa klase pero sabi niya nagsabi na daw siya sa prof ko.

"Hindi ako ready sa pageant na sinasabi niyo. Pwede bang iba na lang"

"Hindi pwede" sabay-sabay na sabi ulit nila

"Bakit naman?"

"Kasi po ate nalista ka na po ng mga prof eh" sabi ni Shian Yelena.

"Ha? Bakit niyo yun ginawa? Wala man lang permiso sakin" galit na sigaw ko. Gagawa sila ng desisyon ng walang permiso ko.

"Ano ba yan ang daming arte siya na nga itong pinili naginarte pa. Sana ako na lang kasi sabi ko sainyo hindi yan papayag. Mas maganda at sexy naman ako jan sa malandi na yan" singit ni Maxine habang papalapit sakin.

"Sino kayang mas malandi satin? Atsaka kung gusto mo na ikaw ang representative edi sayo na hindi ko naman aagawin eh. Hindi katulad mong mangaagaw"

"Anong mangaagaw? How dare you" sasampalin na sana niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Subukan mong sampalin ako. Baka hindi lang din sampal ang magawa ko sayo. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo Maxine. Kaya pwede bago ka magsalita ng kung ano-ano sakin tumingin ka muna sa salamin kasi baka sarili mo ang tinutukoy mo. Kaya pwede wag mong ipasa sakin ang sarili mo dahil kahit kailan hindi ako magiging katulad mo. Baka wala kayong salamin bilihan na lang kita Bitch" mahabang bulong ko

"MAY ARAW KA RIN SAKIN LOUIS" sigaw niya ngumisi lang ako at lumabas na ng room pupunta muna ako sa cafeteria mamaya pa naman ang class ko.

Papunta ako ng cafeteria ng mag-announce sa speaker ang Pricipal

"To all student from different department please proceed on gymnasium right now. Thank you. Again to all student from different department please proceed on gymnasium right now. Thank you."

Ano kayang meron bakit pinapapunta kami? Halos lahat ng department kailangan doon.

Pumunta na lang ako sa gymnasium pagkadating ko ang dami na agad tao. Umupo na lang ako kung nasaan ang mga ka-block mates ko nakita ko pa ngang inirapan ako ni Maxine pero nginitian ko lang siya. Umupo ako sa tabi ni Shian Yelena ayoko muna tumabi kay Miguel hindi ko parin makalimutan yung kahapon.

"Good morning students" bati ni Pricipal Daniel "Kaya ko kayo pinapunta dito para i-announce sainyo ang ating gaganapin ni pageant para sa Campus Princess. Alam kong lahat ng department dito meron ng representative. Kaya ito ang listahan ko ng mga representative ng bawat department kaya kapag tinawag ko ang pangalan niyo maari ba kayong umakyat dito" dagdag pa niya.

"Blahh... Blahhhh.... Blahhhh... And Louis Kaye Lee from HRM department" umakyat na lang ako nakakahiya naman sa mga prof na umaasa sakin. Pagakyat ko nagsigawan yung mga ka-blockmates ko.

"Whoo Louis" sabay-sabay na sigaw ng mga ka-blockmates ko.

"Ang daming fans ni Miss Lee ah" pangaasar ni Mr. Principal.

"So heres are representative. Are you ready guys for the pageant?" Tanong niya samin at tumango lang kami.

"Masaya kaming prof niyo at pumayag kayo. Gaganapin ang ating pageant ngayong darating na wednesday" kaya lang naman ako pumayag na sumali dito kasi nakakahiya kasi umaasa sila na papayag ako. Pero 2 days na lang pageant na. Hindi ako ready sa ganito eh.

"Ok students pwede na kayong bumalik sainyong mga klase. And ladies hindi muna kayo papasok sumunod kayo sakin" pagkasabi niya noon bumaba na siya ng stage at sumunod lang kamo sakanya.

Nakarating kami sa hindi ko alam na lugar pero dito parin naman sa campus. Pero may mga spot light may rampahan and sa side may mga gown may mga different clothes for girls.

"So ladies may photo shoot kayo. Be ready. Eto nga pala si Miss Julia siya ang fashion designer niyo at eto naman si Kuya Jaspher ang kukuha sainyo ng picture" nakipagkamay lang kami kila Miss Julia at Kuya Jaspher.

"Para saan po itong photo shoot?" Tanong ng isa sa representative.

"Para ito sa pageant" maikling sagot ni Mr. Pricipal.

"Ok girls tara na maguumpisa na tayo" pagkasabi niya nun pinagkukuha niya kami ng damit at pinasuot samin.

Pagakatapos naming magbihis isa-isa na kaming kinuhaan ng picture at palit din kami ng palit ng damit ang dami kasing shoot.

Ang hirap naman maging representative.... Bakit kasi ako pa?

A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon