Chapter 17: Her Reason

19.8K 471 9
                                    

Louis POV

Ilang linggo din ako sa hospital. Lagi akong dinadalaw ni Miguel at Hunter. Minsan nga si Hunter may niluluto pang favorite kong ulam na sinigang.

Nagtataka talaga ako kung bakit alam ni Hunter ang favorite food ko eh samantalang family ko lang at si Renz ang may alam ng favorite food ko tapos tinawag niya din ako sa first and second name ko?

Kapag ganyan si Hunter sakin naaalala ko lang si Renz sakanya. Ano bang meron kay Hunter bakit nararamdaman ko sakanya yung presence ni Renz?


*Flashback*

Nandito kami ngayon ng family namin sa Hong Kong para daw sa family business at dito na rin daw ako mag-aral. Ayoko sanang sumama pero pinilit nila ako kaya wala akong nagawa.

Miss na miss ko na nga si Renz gusto ko ng umuwi ng Pilipinas.

Dahil sa pagkagusto kong umuwi ng Pilipinas. Tumakas ako kila Mommy meron naman akong passport para umuwi eh kaya hindi na ako nagdalawang isip na tumakas.

Sumakay ako ng taxi para makapunta sa airport hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ko baka malaman nila na tumakas ako. Kaya no choice nag-taxi ako.

Habang papunta kami sa airport nasa over pass kami kasi hindi traffic dito,biglang nagsalita yung driver ng taxi.

"Ma'am we have a problem" natatarantang sabi niya.

"Whats the problem tell me?" natataranta nadin ako dahil nadadala ako sa pagkataranta niya.

"Yung break po ayaw gumana" eh pinoy pala ito eh nag-english pa ako. PERO WHAT AYAW KUMAGAT NG BREAK?

"ANO??"

"Ma'am ayaw talaga" natataranta na siya kaya ang nangyari ay..


BOGSHHHHHHHHH....



Nabunggo kami sa barrier ng over pass at bumaliktad ang taxi nahulog ito sa over pass and everythings went black









"Louis anak gumising ka"

"Baby Louis gumising ka"

Dumilat ako at nakita ko ang babae na umiiyak sa tabi ko. Habang nasa kabilang side ko naman ay dalawang lalaki na mukhang nagaalala sakin. Sino ba sila?

"Sino kayo? Hindi ko kayo kilala layuan niyo ako" sabi ko habang tinutulak sila

"Baby Louis hindi magandang biro iyan" sabi nung isa na binata na tinawag akong baby Louis daw

"Anak ako to si Mommy Elaine mo. Siya naman ang Kuya Nathan mo at Daddy Lance mo. Hindi mo ba kami nakikila?" umiling lang ako bilang sagot.

"Ahhhhhh" sigaw ko sabay hawak ko sa ulo ko dahil bigla na lang itong sumakit at parang dinudurog ang ulo ko.

"Anak anong nagyayari sayo?" Tanong nung babae na sabi niya Mommy ko daw.

"Ahhhh ang sakit" sigaw ko at hawak ko parin ang ulo ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko sa sakit.

Habang sabunot ko ang ulo ko yung babae kanina sabi niya Mommy ko daw siya nasa tabi ko lang siya pero yung dalawang lalaki kanina biglang nawala.

Bigla na lang dumating yung doktor kasama yung Daddy at Kuya ko 'daw'

"Mr and Mrs Lee sa labas po muna kayo please" sabi nung doktor at lumabas na sila. May tinurok ang doktor saakin at bigla akong nahilo at nakatulog.





Nagising na lang ako ng may maramdaman akong nakahawak sa kamay ko. Tinignan ko kung sino ang humawak sa kamay ko ito ay si Mommy.

"M-mommy" tawag ko sakanya na medyo nauutal dahil nanghihina ako. Nagising naman si Mommy na agad tumayo at niyakap ako.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now