Chapter 63: Break-up

14.3K 367 123
                                    

Miguel POV

Ilang araw ko ng tinatawagan, pinupuntahan sa bahay nila si Louis pero hindi niya ito sinasagot at hindi rin daw siya lumalabas ng kwarto niya.

Nahihirapan na ako dito. Dahil kay Shiela nagulo nanaman kami bakit ba kasi bumalik pa siya.

"Anong pag-uusapan natin?" Pabalang na sagot ko kay ate Shane ng maka-upo ako sa harap niya. Nandito kami ngayon sa isang pizza parlor malapit sa school.

"Aba pabalang ka na sumagot ngayon ah. Ayan ba ang natutunan mo sa malanding Louis na 'yun ha?"

"'Wag mong idamay dito si Louis. Anong pag-uuspan natin?"

"Well may gusto lang naman akong sabihin sayo."

"Ano nga? Kung hindi mo sasabihin agad pwede bang mauna na ako? Kasi may klase pa ako"

"Okay,okay eto na. Pakasalan mo si Shiela."

"Huh? What?"

"I said marry Shiela."

"No way."

"Kailangan mo siyang pakasalan. She carry your baby in her womb. You are the father of your baby and her baby also."

"How can you prove that i'm the father of the baby huh?"

"Ahmmm.... Basta ikaw ang tatay. Pakasalan mo siya." Maawtoridad na sabi niya.

"Hindi mo nga napatunayan saakin na ako ang ama nun eh bakit ko siya papakasalan. Mauna na ako excuse me." Sabi ko at tumayo na para pumasok na sa klase ko.

Habang papunta ako sa room namin naka-salubong ko si Louis. Pero nilagpasan niya lang ako pero bago siya lumagpas saakin may binigay siya saakin kulay blue na sticky note.

Sa favorite park natin mamayang uwian.                 
                                              -Louis

Napatingin ako sa likod niya na naglalakad palayo saakin. Bakit kaya niya ako pinapupunta? Galit pa kaya siya saakin? O papatawarin niya na ako at makikinig na siya saakin? Hay ang gulo.

Pagkatapos ng last subject namin nagmadali akong lumabas ng classroom nagaalala ako kay Louis hindi siya pumasok simula nung binigay niya yung sulat hindi siya pumasok buong araw siyang hindi pumasok.

"Louis, ano bang nangyayari sayo?" Sabi ko sa sarili ko habang pinapalipad na ang kotse ko sa sobrang bilis para makapunta na ako agad sa park.

Pagdating ko sa park pumunta agad ako sa lugar kung saan nakalagay ang batong hugis puso na ginawa ko. At sa tulong na rin ng mga kaibigan ko.

Nakita kong naka-tayo si Louis at nakasandal ang likod sa railings ng brigde habang naka-tingin sa baba ng bridge.

"Louis." Tawag ko sakanya at mabilis na tumakbo para yakapin siya.

"Bakit hindi ka pumasok kanina? Alam mo bang alalang alala ako sayo."

"Miguel, hindi ako makahinga." Malamig na sabi niya kaya bumitaw ako sa pagkakayakap ko sakanya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at humarap sakanya.

"Ayos ka lang ba? Bakit ang laki na ng eye bags mo? Natutulog ka pa ba?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya.

"Miguel, tama na 'to." Malamig na sabi niya ulit na diretsong nakatingin sa mata ko. Kita ko sa mata niya ang lungkot at sakit.

"Anong tama na? Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko.

"Miguel ayoko na. I'm setting you free."

"Ha? Hindi pwede. Diba may promise tayo sa isa't-isa. Louis ano bang nangyayari sayo. Huwag mo naman sabihin yan oh." Maluha-luhang sabi ko habang hawak ang kanyang pisngi.

Hindi 'to pwedeng mangyari!

"Miguel, enough were done. Magkakaroon ka na ng pamilya mo. Kahit masakit pinapalaya na kita. Ayoko naman na lumaki yung anak niyo ni Shiela na walang ama. Miguel please tama na." Sabi niya at tumulo na ang luha niya.

Please 'wag kang iiyak ng ganyan hindi ko kayang nakikita ka ng ganyan!

"Louis, pwede ko naman tustusan yung pangangailangan nung bata basta magkasama lang tayo." Sabi ko at tumulo na rin ang luha ko

"Ayokong sirain ang pamilya niyo. Miguel masakit,mahirap at parang hindi ako mabubuhay kapag wala ka pero kailangan kong isurrender ang pagmamahalan natin para sa bata dahil yun yung tama. Ikaw man o hindi ang tatay nun magpapakasal parin naman kayo ni Shiela. Sorry Miguel." Sabi niya at humagulgol na siya.

Louis,nahihirapan ako kapag ganyan ka! Please tama na.

"Louis, hindi ako susuko saatin. Kahit pa sabihin mong magkaka-pamilya na ako hinding hindi kita isusuko. Louis mahal kita mahal na mahal ayokong mawala ka saakin."

"Ayoko rin naman na mawala ka saakin eh pero anong magagawa natin. Mahal din kita pero may pamilya ka na. Paano pa yung pagmamahalan natin kung may hahadlang at may pamilya ka. Miguel hanggang dito na lang tayo."

Niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalik-halikan ko siya sa buhok habang patulo lang ako sa pag-iyak pati rin siya iyak ng iyak. Eto na ang huling mayayakap ko siya. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya at ginantihan niya rin iyon ng yakap.

Bakit kailangan mangyari pa saamin' to? Kung kailan naman ako nagseryoso sa babae tsaka pa nagkanda-loko-loko.

"Eto na ang last time na mayayakap kita at mahahalikan. Maraming salamat at nakilala kita." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit at tinadtad ng halik ang mukha niya pati ang kamay niya.

Louis POV

Nakatitig lang ako kay Miguel na hinahalikan ang mga kamay ko habang ang luha ko naman parang gripo na sira dahil ayaw tumigil kakaluha.

Mahirap, masakit, parang nadudurog yung puso ko na yung taong minamahal mo mawawala nalang sayo ng bigla at mabilisan. Ang akala ko tatagal kami 'yun pala hindi pansamantalang pagmamahalan. Ayoko ng ganitong feeling. Parang mamatay na ako sa sobrang sakit pinipiga ang puso ko na nakikitang ganyan si Miguel sobrang sakit. Ayokong nasasaktan ang mahal ko ayoko ayoko na. Ang sakit talaga.

Mas masakit pa 'to kesa nung nalaglagan ang ng bakal sa paa,mas masakit pa 'to nung nagpa-practice akong mag-bike, mas masakit 'to sa lahat ng naranasan ko sa buhay ko. Eto ang pinaka-masakit na naramdaman ko. Masakit sa feeling yung makikita mo yung mahal mo na masasaktan dahil sayo, makikita mo siyanh nahihirapan dahil sayo. Ang sakit ng ganun.

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tumalikod sakanya.

"One last time, i love you Miguel." Sabi ko at tuluyan ng naglakad palayo pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ng may maramdaman akong braso sa beywang ko.

"I love you, i love you. Mahal na mahal kita tandaan mo yan. Ipaglalaban kita." Sabi niya at bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin na hudyat na pinapalaya niya na ako.

I love you Miguel.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now