Chapter 50: First Move

12.6K 338 14
                                    

Miguel POV

Lumipas ang new year at nakita kong umuwi na sila Louis.

Pagbaba niya natama ang mata namin pero agad naman siyang hinila ng mommy niya. Ngumiti lang siya saakin at nagpatuloy pagpasok ng bahay nila. Pumasok ako sa bahay at nagdire-diretso sa kwarto ko. Buti na lang at wala dito yung fvcking Shiela na 'yun.

Nahiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Sh!t bakit mukha ni Louis ang nakikita ko sa kisame? Mukha ni Louis na naka-ngiti. Nagha-hallucinate na yata ako. Pinikit ko ang mata ko at dinilat ulit tumingin ako ulit sa kisame at mukha parin ang nakikita ko.

"Louis" bulong ko na bigla na kang lumabas sa bibig ko.

Ano bang meron kay Louis at mahal na mahal ko siya? Bigla na lang akong nagbago dahil sakanya. Sh!t the fvck i'm so inlove with Louis.

Sakanya lang ako nagseryoso ng ganito. Imagine dahil lang sa facebook nagkakilala kami at na-inlove ako sakanya. Isang simpleng babae biglang pinabago ang isang gangster,barumbadong lalaki.

Dati ang buhay ko puro night out,puro babae. Ngayon hindi na ako sumasama sa night outs ng mga tropa ko. Napaka-laki ng pinagbago ko dahil kay Louis.

Knock... Knock... Knock

Napatigil ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ko.

"Sino 'yan?"

"Kuya, si Yelena po ito. Pwede po bang pumasok?" sigaw ni Yelena mula sa labas. Umupo ako at sinandal ang likod ko sa head board.

"Sige pumasok ka"

Pagpasok niya bihis na bihis. Saan ang lakad neto? Baka naman may date sila ni Hunter? Dalaga na ang kapatid ko.

"Saan ang lakad mo?"

"Ahmm kuya may date ako"

"Mag-ingat ka. Bakit ka nga pala nandito?"

"Magpapaalam lang po sana"

"Ok lang basta bago mag-gabi umuwi ka na"

"Opo"

Palabas na sana si Yelena ng may naisip ako. Siya ang magaling mag-advice para dito eh.

"Ahh Yelena"

"Yes Kuya?"

"Maari ba kitang makausap muna? Saglit lang naman 'to"

"Sige po kuya. May 5 minutes pa naman bago ako sunduin ni Hunter"

"Sige salamat. Upo ka muna"

Umupo siya sa edge ng kama ko at nakatingin lang sakin para bang hinihintay kung ano ang sasabihin ko. Huminga akong malalim at nagsimulang magsalita.

"Yelena paano mo malalaman kung sobrang mahal mo talaga ang tao?"

"Ay kuya hindi mo ba nararamdaman yan kay ate Louis. So eto lang naman yung mga sign para malaman mo kung mahal mo talaga ang isang tao. Una, kapag nandyan siya bumibilis ang tibok ng puso mo kaya marinig mo lang ang pangalan niya yung puso mo sobrang bilis ng tibok. Pangalawa, kapag may kasama siyang ibang lalaki o dumidikit sakanyang lalaki parang gustong-gusto mo nang sapakin yung lalaki at sobrang talim ng titig mo sakanya. Pangatlo, gusto mo laging kasama siya namimiss mo agad siya kapag hindi kayo nagkita kahit saglit na panahon lang, gustong-gusto mo siyang makita hindi ka mapakali dahil miss mo na siya. Pang-apat, kapag magka-sama kayo parang yung oras tumitigil siya lang ang nakikita mo at lahat ng nasa paligid biglang nag-slow motion. Pang-lima, nakikita mo siya kahit wala naman talaga siya sa harap mo hallucination ang tawag doon. Sa sobrang pagmamahal mo sakanya pati mukha niya lagi mong nakikita. Pang-anim, kapag hinahawakan ka niya parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan mo. Pang-pito, kapag malungkot siya lahat gagawin mo para sumaya lang siya kahit magmukha ka ng tanga sa harap niya mapasaya mo lang siya. At ang pang-walo bigla-bigla mo na lang masasabi ang pangalan niya at siya ang laging nasa-isip mo"

Speechless. Bakit ang daming alam netong batang ito.

"Naramdaman mo ba lahat yan kay ate Louis?"

"Oo" mabilis na sagot ko

"Ayieee inlove na kuya ko. First time yan ah"

"Hay manahimik ka"

"So ano pong plano mo ngayon na nalaman mo ng mahal mo siya?"

"Wala pa. Hindi ko alam"

"Kung ako sayo kuya ligawan mo"

"Huh?"

"Sabi ko ligawan mo si ate"

"Paano? Paano kasi may Fiance na ako?"

"Kuya mas iisipin mo ba yang fiance na yan. Walang kwenta yan. Diba sabi mo saakin kuya kung saan ka masay doon ka. Pero bakit ganun ka? Kanino ka ba masaya?"

"Kay Louis"

"Oh kuya naman. Wala lang yang fiance na yan,wala namang katibayan atsaka hindi pa kayo kasal para hadlangan ka niya. Kuya ligawan mo si ate. Pero bago mo ligawan si ate dapat ligawan mo muna sila tita Elaine"

Natahimik ako sa mga sinabi ni Yelena. Tama siya. Liligawan ko si Louis. Pati narin sila tito at tita.

"Sige kuya dito na po ako nag-text na si Hunter nasa baba na daw po siya. Kuya ah yung sinabi ko"

"Salamat Yelena. Sige na mag-ingat kayo"

Tumango lang siya at lumabas na ng kwarto ko. Tama si Yelena wala namang bisa yung samin ni Shiela atsaka hindi pa kami kasal kaya hindi pa ako nakatali sakanya.

Agad akong tumayo dumiretso ako sa cr at naligo. Pupunta ako kila Louis.

"Bouquet of tulips and rose" sabi ko sa isang staff ng flower shop. Bibili muna ako ng flower para kila tita. Yung tulip kay Louis tapos yung rose kay tita Elaine.

"Ok sir, i-arrange lang po namin ang flowers"

Tumango lang ako at umupo muna sa wauting area sa flower shop. Habang nakaupo ako iniisip ko kung ano ang ibibigay ko kila tito at Nathan.

To: Hon

Hon ano bang gusto nila Tito pati ni Nathan?

Text ko kay Louis hindi rin naman nagtagalan nagreply na din si Louis.

From: Hon♥

Anong klaseng gusto ba? Bagay? Pagkain? Ano? Atsaka para saan?

To: Hon♥

Wala lang naman nagtatanong lang. Bagay.

From: Hon♥

Bagay? Mukhang wala namang gusto sila Daddy sa mga bagay kasi lahat meron na sila eh.

To: Hon♥

Pagkain? Meron ba?

From: Hon♥

Yeah may gusto silang pagkain. Doon sila nagkakasundo eh. Favorite nila 'yun. Pesto. Hon para saan ba?

To: Hon♥

Wala lang. Thank you hon. I love you. Take care always.

From: Hon♥

I love you more

Napangiti ako sa reply saakin ni Louis. Kaya mahal na mahal ko siya eh.

Eto ang first move ko. Kukunin ko muna ang loob ng parents niya para payagan nila akong manligaw.


A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now