Chapter 32: Confession

14.6K 398 47
                                    

Louis POV

Kakauwi lang namin ni Dianna galing school. Agad kaming dumiretso sa kwarto para magbihis at magpahinga. Habang nakahiga kami biglang tumunog yung cellphone ko.

*NP: Boombayah by Blackpink*

[Hello Louis]

"Yes. Bakit napatawag ka?"

[Pwede mamayang seven ng gabi pumunta ka dito sa bahay]

"Bakit naman?"

[Basta pumunta ka. Hihintayin kita sa music room ko. Tanungin mo na lang si Yelena kung saan]

"Ok sige"

[Bye Louis]

"Bye Miguel"

Bakit kaya ako pinapapunta nun sa bahay nila? Baka naman magja-jamming kami?

From: Miguel
   Pagpunta mo dito wag mo na isama si baby Dianna.

Text niya sakin. Bakit hindi ko isasama? Hayss yaan mo na nga baka may sasabihing importante.

Three palang naman eh. Matutulog muna ako. Mag-alarm nalang ako.

**********

Nagising ako ng marinig ko ang alarm ko. Tinignan ko si Dianna na katabi ko lang tulog pa. Pupunta na ako kila Miguel para naman makabalik ako agad baka hanapin ako ni Dianna.

"Kuya punta lang ako sa kapitbahay ah. Kila Mguel" sabi ko kay Kuya ng makababa ako galing kwarto ko.

"Bakit ka pupunta doon?"

"Pinapapunta ako eh"

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh. Basta daw pumunta ako"

"Sige. Si Dianna ba tulog pa?"

"Opo eh. Pagnagising po paki sabi nakila Miguel lang ako"

"Sige. Wag uuwi ng late ah"

"Opo. Bye dito na ako"

Lumabas na ako at dumiretso sa bahay nila Miguel.

Ding...Dong...Ding...Dong..

Dalawang beses akong nagdoor bell at lumabas si Shian Yelena siguro sinabi ni Miguel sakanya na pupunta ako.

"Hi ate si Dianna po?"

"Andun pa sa kwarto tulog. Punta ka nalang kung gusto mo"

"Sige ate punta ako doon. Hatid muna kita sa music room kanina ka pa hinihintay nun eh"

"Bakit ba nya ako pinapunta dito?!

"Ahh.. Kasi ate... Ahh basta siya na lang po magsasabi"

Naglakad lang kami papasok ng bahay nila para pumunta sa music room daw.

"Ate pasok ka na. Pagpasok mo po diyan kumanan ka may pinto doon. Andun po si kuya Migs" sabi niya ng huminto kami sa tapat ng isang pinto.

"Ok sige. Thank you"

"Sige po ate punta na ako sainyo ah"

Tumango lang ako sakanya at pumasok na sa pinto pagpasok ko. Bumungad sakin ang isang magandang kwarto. Kwarto ba to ni Miguel? Ang linis parang hindi lalaki ang may ari ng kwarto. Katulad nga ng sinabi ni Miguel pumunta ako sa isang pinto dito sa loob ng kwarto ni Miguel.

Knock...knock..knock

"Miguel" tawag ko sakanya habang kumakatok.

"Pasok" rinig kong sigaw niya mula sa loob.

Pumasok na lang ako at naabutan ko siyang inaayos ang gitara niya. Ng mapansin niya ako tinignan niya ako at ngumiti. Ang cute niyang ngumiti. Bakit bumilis yung tibok ng puso ko nung ngumiti siya? Ano ba yan may sakit na ba ako sa puso?

"B-bakit mo ba ako pinapunta d-dto" nauutal na sabi ko. Bakit ba ako nauutal? Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Magpapacheck up nga ako.

"Wala lang gusto ko lang"

"Gusto mo lang? Ano to trip mo nanaman ako?"

"Oo"

"Kung ganoon aalis na lang ako"

Naglakad ako papunta sa pinto at akmang pipihitin ko na ang door knob nagulat na lang ako ng may yumakap sakin mula sa likod.

"M-miguel ano bang ginagawa mo?" Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

"Niyayakap ka"

"Bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko

"Dito ka lang please. Wag mo akong iwan" biglang sumeryoso ang boses niya.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Wag mo akong iwan please. Louis mahal kita. Simula nung nakita kita sa fb bigla ko na lang tong naramdaman. Hindi ko nga alam pero bigla na lang. Nalaman ko na lang paggising ko isang araw mahal na kita. Dahil sa fb,dahil sa pag-trip ko sayo minahal kita. Kala ko nga hindi kita magugustuhan pero biglang nagbago. Ngayon lang ako nagseryoso sa babae. Nang dumating ka nagkaroon ng kulay yung buhay kong madilim. Tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko. Tuwing nandyan ka sa tabi ko gusto kong lumayo sayo dahil pakiramdam ko mamatay na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Dati hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman ko pero nung ipaliwanag sakin ni Yelena lahat tsaka ko nalaman na mahal na kita. Ewan ko nga kung anong meron sayo. Bakit ako nagkagusto sayo? Ano bang meron sayo bakit baliw na baliw ako sayo. Marinig ko lang ang pangalan mo bigla bigla na lang akong ngingiti. Kapag nandyan ka parang ayoko na umalis ka sa tabi ko. Gusto ko nandito ka lang sakin. Gusto ko forever na tayo. Alam kong walang forever pero pinapangako ko sayo na magkakaroon ng forever kapag naging tayo. Gagawa at gagawa ako ng paraan para magkaroon tayo ng forever kahit marami pa ang humadlang saatin. Nagbago ako dahil sayo. Yung dating Miguel na tinaguriang Campus Gangster nagbago ng dahil sayo. Dati tuwing gabi lagi akong nasa bar kasama ang mga barkada ko,ngayon nandito na lang ako sa bahay kahit inaaya ako nila Janwin na mag-bar. Dati umuuwi ako ng bahay ng puro pasa at sugat dahil lagi akong laman ng mga riot sa school at kahit saan mang lugar. Dati lagi akong naninigarilyo at umiinom. Pero ng dumating ka nagbago ako. Nagbago ako para sayo. Louis mahal na mahal kita. Hindi ko naman sinabi na mahalin mo din ako pabalik. Ang sakin lang hayaan mo akong mahalin ka. Wag kang mailang sakin kasi baka magpakamatay na ako kapag wala ka sakin kapag wala ka sa tabi ko. Ikaw ang prinsesa ko at ako ang prinsipe mo"

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko,parang may mga paru-paro sa tiyan ko? Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko parang ilang sandali na lang titigil na ang tibok nito.

Pinaharap niya ako sakanya nakatingin siya sa mga mata ko at ang mga kamay niya nakahawak sa balikat ko.

"Louis mahal na mahal kita. Hindi kita pinipilit na mahalin mo din ako. Pero pakiusap ko hayaan mo lang ako na mahalin ka"

Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya. Parang umurong ang dila ko hindi ako makapagsalita. Mahal niya ako?

"Wala ka bang sasabihin sa lahatng sinabi ko?"

Hindi ako sumagot dahil yung dila ko umatras.

"Ok lang kahit wala kang sabihin"

Sabi niya habang palapit ng palapit ang mukha niya kaya napapikit ako. Naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa noo ko.

"Sige na umuwi ka na baka hinahanap ka na ni baby Dianna"

Pagkasabi niya nun tumakbo ako palabas ng bahay nila. Pupunta muna ako sa play ground kailangan kong makapagisip.

Miguel POV

Hay salamat nasabi ko din. Ang sarap sa pakiramdam. Parang nabunutan ako ng malaking tinik sa lalamunan. Kala ko hanggang pagpapanggap nalang ako. Salamat sa kapatid ko at binigyan niya ako ng lakas ng loob na sabihin kay Louis ang tunay kong nararamdaman. Mahal na mahal ko si Louis. Hindi ko alam kung paano at bakit? Basta mahal ko siya.

--------

Song Title: Sana ikaw na nga by ExBattalion


A Campus Gangster Meets Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon