Chapter 33: Mahal na nga yata kita!

16.2K 408 11
                                    

Hi DENIZE_SADNESS123



Louis POV

Hindi ako nakatulog kagabi dahil kakaisip ng mga sinabi ni Miguel sakin. Ewan ko kung ano ang nararamdaman ko? Pero parang naramdaman ko na to nung nag-confess sakin si Renz pero bakit ganito hindi ko talaga maipaliwanag.

Nandito ako sa school ngayon naglalakad ako papunta sa building namin ng may marinig akong mga babaeng nabubulungan.

"Bes nakita mo ba si fafa Miguel kanina sa gymnasium?"

"Oo bes. Ang ganda ng kasama niyang girl noh"

"Yeah bes pero mas maganda ako doon"

"Wag kang assuming bes. Ang sweet kaya nila kanina"

"Oo nga sana ako na lang yun"

"Gaga sila nga yata eh. Sobrang sweet kasi"

Binilisan ko na ang lakad ko dahil ayoko ng marinig ang tsismisan nila. Dahil bigla akong nakaramdam ng galit. Pero teka bakit ako magagalit eh wala namang kami atsaka wala naman akong pakialam kung sino yung babae na yun. Pero nagagalit talaga ako. Ayyy kainis talaga bakit ba ako nagagalit.

Pagkapasok ko sa room binalibag ko yung bag ko sa upuan ko at yumuko. Nababanas ako.

"Hey ate ok ka lang ba?"

Napaangat ako ng ulo ng magsalita si Shian Yelena. Tinignan ko lang siya at yumuko ulit. Wala ako sa mood makipag-usap.

"Ate i know the answer. May problema ka nga andito lang ako ah"

Sabi niya sakin at naramdaman kong bumalik na siya sa upuan niya. Sabihin ko kaya kay Shian Yelena baka mawala ng konti yung galit ko. Konti lang naman.

"Ok fine sasabihin ko na. Tara sa likod nitong building"

Sabi ko sakanya at hinila siya papunta sa likod ng building namin. Marami kasing puno doon at relaxing yung place na yun.

"Ate ano po ba problema niyo?" Panimula niyang tanong ng makapunta kami sa likod ng building.

"Kasi hindi ko alam kung bakit ako nagagalit eh? Hindi ko alam kung bakit ganito ang naramdaman ko nung marinig ang tsismisan ng dalawang estudyante"

"Ano po ba yun ate. Pa-explain"

"Ganito kasi yun naglalakad ako kanina papunta dito sa building natin ng marinig kong naguusap yung dalawang estudyante. Sabi nila may kasama daw si Miguel na babae nasa gymnasium daw sila tapos daw ang sweet daw nila. Nang marinig ko yun bigla na lang akong nagalit"

"Ate alam ko na yang feeling na yan. Inlove ka na kay Kuya"

"Huh? Ako inlove? Sakanya? Paano mo naman nasabi"

"Kasi ate nagseselos ka"

"Ako nagseselos? Hindi kaya"

"Anong hindi? Eh kung magalit ka nga po parang gusto niyo nang kalbuhin yung babae"

"Hindi kaya naiinis lang ako kasi ang aga-aga tsismis agad"

"Ate dont deny"

"Hindi ako nagseselos noh"

"Ok ok hindi na nga po eh"

"Buti naman naniwala ka"

"Oo na nga po eh. Tara na po malapit na mag-start yung klase"

"Tara na"

Habang naglalakad kami papuntang room nakita ko si Miguel na may kasamang babae nasa harap sila ng room naguusap. Pinahinto ko si Shian Yelena sa paglalakad para tignan lang sila. Nakatingin lang ako sakanila habang masaya silang naguusap. Hindi din nagtagal ang usapan nila at nagpaalam na yung babae kay Miguel,pero bago siya umalis humalik muna siya sa pisngi ni Miguel. Nung makita ko iyon parang may kumurot sa puso ko. Gusto kong umiyak sa nakita ko. Mukhang nakaramdam si Shian Yelena dahil hinawakan niya ang kamay ko.

A Campus Gangster Meets Campus PrincessWhere stories live. Discover now